BUDGET NG NTF-ELCAC SA IBA PANG AHENSYA, PINATATANGGAL

IGINIIT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat tanggalin ng Kongreso ang bahagi ng pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na nasa ilalim ng iba pang ahensya.

Ito ay makaraang ianunsyo ni Senate Finance Committee Chairman Juan Edgardo Angara na tinapyasan nila ang pondo ng NTF-ELCAC para sa 2022.

“I support and congratulate Sen. Sonny Angara for the cut in the NTF ELCAC budget. I thank him for supporting my advocacy since last year to realign this NTF-ELCAC budget which duplicates other programs, and is clearly in the nature of pork barrel funds,” pahayag ni Drilon.

Una nang kinumpirma ni Angara na mula sa P28 bilyon, ibinaba nila sa P4 bilyon ang budget ng ahensya.

Iginiit ni Angara na kailangan ng gobyerno ng mas malaking pondo para ipambili ng dagdag na bakuna at pam-booster bukod pa sa hindi rin nailatag nang maayos ng ahensya ng kinakailangan nilang pondo sa susunod na taon.

Samantala, suportado rin ni Drilon ang probisyon sa Committee Report ng Senate Finance Committee na obligahin ang Procurement Service ng Department of Budget and Management na idisburse ang pondo sa kanila ng iba’t ibang ahensya hanggang December 31, 2021.

“A similar provision should be made to apply to Philippine International Trading Corporation which have billions of ‘parked’ funds in its coffers,” dagdag pa ni Drilon. (DANG SAMSON-GARCIA)

191

Related posts

Leave a Comment