SAMPUNG pamilya ang apektado sa pagguho ng apat na palapag na bahay na yari sa light materials, makaraang lumambot ang lupa na kinatitirikan nito dulot ng walang tigil na buhos ng ulan bunsod ng habagat sa Paco, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Nabatid mula kay Director Jay Dela Fuente ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), 10 pamilya ang nakatira sa apat na palapag na gumuhong bahay na yari sa coco lumber sa panulukan ng Santiago St., at A. Linao St., Barangay 684, Paco, Manila. Mabilis namang pinuntahan ni Director…
Read MoreCategory: BALITA
Storm surge, flash floods, landslides ibinabala EMONG TYPHOON CATEGORY NA, MGA LUGAR SA SIGNAL NO. 3 NADAGDAGAN
NAGLABAS ng matinding babala nitong Huwebes ang Office of Civil Defense (OCD) kaugnay ng tumataas na panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa at posibleng storm surge sa Hilaga at Gitnang Luzon at ilang bahagi ng Metro Manila, bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Ito ay kasunod ng pahayag ng state weather bureau na naabot na ng Bagyong Emong ang Typhoon Category habang napanatili naman ni Dante ang taglay na lakas habang tinatahak ang landas palabas ng area of responsibility ng Pilipinas. Dahilan para madagdagan pa ang mga lugar na inilagay…
Read MorePara sa 12 round bout kay Baste Duterte GEN. TORRE NAG-UMPISA NA SA SPARRING SESSION
AGAD nang pinasimulan ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III ang kanyang boxing training kaugnay sa posibleng 12 rounds bouts nila ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte. Nitong Huwebes, nagsagawa ng ilang minutong sparring session at sandbag strength developing exercise si Gen. Torre bilang paghahanda matapos niyang kasahan ang hamon ni Duterte na suntukan sa pamamagitan ng isang charity boxing match sa Rizal Coliseum. Pahayag ng heneral, seryoso niyang tinanggap ang hamon para na rin sa potensyal na fundraising event na ito upang makatulong sa ibang…
Read MoreISONUS: PLATFORM NA MAY PREMYO ANG PANONOOD
INILUNSAD noong 2025, ang ISONUS ay isang makabagong streaming platform na pinagsasama ang digital entertainment at mga aktwal na gantimpala. Sa murang subscription fee, maaaring makapanood ng original Filipino content ang mga subscribers, kumita ng tokens, at chance na manalo ng malalaking tax-free cash prizes. Ganito ito gumagana: Habang nanonood ng content mula sa ISONUS creators, nakakakuha ng tokens ang mga users. Ang mga tokens na ito ay nauuwi sa game entries para sa bi-weekly ISONUS game shows na ‘Saan Aabot ang 1 Life Mo?’ at ‘Bes, Guess?!’ Ang bawat…
Read More2 PATAY SA LEPTOSPIROSIS SA MAYNILA
KINUMPIRMA ni Manila Health department Director Dra. Grace Padilla na dalawang lalaki na nasa hustong gulang ang namatay kahapon dahil sa leptospirosis sa lungsod ng Maynila. Isa sa Sta. Ana hospital at isa sa Ospital ng Maynila. Paglilinaw ni Dra Padilla, nakuha ng mga pasyente ang sakit bago pa man ang bagyong Crising o mga naranasang pag-ulan ngayon. May 1 hanggang 2 linggo aniya na nasa incubation period ang leptospirosis. Samantala, 5 ang kaso ng leptospirosis sa Sta Ana Hospital, 3 sa Ospital ng Maynila habang 3 naman sa Tondo…
Read More50K UNIFORMED RESPONDERS IKINASA SA PAGHAGUPIT NG TD DANTE, EMONG
NASA 50,000 uniformed personnel ang ikinasa ng pamahalaan para sa posibleng magiging epekto ng magkasunod na paparating na Bagyong Dante at Emong na inaasahang mananalasa sa Pilipinas na hindi pa nakababangon sa epekto ng Tropical Storm Crising at Southwest monsoon o Habagat na sumira ng multi-bilyong halaga ng imprastraktura at mahigit sa P300 milyong halaga ang nawasak na pananim at agrikultura. “In terms of damages, meron pa tayong P4 billion worth of infrastructure damages as reported. Pero this is still subject for validation ng ating mga ahensya. And for agriculture…
Read MoreSIMBAHAN BUKAS PARA SA MGA SINALANTA NG BAGYO, BAHA
BINUKSAN na rin ang mga Simbahan o parokya para sa mga nasalanta ng bagyong Crising at Habagat. Ayon kay Fr. Wilmer Samillano, Sch.P, kura paroko ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City, laging bukas ang simbahan at walang pinipiling relihiyon, walang pinipiling lahi dahil ito ay para sa lahat. Hindi aniya pinag-uusapan ang pagkakaiba lalo na sa panahon ng kalamidad. Binigyang-diin din ng pari na hindi pinag-uusapan ang pananampalataya, kultura at pagkakaiba ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan. Noong Lunes, malaking bahagi ng Metro Manila ang…
Read MoreLTO NAGTALAGA NG MGA TAUHAN PARA TUMULONG SA APEKTADO NG KALAMIDAD
UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, nagtalaga ang Land Transportation Office (LTO) ng sapat na bilang ng mga tauhan upang tumulong sa gitna ng malawakang pagbaha at iba pang isyu sa kaligtasan sa kalsada sa mga lugar na binaha at apektado ng kalamidad. Ang kautusan ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyakin ang presensya ng pambansang pamahalaan para sa maximum na tulong sa lahat ng mamamayang apektado ng masamang epekto ng malakas na pag-ulan sa nakaraang mga araw. Sinabi ni Acting Assistant Secretary…
Read MorePara makaiwas sa baha DAGDAG SEWAGE TREATMENT PLANT HILING NG MANILA LGU
NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng maraming sewage treatment plant o STP mula sa national government. Sa kanyang pag-iikot upang tingnan ang sitwasyon sa binahang mga lugar sa Maynila, iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang pangangailangan ng mas maraming STP bilang pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa lungsod. Aniya, kailangang dagdagan ang kapasidad ng lungsod na linisin at ilabas ang tubig-ulan sa pamamagitan ng wastong sewer system dahil hindi sapat ang lingguhang declogging. Sinabi si Domagoso, bagama’t mayroon nang mga STP sa Roxas Boulevard, hindi pa rin ito sapat…
Read More