BUMBAY, 5 PA TIMBOG SA P.6-M SHABU

CAVITE – Mahigit sa P.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang Indian national at limang iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi,

Kinilala ang mga arestado na sina Nanun Singh, 29, Indian national; Conrado Luy, 47; Marjorie Estupin, 31, isang online seller; Ernesto Bacojo, 46; Denmar Angelo Monet, 25, at Berlyn Rose Santos, 18-anyos.

Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-11:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Molino 2, Bacoor City kung saan naaresto si Singh at mga kasama nitong sina Luy, Estupin at Bacojo, at nakuha ang tinatayang 60 gramo ng umano’y shabu na P408,000 ang street value.

Sa isa pang buy-bust operation na ikinasa ng Cavite City Police dakong alas-5:20 noong Martes ng hapon sa Brgy. 8, Cavite City ay nadakip naman ang mga suspek na sina Monet at Santos.

Nakuha sa mga ito ang 41.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P279,480 ang halaga. (SIGFRED ADSUARA)

 

169

Related posts

Leave a Comment