CAVITE – Dinugas ng isang menor de edad at kasama nito ang tinatayang P15,000 na abuloy sa simbahan sa General Trias City noong Lunes ng gabi. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Hyden”, isang out of school youth ng Brgy. San Francisco, habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Tino”. Ayon kay Father Ned Pelina, Parish Priest ng St. Gabriel Archangel Parish sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, bandang alas-7:40 ng gabi nang dumating siya sa simbahan nang mapansin na ang…
Read MoreCategory: BALITA
Tumira ng convenience store HOLDAPER NA PULIS PATAY SA RESPONDE NG KABARO
BULACAN – Dead on arrival sa pagamutan ang isang pulis makaraang makipagbarilan sa nagrespondeng kapwa pulis matapos mangholdap sa isang convenience store sa bayan ng Marilao. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, Lunes ng gabi nang pumasok ang suspek sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa l, Marilao, Bulacan habang nakasuot ng pulang jacket. Nagpanggap umano na customer ang suspek sabay bunot ng baril at nagdeklara ng holdap at kinulimbat ang tinatayang P20,000.00 na kita ng establisyemento at agad tumakas sakay ng motorsiklo sa direksyon ng Barangay…
Read MoreST UWAN DEATH TOLL 18; TINO UMAKYAT SA 232
MATAPOS makalabas ng Philippine Area of Responsibility si Super Typhoon Uwan ay nagsimula na rin ang clearing operation sa mga nasalantang lugar sa Central at Northern Luzon, kasabay rin nito ang pag-akyat sa labingwalo sa bilang ng mga nasawi sa bagyo, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Nitong Martes sa ginanap na pulong balitaan sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inihayag ng OCD na umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Uwan. Sa press briefing, sinabi ni OCD deputy…
Read MoreMAKIISA SA 3-DAY RALLY SA LUNETA – PDP
(JOCELYN DOMENDEN) HINIKAYAT ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang lahat ng Pilipino at iba’t ibang sektor ng lipunan na makibahagi sa isasagawang “National Rally for Transparency and a Better Democracy” sa Nobyembre 16, 17, at 18 sa Quirino Grandstand sa Maynila at sa EDSA Shrine sa Quezon City. Ayon kay PDP Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, ang naturang pagtitipon ay hindi konektado sa anomang pulitika o personalidad, kundi isang mapayapang pahayag laban sa korupsyon at sa mga gawing sumisira sa tiwala ng mamamayan. Binigyang-diin ni Topacio na ang pagtataksil sa…
Read MoreIDINULOG SA SC: BATO ‘WAG KANLUNGIN NG SENADO
PINAHAHARANG sa Korte Suprema si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa para hindi umano makalusot sa posibleng pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong Crimes Against Humanity bunsod ng madugong war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa inihaing motion for reconsideration (MR) ni Barry Tayam, isang guro at dating kandidato sa Kongreso sa Las Piñas City, kinuwestiyon nito ang umano’y proteksyong ibinibigay ng Senado sakaling tangkain ng ICC o ng Interpol na arestuhin si Dela Rosa. Ayon sa kanya, hindi dapat gawing “kanlungan” o safe…
Read MoreDPWH KAKASUHAN ANG KUMPANYA NG KAPATID NI ZALDY CO SA GUMUHONG SEAWALL SA NAVOTAS
SASAMPAHAN ng kaso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kumpanya na pagmamay-ari ng kapatid ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kaugnay ng seawall na gumuho sa Navotas City sa kasagsagan ng Bagyong Uwan. Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, magsasagawa ang ahensya ng legal na hakbang laban sa Hi-Tone Construction & Development Corp., na pag-aari ni Christopher Co, upang mabawi ang pondo ng pamahalaan at matiyak ang pananagutan ng kontratista. “Ang gagawin na lang natin, idedemanda na lang natin `yung Hi-Tone Construction dahil hindi lang…
Read More‘Di dapat makalusot sa flood scam – solon CLEARANCE KAY ZALDY CO SA HOUSE, NBI HAHARANGIN
INIHAIN ang isang House Resolution ni Kamanggagawa party-list Rep. Elijah “Eli” San Fernando para harangin ang pagbibigay ng “accountability clearance” kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na kasalukuyang nahaharap sa mga kaso kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Sa House Resolution No. 435, iginiit ni San Fernando na hindi dapat bigyan ng clearance si Co habang may kinakaharap itong mga kaso. Inihain ang resolusyon matapos umano niyang matanggap ang impormasyon na nag-a-apply ng clearance si Co sa Kamara at sa iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng…
Read More452 TAUHAN IKINALAT NG SPD SA KASAGSAGAN NG ST UWAN
PINAKILOS ng Southern Police District (SPD) ang 452 pulis para tumulong sa disaster response sa kasagsagan ng hagupit ng Bagyong “Uwan.” Ayon kay BGen. Randy Arceo, acting director ng SPD, agad na ipinatupad ang disaster response protocols upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko, magsagawa ng rescue operations, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng matinding ulan at pagbaha. Sa kabuuan, 265 miyembro ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) at 13 Search, Rescue, and Retrieval (SRR) teams na may 187 tauhan ang agad na ipinakalat sa iba’t ibang istasyon…
Read MoreTinulugan oversight comm sa Senado SOLON: KALIKASAN BIGONG PROTEKTAHAN NG MGA VILLAR
HINDI gumana sa loob ng siyam (9) na taon ang environmental oversight sa Senado sa ilalim ng pamumuno ni dating Sen. Cynthia Villar sa dalawang mahalagang komite na proportekta sana sa kalikasan. Ito ang reklamo ni Las Pinas Rep. Mark Anthony Santos na nagangambang hindi pa rin gagana ang oversight power ng Senado sa kapaligiran dahil ipinasa lamang kay Sen. Camille Villar ang pamumuno sa Senate committee on Environment, Natural Resources at Committee on Climate Change na pinamunuan ng kanyang inang si Cynthia sa nakaraang 9 na taon. “For nine…
Read More