PUBLIKO BINALAAN SA FAKE FACEBOOK ACCOUNTS NG BOC

NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko hinggil sa kumakalat na mga pekeng Facebook account na ilegal na gumagamit ng pangalan ng BOC, logo at branding nito, bukod pa sa pagpapanggap bilang BOC officials para linlangin ang taong bayan. Nakarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang report na tinatarget ng mga poseur na BOC account ang mga bibiktimahin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe, pag-reply sa comments, at nagkukunwaring isang legitimate BOC account sa pamamagitan ng pagkopya ng updates at information mula sa official page ng…

Read More

TORRE: NASISID SA TAAL LAKE MAGKAHALONG BUTO NG TAO, HAYOP

INIULAT kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III na may nakuhang buto ng tao ang mga diver sa pagsisid sa Taal Lake kaugnay sa patuloy na paghahanap sa nawawalang sabungero. Sinabi ni Torre na may farm sa lugar kaya magkakahalo ang nakitang buto. Pinaniniwalaan na ang iba ay buto ng tao habang ay iba ay mula sa hayop. Dinala na sa PNP forensic group sa Camp Crame ang mga nakuhang buto upang sumailalim sa pagsusuri. Samantala, nasa 12 kamag-anak ng missing sabungeros ang kinunan ng DNA…

Read More

ATONG INIWAN NA NI KAPUNAN?

UMUGONG kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iniwan ni Atty. Lorna Kapunan ang kliyenteng si Atong Ang para maituon nito ang kanyang konsentrasyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Sa press conference kahapon, nilinaw naman ni Manila Rep. Joel Chua na hindi pa parte ng private prosecutors si Kapunan subalit kasama ito sa maraming law experts na kinokonsulta ng Prosecution Team. “Sa amin naman kasi, siya (Kapunan) ay pro bono. Hindi pa po parte ng private prosecutor,” ani Chua subalit madalas umano nila itong konsultahin kasama…

Read More

100 BODY CAMS NA DONASYON SA MAYNILA GAGAMITIN NG TRAFFIC ENFORCERS

MALUGOD na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 100 body cameras na ipinagkaloob ng Canton Chamber of Commerce Philippines sa lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito ay partikular na gagamitin ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kanilang araw-araw na trabaho. Ayon kay Domagoso, makatutulong ang body cameras upang maiwasan ang mga pagtatalo tungkol sa mga traffic violation. Makikita o mare-record din ang mga kamote driver, mga pasaway na motorista at mga kotongerong enforcer. Kasabay nito, ipinaalala ni Mayor Isko Moreno sa mga…

Read More

Sa 1 week national anti-drug campaign P50-M SHABU NASAMSAM NG PDEA

UMABOT sa halos P50 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo, at 76 drug personalities naman ang nadakip sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa ng ahensya mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 11. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, nasa 54 anti-illegal drug operations ang kanilang inilunsad katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa lahat ng rehiyon. Dito ay nasamsam ang 7,192.80 gramo ng shabu; 5,100 tanim na marijuana; 1,000.50 gramo…

Read More

PCG: NAIAHONG SAKO SA TAAL LAKE MAY PABIGAT NA BATO, BUHANGIN

MISTULANG tumutugma sa pahayag ng missing sabungero whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy na ang mga hinahanap na bangkay ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake ay nilagyan ng buhangin o bato bilang pabigat upang hindi lumutang base sa narekober na ilang sako ng coast guard. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng PCG Southern Tagalog District, na may mga sako silang nakuha sa ilalim ng lawa ang may nakasilid na mga bato. “Itong nakuha natin may sort of sinker, may pabigat,” ani Tuvilla.…

Read More

LACSON SA MGA KASAMANG SENATOR-JUDGE: HINAY-HINAY LANG

TRABAHO ng prosekusyon at depensa – at hindi ng mga senator-judge – ang paghahain ng mga mosyon at pleading na may kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ito ang paalala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang kapwa senator-judge, na ang trabaho ay makinig sa prosekusyon at depensa, at gumawa ng desisyon base sa argumento nila. “VP Impeachment Jurisdiction: A gentle caution to senator-judges of the impeachment court – we should leave the filing of all motions and pleadings to the prosecution and defense teams. Our job…

Read More

Goal ng Kamara PINOY PAGKAISAHIN SA USAPIN NG WPS

LALABANAN ng mga kongresista ang mga kasinungalingang ipinakakalat ng China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) upang mapag-isa ang lahat ng Pilipino na ipaglaban ang karapatan ng bansa sa nasabing karagatan. Ginawa ng Young Guns ng Kamara ang pahayag matapos sabihin ni Foreign Ministry spokesperson ng China Lin Jian na ang arbitral ruling ng United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay “piece of waste paper” kaya ito ay “llegal, null and void at non-binding”. “Lies about our seas divide us. We’re working to share…

Read More

KULONG ‘DI SAPAT SA P1-B LAPTOP SCANDAL

BUKOD sa dapat pagdusahan sa kulungan ang kanilang kasalanan, kailangang ipabalik sa mga akusado sa ‘laptop scandal’ noong nakaraang administrasyon ang halos isang bilyong piso na nawala sa sambayanang Pilipino. Ito ang iginiit ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian at falsification of public documents laban kina dating Education Secretary Leonor Briones, dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao at 12 pa. “We demand that all those responsible for this massive corruption be held…

Read More