DAVAO DEL SUR – Dead on arrival sa ospital ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng ‘di pa kilalang gunman sa mismong bahay nito sa Purok Lubi, Barangay Managa sa bayan ng Bansalan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Samuel Villacorta Dicdican, 53-anyos, kapitan sa Brgy. Buenavista ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Bansalan PNP, nakarinig ng alingawngaw ng putok ng baril ang misis ng biktima at paglabas nito sa kanilang bahay ay nakitang duguan ang mister pasado alas-7:00 ng gabi. Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. (BONG PAULO)
150
