BRGY. CHAIRWOMAN, ITINUMBA SA STA. ROSA

LAGUNA – Patay sa pamamaril ang senior citizen na barangay chairwoman sa harap mismo ng barangay hall sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali.

Nabatid mula sa Sta. Rosa City Police Station, kinilala ang biktimang si Lorena Presbitero De Jesus, 60, kapitana ng Barangay Kanluran.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Laguna Police Public Information Officer, P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakaupo sa tabi ng Barangay Health Center ang biktima nang isang lalaki ang lumapit dito at pinaputukan ng dalawang beses.

Agad dinala sa Sta. Rosa Community Hospital ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay habang mabilis na tumakas ang hindi kilalang suspek. (CYRILL QUILO)

157

Related posts

Leave a Comment