Ni Ann Esternon
Ang alam ng marami ang carrots ay mahusay lamang para hindi lumabo ang ating mga mata.
Ngunit may ibang pag-aaral na malaki ang benepisyo ng carrots sa ating puso.
Sa pag-aaral, sinasabing papatong sa 60 porsyento ang layo mo sa peligrong magkaroon ng sakit sa puso kung kakain ka ng carrots araw-araw dahil mataas sa carotenoids ang carrots.
Minsan sa isinagawang pag-aaral sa 1,300 na matatanda sa Massachusetts, nakita na ang mga kumain ng kahit isang serving ng carrots at/o kalabasa kada araw ay nagkaroon ng 60 porsyentong kabawasan sa peligrong dala ng heart attacks kumpara sa mga taong hindi kumain ng pagkaing ito.
Ang soluble fiber din sa carrots (calcium pectate) ay nakabababa rin ng blood-cholesterol levels by binding with and eliminating bile acids, na nagti-trigger sa cholesterol para mawala sa bloodstream para makalikha ng mas maraming bile acids.
