MANANATILING lehitimong namumuno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) matapos ipagpaliban ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.
Ayon sa Office of the President (OP), dahil walang naganap na halalan, patuloy na gaganapin ng BTA ang buong kapangyarihan at awtoridad nito sa ilalim ng extended transition period hanggang sa mahalal o maitalaga ang mga bagong opisyal.
“The authority to make changes in the composition of the BTA during the transition remains with the Office of the President, as provided by law,” pahayag ng OP.
Dagdag pa nito, “No formal reappointment is necessary, as current members continue to hold office by operation of law until replaced or succeeded.”
Layunin umano ng pagpapatuloy ng operasyon ng BTA na “ensure continuity of governance, legal stability, and an orderly transition in the Bangsamoro.”
Nilinaw pa ng Palasyo na ang patuloy na awtoridad ng BTA ay alinsunod sa Bangsamoro Organic Law (Republic Act 12123) at sa desisyon ng Korte Suprema na nagpaliban sa unang parliamentary elections na orihinal na itinakda sa Oktubre 13, 2025.
Pinagtibay noong Pebrero 2025, ni-reset ng RA 12123 ang unang regular elections sa BARMM at itinakdang ang susunod ay isasabay sa 2028 national elections, na gaganapin tuwing ikatlong taon pagkatapos noon.
(CHRISTIAN DALE)
14
