DEPENDE sa kalalabasan na pag-aaral ng National Task Force Against COVID-19 kung isasagawa ang house-to-house vaccination na panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “The government is still studying. Whether it will push through or not will depend on the outcome of the study,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar. “It was an idea that PRRD (Duterte) strongly wanted DOH (Department of Health) to consider to solve this unused vaccine problem, and to have the unvaccinated vaccinated,” dagdag na pahayag nito. Aniya pa, nais ni Pangulong Duterte na magsagawa ang…
Read MoreCategory: COVID-19
BATAS PARA SA MANDATORY VACCINATION WELCOME SA DOH
WELCOME development kung magpapasa ang Kongreso ng batas para gawing mandatory o sapilitan ang pagbabakuna laban sa COVID-19. Reaksyon ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng mababang bilang ng mga Pilipinong nagpapabakuna laban sa coronavirus at milyong vaccine doses na nakatakdang mag-expire sa susunod na mga buwan. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi, sinabi ni Duque na ginawa na ng pamahalaan ang lahat ng paraan para bakunahan ang mga Pilipino. Inamin ni Duque na ang mandato na ito ay “very…
Read More3.7M COVID VAX NASAYANG
MAY kabuuang 3,760,983 doses ang naitalang COVID-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa. Iprinisinta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa public briefing nitong Miyerkoles. Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa. “Nasa 1.54% ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage. Malayo ito sa 10% wastage rate ng World Health Organization,” ayon kay Andanar. Kabilang sa mga dahilan para sa wastage o naaksayang doses ng bakuna ay “under-dosed vials, exceeded shelf life,…
Read MorePERA NG TAUMBAYAN, SAYANG SA 27M BAKUNANG MAG-EEXPIRE
KINASTIGO ng dalawang lider ng Senado ang gobyerno sa napipintong pag-eexpire ng 27 milyong doses ng COVID 19 vaccines sa susunod na tatlong buwan. Binanatan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pag-aaksaya ng pera ng taumbayan. “More than two years into the pandemic, the IATF still manages to mismanage the government’s response to the pandemic. It is unconscionable that the vaccines that were purchased through loans could end up in the garbage,”…
Read MoreBabala ng health expert COVID-19 SURGE PAGKATAPOS NG MAY 9 POLLS
MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls. Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mamamayan na hindi pa nakakapagpa-booster shot. “Pwedeng meron tayong surge of cases, especially after the election,” ayon kay Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa government-run San Lazaro Hospital sa Maynila, sa Laging Handa public briefing, araw ng Biyernes.…
Read MorePINOY OOBLIGAHIN SA BOOSTER SHOT VS COVID-19
PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para makonsidera ang isang indibidwal bilang fully vaccinated laban sa COVID-19. Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na ng kanilang primary vaccine series. Dahil dito, pinag-usapan ng mga lokal na opisyal na idetermina kung ang booster dose ay maaaring idagdag bilang requirement para sa fully vaccinated individuals para hikayatin ang mas maraming tao na makakuha ng kanilang…
Read MoreCOVID-19 CASES SA CALABARZON, LUMAGAPAK SA 282
BUMABA sa 282 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Calabarzon, ayon sa inilabas na data ng Department of Health (DOH) Calabarzon-4A kahapon. Batay sa datos, may mataas pa rin na aktibong mga kaso ang Cavite na may 102; habang 70 naman sa Rizal; kasunod ang Batangas, 46; Laguna, 45; Quezon Province, 18, at Lungsod ng Lucena na may naitalang isang aktibong kaso ng nakamamatay na sakit. Habang naitala naman ang 26 na recoveries sa buong rehiyon at dalawa ang namatay sa naturang sakit. Samantala, inabisuhan ang publiko…
Read MoreMAG-FACE MASK HANGGA’T MAY PANDEMYA – DU30
SA kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi pa siya handang bawiin ang paggamit ng face masks lalo na sa mga saradong public places. “The numbers are very low compared to the population. Itong mask, maraming nagtatanong, alam mo I am not ready to order the removal of the mask,” ayon kay Pangulong Duterte sa Talk to the People, nitong Martes. Ang katuwiran ng Pangulo, nananaig pa rin ang COVID-19 pandemic at maaaring manatili sa matagal na panahon sa…
Read MoreLaban hindi pa tapos 21 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, 2 SA MALABON
HINDI pa dapat maging kampante ang mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, dahil malinaw na hindi pa tapos ang laban sa coronavirus, ito ay makaraang 23 ang naitalang namatay sa pandemya sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling datos ng health offices ng nasabing mga lungsod. Sumipa sa 1,760 ang total deaths sa lungsod ng Caloocan noong Marso 19 mula 1,739 noong Marso 5, o karagdagang 21 fatalities, habang bumaba naman sa 49 ang active cases mula sa…
Read More