(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
Maldita, bastos at mayabang. Ilan lang ‘yan sa mga paglalarawang ibinato ng netizens sa maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng viral na eksena sa tradisyunal na Vin D’Honneur o Wine of Toast sa Palasyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi.
Matapos ang flag raising at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal, pinangunahan ng mag-asawang Marcos ang Vin D’Honneur na dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno, dating presidential families, miyembro ng Kongreso, hudikatura, diplomatic corps, at private sector.
Ngunit sa isang pagkakataon ay nakunan ng video si First Lady Liza na mistulang hinablot ang wine glass na hawak ni Senate President Chiz Escudero at ininom ang laman nito. Agad din niyang ibinalik ang baso kay Escudero kaya nagmistula itong waiter.
Agad kumalat sa social media ang video nito at marami ang nagalit at lalong nadismaya sa Unang Ginang.
Mistula ring pinagkatuwaan si Escudero na puro kantyaw ang inabot dahil napagkamalan anila itong waiter ni FL Liza.
Itinuring ng marami na kawalan ng kagandahang asal, pagiging arogante at kamalditahan ang inasal ng Unang Ginang. Mayroon din na tila nileksyunan ito kung paano ang tamang asal sa mga ganoong sitwasyon.
Anila, hindi karapat-dapat sa Palasyo si FL Liza kaya dapat itong patalsikin.
Hindi dumalo sa okasyon si Vice President Sara Duterte.
Ang Vin D’Honneur ay tradisyunal sa salu-salo na pinangungunahan ng Pangulo tuwing Bagong Taon at Independence Day.
Basahin ang ilan sa mga komento ng netizens sa viral na eksena ni FL Liza:
Eliza:
Basta na lang hinablot ung glass ni Chiz. And chiz was too stunned to speak.
Chiz spent the entire speech of BBM thinking if he had to drink on the same glass when they toast at the end of the speech.
can we have a vote to evict her out the palace?
ramblings:
I think it was more of a display of power. Power move kumbaga lol
Gis:
She could have at least said “Thank you” or offered to exchange glasses when the real waiter gave her one.
val:
So justifiable pala yung pag attend ni SP Chiz ng flag ceremony na naka jeans, para di mapagkamalang waiter.
Talk2:
It’s giving me “Aliping Sagigilid” vibes.
SINAYA:
IS IT: A. FL thought it was a waiter who gave the glass, and when she finished the first glass, another waiter saw her empty handed, and gave another glass for the toast.
Or B. FL was full of herself, wants to show who’s the boss and just wants a drink
FliPnpig:
Lasinggerang misis at adik na mister, kawawang Pilipinas.
janusmercury:
Akala ko sa pelikula lang napapanood ganyang attitude
Esoy:
That’s how close she is to Chiz. She trusts Chiz. Your cup is my cup. My bread is your bread. A close knit family.
rowena:
Grabe! Wala na ngang GMRC , lalo pang nakita ang kawalan ng Etiquette dahil lang sa kalahating basong alak.. uhaw na uhaw ba di na nahintay na iabot ang para sa kanya?
Evelyn:
Grabe ang maldita ng FL! Di ba ang bastos nya! Grabe!
20Z0:
Napagkamalang waiter? Hindi pala yon ang inumin nya, yong inabot sa kanya ang dapat nainom nya.
Si-Moun YbaRra:
Pinakita at pinaramdam nya na she treats Sen Chiz as a waiter. Arogante!
DanMike:
Ugaling laklakera
daphine3:
Drunk? Hindi nya baso ininuman nya…
*Chiz Nagpaka-Gentleman
Kaugnay nito, hindi umano minasama ni Escudero ang pagkuha ni First Lady Liza sa kanyang baso ng wine.
Sinabi ni Escudero na hindi kailanman minamasama ang anomang pagkakataon na maging at magpaka-maginoo sa sinomang ginang o binibini.
Iginiit pa ng Senate leader na palagi niyang pinaiiral ang Lady first para maging gentleman.
Maaari anyang sabihin ng iba na makaluma o parang under pero para sa kanya ay hindi kailanman ito magiging makaluma o di uso.
Anoman anya ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipagkapwa-tao ay makabubuti para sa lahat. (May dagdag na ulat si DANG SAMSON-GARCIA)
