EDAD 12-15 ‘DI PA PWEDE SA BOOSTER

HINDI pa handa ang pamahalaang irekomenda ang booster shots kontra COVID-19 sa hanay ng mga kabataang edad 12 hanggang 17-anyos. Giit ng Vaccine Expert Panel ng Department of Health, hindi angkop na isugal ang kaligtasan at kalusugan sa hanay ng mga kabataan hanggat wala pang malinaw at matibay na pruwebang base sa mga masusing pag-aaral ng mga dalubhasa sa larangan ng siyensya at medisina. Sa isang panayam, inamin ni VEP chief Dr. Nina Gloriani na kailangan pa rin nilang hintayin ang resulta ng mga pag-aaral sa ibayong dagat kaugnay ng…

Read More

HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION TARGET SA BARMM

PLANO ng pamahalaan na magsagawa ng house-to-house vaccination sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang tumaas ang numero ng mga taong protektado laban sa coronavirus. Sinabi ng Department of Health (DOH), bukod sa house-to-house vaccination na tinatawag na “suyod”, ang iba pang planong aktibidad ay ang pagdaraos ng information caravans, dayalogo sa mga taong patuloy na tumatanggi na magpabakuna, probisyon ng “ayuda” para sa mga taong handang magpabakuna at radio plugging sa rehiyon. Tiniyak naman ng BARMM health authorities sa Islamic community na ang COVID-19 vaccines ay sertipikado…

Read More

MALING PAGTATAPON NG MEDICAL WASTE, MAY MABIGAT NA PARUSA

UMAAPELA si Senador Imee Marcos sa mga health facilities, gaya ng diagnostic centers at hospitals na sundin ang wastong disposal protocols ng mga medical waste na ginagamit sa paglaban sa COVID-19. Ginawa ni Marcos ang apela matapos magpositibo ang walong kabataang naglaro sa tabing dagat ng Virac, Catanduanes, kung saan iligal na itinapon ang mga nagamit nang hiringgilya o syringe, face masks, antigen test kits, lagayan ng dugo at ihi, at PPEs. Sa report ng Municipal Environment and Natural Resources, nakitaan ng maraming paglabag sa batas ang isang diagnostic center…

Read More

LIBONG KABATAAN SUMALANG SA UNANG ARAW NG PEDIATRIC VACCINATION

LIBU-LIBONG bata na edad 5-11 ang nabakunahan sa pag-arangkada kahapon ng vaccination para sa nasabing age group. Sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Co-Lead at Medical Specialist II, Dr. Kezia Lorraine Rosario sa Laging Handa public briefing na dahil pilot testing pa lamang ito ay umaasa silang libong bata pa lamang ang matuturukan ng Pfizer vaccine. Sa kasalukuyan ani Rosario, tinitingnan pa nila kung paano ang mga magiging susunod na rollout, operations at kung paano ang pagtanggap ng mga magulang o guardians sa pilot testing ng bakunahan para sa…

Read More

DOH sa mga magulang WALANG PILITAN SA KIDS’ VAX DRIVE

IPINAALALA ng Department of Health (DOH) sa mga magulang at guardian na hindi sapilitan ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11. Ito ay bilang pagsiguro ng ahensya na walang karapatan na malalabag sa isinasagawang pagbabakuna kontra COVID-19 sa nasabing age group. Paliwanag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccination Operations Center, hindi mandatory ang pagbabakuna at kagaya lamang ito ng pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17 na kailangan ng consent form na may pirma ng magulang o guardian. Muli ring tiniyak ng DOH na ligtas ang bakuna…

Read More

V-DAY POSIBLENG MAGING COVID SUPERSPREADER

SUMIPA ang kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng 2022 sa buong kapuluan, sa pagsibol ng Omicron variant kasunod ng kaliwa’t kanang parties at pagsasalo-salo dahil sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon. Kasunod ng Pasko’t Bagong Taon, ang Valentine’s Day na marahil ang ikatlong pinaka-commercialized na araw sa Pilipinas, na pinangangambahang posibleng maging COVID-19 superspreader event sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa dami ng inaasahang magtatagpo at magbibigayan ng regalong mga magsing-irog sa nasabing araw. Bunsod ng pagsasailalim sa Alert Level 2 ng Metro Manila,…

Read More

NAITATALANG DAILY COVID-19 CASES BUMABA SA 8K

UMAABOT na lamang sa 8,422 ang average na naitatalang bagong daily COVID-19 infections sa bansa simula Pebrero 1 hanggang 5. Base sa ulat ng OCTA Research Group, ito’y malaking pagbaba mula sa 17,025 noong nakaraang linggo. Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo, mula Enero 18 hanggang 24, ang seven-day average ay nasa 28,666, at 34,958 naman mula Enero 11 hanggang 17. Ang reproduction number naman o bilis ng hawahan ng virus, sa buong bansa ay bumaba na rin sa 0.55 noong Pebrero 2,…

Read More

Sa pagsisimula ng pilot vaccination sa 5-11 age group ngayong Lunes GO SA MGA MAGULANG: MGA ANAK PABAKUNAHAN

HINIKAYAT ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 ngayong nakatakda nang simulan ng pamahalaan ang pilot vaccination para sa mga batang edad lima hanggang 11 ngayong Lunes, Pebrero 7. Dapat sana ay Pebrero 4 pa sinimulan ang naturang bakunahan ngunit naantala ito dahil sa hindi pagdating kaagad ng Pfizer vaccines na gagamitin sana sa naturang aktibidad. “Bagama’t hindi mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 at hindi pwedeng pilitin ang mga tao, hikayatin pa…

Read More

BAKUNADO ‘IN’ SA BASKETBALL COURTS SA VALENZUELA

BUBUKSAN nang muli ang lahat ng mga pampubliko at pribadong basketball court sa Valenzuela City para sa mga kumpletong bakunado, ngunit bawal pa rin ang mga miron. Ayon sa post ng pamahalaang lungsod sa social media noong Pebrero 4, kailangan munang kumuha ng “Activity Pass” ng mga maglalaro bago makagamit ng court. Makipag-ugnayan lamang umano sa mga punong barangay o sa may-ari at/o admin ng mga court. Hindi pinapayagan ang mga mga patimpalak gaya ng mga inter-barangay basketball league o three-point shootout. Iginiit ng City Hall na dapat ay fully…

Read More