100% BAKUNADO NA SA NCR – MMDA

NABAKUNAHAN na laban sa COVID-19 ang 100% ng target population sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos Jr. na ang rehiyon ay mayroong eligible population na 9.8 million. “100% na ang Metro Manila sa bakuna. Talagang natapos natin ito,” ayon kay Abalos sa kanyang talumpati sa Bayanihan, Bakunahan event. Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na 23 highly urbanized cities, karamihan ay nasa NCR, ay fully vaccinated ang 70% o mahigit pa sa kanilang target population. Ipinagmalaki…

Read More

OMICRON MAS NAKAHAHAWA PERO HINDI GRABE – EXPERT

SA gitna ng mga pangamba kaugnay ng bagong sibol na COVID-19 Omicron variant, naglabas ng paunang resulta ng mga pag-aaral ang mga eksperto. Anila, totoong mas nakahahawa ang Omicron variant pero hindi kasing tindi ang epekto sa mga taong tatamaan nito. Ayon sa tanyag na infectious disease expert na si Dr. Anthony Fauci ng Estados Unidos, may mga indikasyong mas mataas ang “transmissibility” ng Omicron variant. Gayunpaman aniya, hindi naman umano kasing tindi ang dalang peligro ng bagong tuklas na mutated strain ng virus na mabilis na kumakalat sa iba’t…

Read More

8 BIYAHERO MULA SOUTH AFRICA ‘DI NA MAKITA – DOH

PAHIRAPAN ang isinasagawang paggalugad ng mga kawani ng Department of Health (DOH) para matunton ang walong biyaherong mula sa South Africa. Pag-amin ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, nahihirapan silang hanapin ang mga nasabing indibidwal dahil sa kulang – kung hindi man mali ang mga impormasyon idineklara sa mga isinumiteng dokumento. Partikular na hanap ng DOH ang mga biyaherong dumating sa bansa mula ika-15 hanggang 29 ng nakaraang buwan para isalang sa mga pagsusuri sa gitna ng banta ng panibagong COVID-19 variant na unang nadiskubre sa bansang South Africa. Kabilang ang…

Read More

Baka sumablay ulit sa bilang WALA MUNANG TARGET SA 2ND WAVE NG NAT’L VACCINATION

WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan. Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukonsidera rin nila ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU. “Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami nagbibigay ng target is kailangan matandaan po natin na—or maintindihan natin na tuluy-tuloy pa naman ‘no, tuluy-tuloy pa rin iyong ginagawa nating bakunahan,” ayon kay Nograles. Maganda rin naman ang performance ng mga lokal na pamahalaan at ang…

Read More

PINAS, MINIMAL RISK NA SA COVID-19

MAGANDANG balita ang ipinarating ng Department of Health (DOH) hinggil sa kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic. Ayon sa DOH, nasa ‘minimal risk’ na ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa na sa 1 ang ‘average daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5. “Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every…

Read More

IMBESTIGASYON SA EXPIRED COVID VAX NAGPAPATULOY

PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units at malapit nang mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na Bayanihan, Bakunahan. “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming conclusion with regard to that,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Sinabi ni Nograles na ang mga bakunang mayroong mas maagang expiration dates ang dapat unang gamitin. Sinusuring namang mabuti ng vaccine cluster ang expiration date at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan…

Read More

PELIGRO NG OMICRON SA NCR MANIPIS NA

NANINIWALA ang mga eksperto ng OCTA Research Group na maliit na lamang ang tsansang magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa sakaling makapasok ang Omicron variant. Para kay OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, sakali mang makapasok sa bansa ang nasabing variant ay mahihirapan na itong kumalat sa Metro Manila dahil halos lahat ay bakunado na. Sa huling ulat ay mahigit 37.3 milyong indibidwal na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa. Nangangahulugan umano ito na 48.4% ng target na 77.1 million ay nabakunahan na. Kaugnay nito, nakatuon ang health authorities…

Read More

3 biyahero mula South Africa NAKA-QUARANTINE SA NEGROS OCC

MAY tatlong byahero na dumating sa bansa mula South Africa noong nakaraang linggo ang naka-quarantine sa Negros Occidental. Ayon sa Negros Occidental provincial government, ang tatlong dayuhan, sinasabing consultants ng isang power firm sa naturang lalawigan ay dumating sa bansa ilang araw bago pa ipatupad ng Pilipinas ang travel ban. Dalawa sa mga ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong Nobyembre 24. Nang sumunod na araw ay kaagad ang mga itong lumipad sa Negros Occidental. Ang pangatlong dayuhan naman ay dumating sa bansa noong Nobyembre 26. Matatandaang, pansamantalang…

Read More

LGUs MANANAGOT SA VACCINE SPOILAGE

KAILANGANG magpaliwanag ang ilang local government units kaugnay sa pagkasira ng “ilang daang doses” ng AstraZeneca vaccine na napaso’ o expired na nito lamang Nobyembre 30. Ang kinuwestiyong doses ay bahagi ng 1.5 million AstraZeneca vaccine na donasyon sa Pilipinas noong huling bahagi ng Oktubre 2021. Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na karamihan sa bakuna ay naiturok subalit may ilang daan ang hindi nagamit bago o mismong noong Nobyembre 30. “We consumed most of that but there are a few hundred doses that…

Read More