SA hangaring maibsan ang pagsisikip ng mga terminal container yard sa 17 distrito, tuluyan nang dinispatsa ng Bureau of Customs (BOC) ang mga abandonado at kumpiskadong kargamento. Sa tala ng BOC, tumataginting na P237 milyon ang pumasok sa kaban ng pamahalaan mula sa mga sinubastang kargamento sa unang walong buwan ng kasalukuyang taon. Ayon sa pahayag ng kawanihan, umabot sa 318 “overstaying containers” ang isinalang sa public auction mula Enero hanggang Agosto, para sa kabuuang ganansyang pumalo sa P237,379,455. Samantala, umabot naman sa 519 containers ang winasak bunsod ng peligro…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
NATENGGA NG MANUNUBANG INT’L COURIER
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO KARANIWAN na ang pagbili ng pasalubong sa tuwing uuwi mula sa mahabang bakasyon. Gayundin sa mga manggagawang Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibayong dagat para maitaguyod ang kanilang pamilya. Sa mahabang panahon ng kanilang pananatili sa ibang bansa, pinipili ng mga Pinoy overseas worker na bultuhan ang padala. Mga lambing ni darling, request ng mga tsikiting, padulas sa biyenan, mga pasabay ng kapwa OFW – ilan lang ‘yan sa mga laman ng balikbayan boxes na ibinibyahe galing pa sa bansa kung saan sila naghahanapbuhay. Gaano nga…
Read MoreBOC–CEBU, HANDANG SUMAGUPA VS PIRATA
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nagpahayag ng kahandaang sumagupa laban sa mga piratang dagat ang mga kawani ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Cebu, matapos sumailalim sa matinding pagsasanay sa paggamit ng mga armas at modernong patrol boats na gagamitin sa pagtugis ng mga smuggler. Partikular na isinalang ng Special Operations Group ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Central Visayas sa buwis-buhay na pagsasanay sa karagatang sakop ng Mandaue (Cebu) ang mga operatiba mula sa hanay ng Water Patrol Division at Customs Police.…
Read MoreCLAIMANT BULILYASO SA 1ST CLASS ‘OMAD’
HINDI na nagawa pang magpumiglas ng isang claimant ng isang kontrabando matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng drogang itinago sa kargamentong ibiniyahe pa mula pa sa Pennsylvania sa Estados Unidos. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-POC), arestado sa isang controlled delivery operation sa Lungsod ng Malabon ang hindi pinangalanang suspek na ‘di umano’y kumagat sa inihandang patibong ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), kasama ang Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-ray Inspection Project (XIP) at…
Read MoreMabilis na proseso, tiniyak ng BOC VAX FOR KIDS, DUMATING NA!
WALANG kahirap-hirap na naiproseso ng Bureau of Customs (BOC) ang paglapag sa Ninoy Aquino International Airport ng hindi bababa sa 2.270 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na sadyang ginawa ng Pfizer para sa mga bata. Sa kalatas ng BOC, araw ng Miyerkoles nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang 480,000 doses ng Pfizer vax-for-kids, at nasundan pa ng 854,000 doses nito lamang nakaraang Huwebes at 936,000 doses naman ng sumunod na Biyernes. Agad namang naihatid sa mga itinalagang cold storage facilities ang mga dumating na bakuna para sa…
Read MorePara sa nalalapit na Kapaskuhan BOC-NAIA, HANDA NA SA BULTONG PADALA
SA hangangatin tiyakin ang maayos at mabilis na prosesong kalakip ng inaasahang pagdagsa ng mga padala para sa nalalapit na Kapaskuhan, isang kasunduan ang binalangkas at nilagdaan ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport at mga pribadong kumpanyang nangangasiwa ng mga padala at bodegang pinaglalagakan ng mga bagahe at kargamento. Sa isang pulong sa pagitan nina Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at DHL Express Philippines Country Manager Nigel Locket, DHL Operations Chief Promod George, Customs Clearance Manager Cecilia Paras, at…
Read MorePara hindi maantala ang kalakalan NAKATAMBAK NA BASYO TANGGALIN AGAD – RUIZ
Ni JOEL O. AMONGO KAGYAT na aksyon ang naging tugon ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa idinulog na problema ng mga negosyante, customs brokers at mga trucking firm hinggil sa perwisyong dulot ng pagsisikip ng mga daungan. Daing ng Practicing Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAP) at Port Truckers Association (PTA), lubhang naaantala ang paglalabas ng kanilang kargamento dahil sa pagsisikip sa lugar kung saan nakabarega ang mga container (basyo) na pinaglalagyan ng mga naunang kargamento. Ayon kay Reynaldo Soliman ng PCBAP, lubha silang apektado sa pagsisikip…
Read MoreP1-B imported sugar tumambad sa Bulacan INSPEKSYON SA MGA BODEGA, PINAIGTING
SA kabila pa ng mga pagtuligsa, walang planong bumitaw ang Bureau of Customs (BOC) sa isinasagawang inspeksyon ng mga bodegang pinaglalagakan ng asukal, pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz. Sa bisa ng Letters of Authority at Mission Orders na nilagdaan ni Ruiz, tinungo ng mga ahente mula sa Manila International Container Port (MICP), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service-Quick Response Team (ESS-QRT), ang siyam na bodega sa Meycauayan, Bulacan kung saan tumambad ang halos P1-bilyong halaga ng mga imported na asukal. Kasama ang Armed…
Read MoreSMUGGLED LUXURY CAR BISTADO SA DAVAO CITY
HINDI pa man ganap na nasusubasta ang nalalabing smuggled vehicles na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) nitong nakaraang taon, isa na namang luxury car ang nahagip kamakailan ng kawanihan sa Lungsod ng Davao. Sa tulong ng isang impormante, bulilyaso ang isang puting Porsche 911 GT3 RS sports car na ibiniyahe mula sa bansang Japan. Batay sa mga dokumentong kalakip ng kargamentong idineklarang segunda-manong piyesa ng mga sasakyan, lumalabas na isang JJCTD Import and Export Trading Corp. ang consignee ng naturang mamahaling kotseng karaniwang gamit ng mga mayaman. Ayon sa…
Read More