KINUMPIRMA ni Manila Health department Director Dra. Grace Padilla na dalawang lalaki na nasa hustong gulang ang namatay kahapon dahil sa leptospirosis sa lungsod ng Maynila.
Isa sa Sta. Ana hospital at isa sa Ospital ng Maynila.
Paglilinaw ni Dra Padilla, nakuha ng mga pasyente ang sakit bago pa man ang bagyong Crising o mga naranasang pag-ulan ngayon.
May 1 hanggang 2 linggo aniya na nasa incubation period ang leptospirosis.
Samantala, 5 ang kaso ng leptospirosis sa Sta Ana Hospital, 3 sa Ospital ng Maynila habang 3 naman sa Tondo Medical Center. (JULIET PACOT)
