POE, POSITIBO SA COVID-19

ISA pang senador ang tinamaan ng COVID-19 sa katauhan ni Senador Grace Poe. Sa roll call sa sesyon nitong Miyerkoles, kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na 19 na senador ang physically present habang apat ang virtually present. Kasama sa virtually present si Poe na nagpositibo sa COVID-19 habang si Senador Francis Chiz Escudero ay nagkaroon muli ng exposure sa taong COVID-19 positive. Kinumpirma naman ni Escudero na isa sa kanyang staff ang nagpositibo kung saan siya na-expose at bahagi ng kanyang precaution ang pagsailalim sa isolation. Samantala, idinagdag…

Read More

NCR COVID POSITIVITY RATE BAHAGYANG TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang COVID-19 cases makalipas lamang ang 3 araw, subalit hindi umano klaro sa OCTA Research Group na nag-peak na ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR). Sa isang tweet, ipinaliwanag ni OCTA fellow Dr. Guido David na may arawang 17.9% positivity rate ang NCR na naiulat nitong nakaraang Huwebes, Agosto 11.”With slight increases over the past 3 days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” ayon pa dito. Ang positivity…

Read More

KASO NG COVID-19 PATULOY SA PAGTAAS

NAKITAAN ng OCTA Research Group ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 positivity rate ang National Capital Region (NCR) habang 15 lalawigan sa bansa ang may “very high” positivity rates ngayong Agosto. Sa pag-aanalisa ng OCTA sa datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 17.5% ang positivity rate sa NCR nitong Agosto 6 mula sa dating 15.5% noong Hulyo 30. Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing. Sa kanyang Twitter post,…

Read More

BAKUNADO O HINDI BABALIK SA F2F CLASSES

(ENOCK ECHAGUE) KASAMANG magbabalik-eskwela ngayong Agosto ang mga estudyante, guro at non-teaching personnel na hindi bakunado. Pagtiyak ng Department of Education (DepEd), walang hiwalay na patakaran na paiiralin sa pagbabalik ng face-to-face classes para sa mga bakunado at hindi. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DepEd Director Michael Poa, ito ay dahil nananatiling voluntary ang pagpapabakuna at hindi nila oobligahin ang mga ito na magpaturok kung ayaw. Sa kabila nito, nakikipag-ugnayan aniya ang DepEd sa Department of Health (DOH) para magkaroon ng regular counselling sessions sa mga paaralan para…

Read More

COVID CASES SA VALENZUELA SUMIRIT SA 179

TILA hindi na maawat ang pagdami ng COVID-19 cases sa Valenzuela City, na ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit ay 179 na. Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi noong Hulyo 26 ay 151 sa active cases ang naka-home quarantine, 23 ang nasa isolation facility at lima ang nasa ospital. Pumalo na sa 44,653 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang nagpositibo, habang 43,535 ang recovered matapos na may 18 gumaling at hindi naman nadagdagan ang 939 death toll. Isinisisi naman ng ilang…

Read More

MGA OSPITAL PREPARADO SA ‘WEAK SURGE’ NG COVID-19

TINIYAK ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) na may nakahanda na silang plano sakaling tumaas ang bilang ng mga isinusugod sa ospital dahil sa COVID-19. Ayon kay Dr. Jose De Grano, pangulo ng PHAP, sa oras na tumaas ang COVID-19 admissions ay kukuha sila ng health workers na nakatuon para sa non-COVID patients upang agad madaluhan ang severe cases. Ngunit may agam-agam si De Grano na maaaring mahirapan sila dahil kapos sila sa staff. Nitong weekend, nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang mahigit 2,000 kaso ng COVID-19…

Read More

Basta matiyak na ligtas na PBBM PABOR SA OPTIONAL FACE MASK WEARING

(CHRISTIAN DALE) MAAARING maging opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask kapag maituturing na ligtas na para gawin ito. Nangako rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na siya magpapatupad ng mahigpit at malawakang lockdowns. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito ang kahalagahan na paigtingin at itaas ang ‘booster uptake’ ng bansa lalo na sa mga kabataan. Plano ng kanyang administrasyon na payagan ang pagpapatuloy ng “in-person classes” ngayong taon. “So let us return to the idea of what we did last year na magkaroon ulit…

Read More

PAGBABAKUNA KONTRA COVID PAIIGTINGIN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) PLANO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin at pabilisin ang vaccination drive laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa gitna ng pagtaas ng infections. Sinabi ni Pangulong Marcos, na paiigtingin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap nito na pabilisin ang vaccination drive upang mahikayat ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan na tumanggap ng booster shots laban sa COVID-19. Para sa Punong Ehekutibo, ang tao na may COVID-19 booster shots ay mas mayroong “stronger immunity” laban sa Omicron subvariants. “With Omicron, you apparently need a third…

Read More

Bago bumalik sa F2F classes – Concepcion EDAD 12-17 BIGYAN NG BOOSTER

HINIKAYAT ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na payagan nang mabigyan ng booster shots laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na kailangan nang magdesisyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) hinggil sa rollout ng booster jabs para sa nasabing age group para makatulong na mapanatili ang level of immunity sa bansa. Sinabi pa niya na ang efficacy o bisa…

Read More