HIGIT 3M KABATAAN FULLY VAXXED NA

TINATAYANG umabot na sa 3.1 milyong kabataan sa Pilipinas na may edad 5 hanggang 11 ang ‘fully vaccinated’ na kontra COVID-19. Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa National Task Force against COVID-19. Ang pigura ay may katumbas na 22.5% ng target para sa nasabing age group. Kabilang sa mga nakitang hamon para sa vaccine rollout ay ang pagdududa ng mga magulang sa kaligtasan ng bakuna. Sa Caloocan City, plano ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang information drive nito para tugunan ang usapin. “Mababa ang ating demand o…

Read More

100% CAPACITY NA SA ESTABLISHMENTS

PINAPAYAGAN na ng gobyerno ang lahat ng establisimyento sa mga lugar na nasa Alert Level 1 na mag-operate “at full capacity” subalit kailangan na may proof of vaccination na maipapakita. Ito’y matapos amiyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), noong Sabado, ang guidelines ukol sa Nationwide Implementation of Alert Level Systems for COVID-19. Kinikilala kasi ng government pandemic task force ang pangangailangan na i-identify ang mga establisimyento at/ o mga aktibidad na pinapayagan na mag-operate, o isinasagawa sa Alert Level 1. Ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng…

Read More

Mungkahi kapag nasa outdoor MASK-WEARING GAWING OPTIONAL

(CHRISTIAN DALE) DAPAT na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings. Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, nais niyang mag-exit o lumabas na ang Pilipinas sa “state of public health emergency. “I think wearing of face masks outdoors should now be optional, but it should remain mandatory in indoor situations especially in public transport,” ayon kay Concepcion. Naniniwala si Concepcion na ang mamamayang Pilipino ay makagagawa na ng “informed decisions” para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa virus. Sa kanyang suhestiyon, itinutulak ni Concepcion…

Read More

INAGURASYON NI BBM ITINAKDA SA NAT’L MUSEUM

SA makasaysayang National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022. Dating kilala bilang ‘Old Legislative Building’, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating Pangulo gaya nina Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946). Ayon kay dating Manila Representative at ngayo’y Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida “Naida” Angping, ang mga miyembro ng inaugural committee ay nagsagawa na ng ocular inspection at kanilang…

Read More

NEGATIVE COVID TEST REQUIREMENT INALIS NA SA INBOUND TRAVELERS

HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement. Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 168, ang lahat ng mga byahero, edad 18 pataas at fully-vaccinated o nakatanggap na ng booster shot –ay exempted na mula sa required na negative test proof. Sakop din ng exemptions ang mga…

Read More

COVID TF NI VINCE DIZON MILYONES UTANG SA INC

NABABAON na sa utang ang Task Force COVID-19 sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo dahil sa hindi umano nabayaran ang mga pagkain, kuryente at iba pang gastusin sa itinayong Mega Quarantine Center sa Philippine Arena, may dalawang taon na ang nakararaan. Sa kabila umano nito, wala kahit isa sa mga opisyal ng task force ang nagpapadala man lang ng mensahe sa pamunuan ng INC upang alamin kung paano mababayaran ang milyong pagkakautang ng pamahalaan. Kung matatandaan, ipinagmalaki ni National Task Force Against COVID-19 chief deputy implementer Vince Dizon ang tatlong…

Read More

P1-B SA HCWs NA NA-COVID INILABAS NA NG DBM

TUMATAGINTING na P1 bilyong piso ang pinakawalan ng Department of Budget and Management (DBM), sa hangaring tugunan ang naantalang benepisyong para sa mga medical frontliners na tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa pagganap sa kanilang tungkulin. Kabilang sa mga napipintong mabiyayaan sa pondong inilagak sa Department of Health (DOH) ang nasa 500,000 healthcare workers mula sa mga pribado at pampublikong pasilidad at maging yaong mga non-HCWs tulad ng mga janitor, tsuper ng ambulansya at iba pang itinalagang frontliners. Sa probisyong kalakip ng naturang pondo, P15,000 ang nakatakdang tanggapin ng mga…

Read More

MGA BAKASYUNISTA NGAYONG SEMANA SANTA HINIMOK MAGPA-BOOSTER

NAGING relax o naging kampante ang maraming Pilipino magmula nang ipinatupad ang Alert Level 1 sa maraming lugar ng bansa. Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa. Naging barometro aniya nito ang bilang ng mga dapat sana’y kwalipikado nang magpa-booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok. Aniya, naipit na sa labing dalawang milyon ang mga nagpa-booster shot samantalang nasa 66 milyon na ang may 2nd dose. Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko ay samantalahin ang Holy Week at walang…

Read More

PALASYO ATUBILI SA H2H VACCINATION

DEPENDE sa kalalabasan na pag-aaral ng National Task Force Against COVID-19 kung isasagawa ang house-to-house vaccination na panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “The government is still studying. Whether it will push through or not will depend on the outcome of the study,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar. “It was an idea that PRRD (Duterte) strongly wanted DOH (Department of Health) to consider to solve this unused vaccine problem, and to have the unvaccinated vaccinated,” dagdag na pahayag nito. Aniya pa, nais ni Pangulong Duterte na magsagawa ang…

Read More