CAVITE – Nilimas ng hinihinalang isang menor de edad ang cash, IPad at cellphone ng isang real estate agent habang nakaparada ang kanyang kotse sa Brgy. San Miguel A, sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Sabado ng hapon.
Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang si alyas “Francis”, 26, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa salaysay ni Francis, ipinarada nito ang kanyang kotseng Toyota Veloz na may plakang NUC 7597, sa nasabing lugar upang sunduin ang kanyang live-in partner bandang alas-2:35 ng hapon.
Pero ilang minuto pa lamang ang nakalilipas, pagbalik niya ay napansin na sira ang passenger side window ng kanyang sasakyan at nawawala ang P10,000 cash, iPad Air 5 at POCO X3 cellphone.
Ayon sa ilang saksi, isang menor de edad na nakasuot ng itim na hoodie jacket, itim na pantalon at sakay ng isang itim na scooter, ang nakitang binasag ang salamin ng kotse ng biktima.
(SIGFRED ADUARA)
