Sa 1 week national anti-drug campaign P50-M SHABU NASAMSAM NG PDEA

UMABOT sa halos P50 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo, at 76 drug personalities naman ang nadakip sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa ng ahensya mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 11.

Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, nasa 54 anti-illegal drug operations ang kanilang inilunsad katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa lahat ng rehiyon.

Dito ay nasamsam ang 7,192.80 gramo ng shabu; 5,100 tanim na marijuana; 1,000.50 gramo ng shabu sa Maynila; 2,973.54 gramo ng shabu sa Talisay City, Cebu; 2,020 gramo ng shabu sa Bohol at libu-libong tanim na marijuana ang winasak sa Benguet at Kalinga ng PDEA CARRO na pinamumunuan ni Director Derrick Carreon.

Kabilang sa nadakip na mga indibidwal ang 47 na pusher, 14 kliyente ng drug den, anim na maintainer/owner ng drug den at limang empleyado at apat na may-ari ng drug den.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ang resulta ng operasyon ay patunay ng matibay na suporta ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Layunin aniya ng PDEA na supilin ang supply and demand ng ilegal na droga sa makataong paraan habang tinututukan ang rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng mga nalulong sa droga

Panawagan ni USEC Nerez sa publiko na, “The public is urged to report drug activities via PDEA Facebook Page ‘Isumbong Mo Sa PDEA’ #0995-354-7020 and 0931-027-8212.”

“PDEA remains on high alert, conducting intelligence-driven operations 24/7 nationwide,” ani Nerez.

(JESSE RUIZ)

103

Related posts

Leave a Comment