Sa isyu ng Maltese citizenship GIBO PINAGBIBITIW

UMUGONG ang panawagan ng pagbibitiw ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. matapos kumalat sa social media na mayroon siyang dual citizenship matapos palutangin ang pagkakaroon niya ng Maltese passport. Nauna rito, lumabas sa social media ang mga ulat hinggil sa pasaporte ni Teodoro na inisyu ng Malta noong 2016 at balido hanggang 2026. Bagaman iginiit ng Department of National Defense (DND) na isinuko ni Teodoro ang naturang pasaporte bago siya tumakbo sa Senado noong 2022 at bago siya hinirang bilang kalihim noong 2023, ikinagalit ng marami ang katotohanang lumabas…

Read More

ILOCOS NORTE AT ILOCOS SUR NIYANIG NG 5.8 EARTHQUAKE

NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte pasado alas-10:38 ng nitong Martes ng umaga, Hulyo 15, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naramdaman hanggang Ilocos Sur. Ayon sa Phivolcs, ang tremor ng lindol ay nasa 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Natunton ang epicenter nito na nasa humigit-kumulang 29 km hilagang-kanluran ng Pasuquin. Naramdaman din ang lindol sa mga kalapit na bayan at probinsya ng Solsona at San Nicolas (Ilocos Norte), Claveria (Cagayan), Sinait at Vigan…

Read More

‘TRUSTED BUILD’ PROCESS SINIMULAN NA NG COMELEC PARA SA BARMM ELECTION

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) noong Lunes ang “trusted build” process para sa automated election system (AES) na gagamitin sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre. Kabilang sa trusted build process ang “compilation of the final, verified source codes into executable, machine-readable programs”. Sinabi ng Comelec, ang proseso ay idinesenyo para matiyak ang integridad, seguridad at accuracy ng election system— lalo na makaraan ang anomang modipikasyon sa code. Sa panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia, bagama’t ang BARMM…

Read More

P40-M DROGA NAKUMPISKA SA NEGROS ISLAND REGION

NEGROS ORIENTAL – Kalaboso ang isang tinaguriang high value individual (HVI) na target ng buy-bust operation nitong Martes ng madaling araw sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-dose ng madaling araw, ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Negros Oriental Police Provincial Office (NORPPO) ang operasyon sa Purok 5, Brgy. Sto Niño, San Jose, Negros Oriental. Kaagad namang naaresto ang suspek na tinaguriang high value individual ng Negros Island Region, kung saan nakumpiska ang anim na kilo ng hinihinalang shabu…

Read More

3 TRUCKER PATAY, 3 PA SUGATAN SA 2 AKSIDENTE SA QUEZON

QUEZON – Dalawang truck driver at isang pahinante ang nasawi, habang tatlong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na sakuna sa lansangan sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Quezon PNP nitong Martes, bandang alas-5:30 ng umaga, namatay ang driver at pahinante nang mawalang ng kontrol sa minamanehong win-van truck habang binabagtas ang kurbadang bahagi ng Quirino highway sakop ng Barangay San Vicente sa bayan ng Tagkawayan. Dead on the spot si alyas “William” at helper nito nang bumangga ang kanilang truck sa isang poste bago nagtuloy tuloy-at sumalpok sa isang…

Read More

MAHIGIT 30.2 KILO NG DRIED MARIJUANA STALKS SINUNOG

BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na agad sirain ang lahat ng nasamsam na ipinagbabawal na droga, sinilaban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang huli nilang dried marijuana stalks at fruiting tops na naka-pack sa 31 tubular form, at tumitimbang ng 30,234.9 gramo. Nanguna sa ceremonial burning ang PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (CAR), na pinamumunuan ni Director Derrick Carreon, katuwang ang PNP Police Regional Office-CAR, sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet. Sumaksi sa pagsunog ang mga kinatawan mula sa Department of…

Read More

AFP HANDA SA CONTINGENCY PLAN NG GOBYERNO PARA SA OFWs

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa itong tumugon sa anomang contingency plan ng gobyerno kaugnay sa overseas Filipino workers na naiipit sa digmaan partikular sa Gitnang Silangan. Nakahanda umano ang Sandatahang Lakas sa paglala ng tensyon sa Middle East, kasunod ng pagkamatay ng isang OFW sa isinagawang air raid ng Iran. Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., may nakahandang contingency plan ang militar para protektahan ang OFWs lalo na sa paglilikas ng mga Pilipinong nasa mga conflict zone, kung kinakailangan. Nakahanda umano…

Read More

ROCKET DEBRIS POSIBLENG BUMAGSAK SA LUZON AREA

NAGLABAS ng babala ngayon sa publiko ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng pagbagsak ng rocket debris mula sa himpapawid sa bahagi ng Luzon dahil sa nakatakdang paglulunsad ng Long March 7 rocket ng China sa pagitan ng Hulyo 15 hanggang 17. Batay sa inilabas na abiso ng NDRRMC, ang posibleng maging drop zones ay sa bisinidad ng Cabra Island, Occidental Mindoro; Recto Bank; Busuanga, Palawan; at Bajo de Masinloc malapit sa Zambales. “The Chinese rocket will be launched from Wenchang Space Launch Site in Wenchang,…

Read More

Hindi 12 lang – Napolcom 18 PULIS ANG DAWIT SA MISSING SABUNGEROS

NILINAW kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na labing walong pulis at hindi labing dalawang miyembro ng PNP ang sabit sa inihain kaso na may kaugnayan sa mga nawawalang sabungero. Ayon sa NAPOLCOM, 18 kasapi ng PNP ang nadadawit sa inihaing complaint-affidavit ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan (alias Totoy) kaugnay sa pagdukot sa pinaghahanap na sabungeros. Ginawa ni National Police Commission Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan ang paglilinaw kahapon. “In the complaint affidavit filed by Patidongan yesterday, there were not 12 names. There were actually 18…

Read More