NILINAW ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi layunin ng Hakbang ng Maisug rally na patalsikin ang gobyerno kundi para ilabas ang saloobin ng publiko. Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang taumbayan. Bagaman hindi personal na nakadalo ay nagpadala ng mensahe si Duterte sa idinaos na Hakbang ng Maisug: Defend the Flag, Freedom Concert and Peace Rally sa Pampanga kahapon. Wala namang naitalang aberya sa pagtitipon na dinaluhan ng national speakers ng movement tulad nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Atty. Glenn…
Read MoreCategory: BBM
Dapat palayasin sa Palasyo – netizens DISPLAY OF POWER NI FL LIZA PINALAGAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) Maldita, bastos at mayabang. Ilan lang ‘yan sa mga paglalarawang ibinato ng netizens sa maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng viral na eksena sa tradisyunal na Vin D’Honneur o Wine of Toast sa Palasyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi. Matapos ang flag raising at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal, pinangunahan ng mag-asawang Marcos ang Vin D’Honneur na dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno, dating presidential families, miyembro ng Kongreso, hudikatura, diplomatic corps, at private sector. Ngunit sa isang pagkakataon…
Read More“MARCOS ALIS DIYAN” SIGAW SA PLAZA MIRANDA
NAGPAKITA ng pwersa ang “Marcos Alis Diyan Movement” na nagtipon sa Plaza Miranda sa Maynila kasabay ng selebrasyon ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon. Ipinanawagan ng grupo na binubuo ng iba’t ibang sektor kabilang na ang kababaihang Muslim, ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Anila, dapat nang bumaba si Marcos dahil hindi nito tinutugunan ang mga pangunahing usapin at suliranin ng mga Pilipino. Payapang Nagtapos Sa pangkalahatan ay payapang nagtapos ang pagdiriwang ng bansa sa kasarinlan nito. Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.…
Read MorePILIPINAS DAPAT MAGING HANDA SA EXTERNAL THREATS
DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansya ng Pilipinas sa Taiwan ang naglagay sa ‘area of interest’ ng Tsina kaya mahalaga na ang hilagang bahagi ng Pilipinas ay “well-prepared’ para sa anomang kaganapan. “And that is why — the external threat now has become more pronounced, has become more…
Read MoreBBM SAPOL SA ‘OVERKILL’ NA RAID NG PNP SA KOJC COMPOUND
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Former Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo si Pangulong Bongbong Marcos na kondenahin ang marahas na pagsalakay ng mga tauhan ng pulisya sa mga compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kamakalawa. Ani Panelo, hindi dapat kunsintihin ng Pangulo ang aksyon ng PNP dahil makasisira ito sa kanya. “I’m going to call out this kind president. Will you allow these kind of abuses under your administration? It seems very difficult to defend you Mr. President if you are like that,” ani Panelo sa…
Read MorePAGPROTEKTA SA TERITORYO, SOBERANYA DINIINAN NI PBBM
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kahalagahan ng patuloy na paglaban para sa kalayaan lalo na ang protektahan ang teritoryo at soberanya ng bansa. Wala namang binanggit na anomang bansa ang Pangulo sa kanyang vlog na may pira-pirasong pahayag mula sa kanyang keynote speech sa International Institute for Strategic Studies’ Shangri La Dialogue, kung saan kinastigo nito ang ilegal na pagpasok ng Tsina sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “Sa nakaraang 126 taon at hanggang ngayon ay patuloy nating pinaglalaban ang ating kalayaan, kalayaan sa iba’t ibang aspeto…
Read MoreBagong Pilipinas bahagi na ng flag ceremonies SOLON: MARCOS ADMIN GALAWANG DIKTADOR
TINULIGSA ni House deputy minority leader France Castro si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa inilabas nitong Memorandum Circular No. 52 na nag-aatas sa lahat ng national government agencies at state universities and colleges (SUCs) na isama ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge sa kanilang lingguhang flag ceremony. “Is Pres. Marcos Jr. again imitating his dictator father and bringing back martial rule? His order is reminiscent of Marcos Sr.’s directive then for people to sing praises to the Bagong Lipunan,” ani Castro. Noong panahon ng amang diktador na si Ferdinand…
Read MoreMARCOS HINIMOK SIYASATIN ANG KAUGNAYAN NG PINSAN SA KUMPANYA NG PAGMIMINA
Nais ng isang consumer group na tingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang diumano’y pagkakasangkot ng kanyang pinsan na si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sa operasyon ng isang mining company at para sa umano’y pagpapadali sa pag-apruba ng limang taong extension ng Minerals Production Sharing Agreement (MPSA) ng kumpanya. Sa sulat na may petsang Hunyo 4, hinimok ni Rodolfo “RJ” Javellana Jr., pambansang pangulo ng United Filipino Consumer and Commuters (UFCC), si Marcos na pakiusapan ang kamag-anak na huwag makialam sa usapin tungkol sa gobyerno.…
Read MoreKinuwestyon ng netizens APPOINTMENT NI IMELDA PAPIN BAYAD-UTANG?
ITINUTURING ng mga netizen na isa na namang bayad-utang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress, bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Si Papin ay nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos, noong Martes, Hunyo 4. Noong Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin. Matatandaang ilan sa malalaking donors sa kampanya ni Marcos ang naitalaga rin sa pwesto tulad ni Melquiades A. Robles, na ngayon ay PCSO chief; Antonio…
Read More