Mabilis na proseso, tiniyak ng BOC VAX FOR KIDS, DUMATING NA!

WALANG kahirap-hirap na naiproseso ng Bureau of Customs (BOC) ang paglapag sa Ninoy Aquino International Airport ng hindi bababa sa 2.270 mil­yong doses ng bakuna kontra COVID-19 na sadyang ginawa ng Pfizer para sa mga bata.

Sa kalatas ng BOC, araw ng Miyerkoles nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport ang 480,000 doses ng Pfizer vax-for-kids, at nasundan pa ng 854,000 doses nito lamang nakaraang Huwebes at 936,000 doses naman ng sumunod na Biyernes.

Agad namang naihatid sa mga itinalagang cold storage facilities ang mga dumating na bakuna para sa paspassan at puspusang turukan sa ilalim ng programang PinasLakas na inilunsad kamakailan ng Kagawaran ng Kalusugan at Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa BOC, inaasahan naman makukumpleto ang tatlong milyong doses na binili ng pamahalaan ngayong araw (Setyembre 19) sa napipintong paglapag ng eroplanong may lulan ssa 720,000 doses ng Pfizer vax-for-kids.

Pagtitiyak ng BOC, mananatiling prayoridad ng kanilang kawanihan ang mga bakunang lunas sa nakamamatay na karamdaman, lalo pa’t nananatili ang banta ng pandemya.

176

Related posts

Leave a Comment