Buwagin na ang IATF – Sen. Imee Marcos

NASAAN na tayo ngayon?

Ito ang katanungan ng ­maraming Pilipino sa pamahalaan sa gitna ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isang taon matapos magpatupad ng lockdown dahil sa pandemic.

Nagtataka ang marami kung bakit ang ibang bansa ay nagsimula nang bakunahan ang kanilang mamamayan at yung iba ay matatapos na, ngunit dito sa Pilipinas ay pinag-uusapan pa rin kung pano ipatutupad ang mga health protocol gaya ng paggamit ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing.

Sa Wuhan, China, kung saan sinasabing nagmula ang virus, ang mga tao ay nagsimula nang magdiwang, nagsasayawan, nagkakantahan da­hil nalupig na nila ang salot na pandemya. Dito sa atin, bawal pa rin ang magdiwang, ang kumanta at sumayaw upang umano’y masugpo ang pagkalat ng COVID.

Pati ang reunion at iba pang pagdiriwang gaya noong Pasko ay ipinagbawal. Maging ang pagdalaw sa libingan ng ating mga mahal sa buhay na nagsipanaw na noong Todos Los Santos ay hindi rin pinahintulutan.

Pati ang pagpunta sa simbahan sa darating na Mahal na Araw para gunitain ang pagkamatay ni Panginoong Hesus para matubos ang kasalanan ng sanlinbutan at ang Kanyang pagkabuhay na muli para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa, bawal din.

Kaya tanong din ng ating mga mambabasa: “Bakit puro bawal dito, bawal doon ang tanging ipanatutupad na solusyon sa mga problemang naghahatid ng kahirapan sa mga Pilipino?”

At kung kaya ang lahat ng sumusulat sa atin, tumatawag, nagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text, email at iba pang medium, ay sang-ayon sa panukala ni Senadora Imee Marcos na buwagin na ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, na sa loob ng nakalipas na 365 araw ay nag-iisip ng mga solusyon kung paano masusugpo ang paglaganap ng salot.

“To make way,” anang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at Ginang Imelda Marcos, “for a true ‘medical, science-based’ approach in addressing the COVID-19 pandemic.’

Sa isang virtual interview sa mga reporter noong Lunes, ipinahayag ni Sen. Imee ang kanyang kalungkutan sa aniya’y “conflicting” rules na ipinatutupad ng IATF sa gitna ng kasalukuyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Pinuna rin niya ang maramihang pag-aresto sa mga taong hindi makatupad sa “minimum health ­standards in public places while medical and science-based ­approaches are lacking.”

Dagdag niya: “The IATF’s handling of the pandemic has been inept at pahirap sa mga mamamayan.” Kaya ­napapanahon aniya para buwagin na ang IATF at umpisahan ang totoong medikal at science-based na soluyson na talagang makakatulong sa mga tao.

Sinang-ayunan ni Sen. Vicente Sotto III, pangulo ng Senado, ang mungkahi ni Sen. Imee dahil maging siya mismo ay hindi nasisiyahan sa nangyayari sa bansa ngayong panahon ng pandemya.

“I concur with that, as a matter of fact they should have done that on day one ­especially when we were already complaining around June,” wika ng Senate President.

Para kay Sotto, “there is ‘gross incompetence” sa paghawak ng Department of Health sa pandemya.

“Dapat yan pababa na ng pababa…Dapat after one year nasa mga less than 1,000 na tayo a day. Yun ang ine-expect ko,” sabi pa niya.

294

Related posts

Leave a Comment