LALONG umigting ang panawagan ng mga mambabatas na isapubliko ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang pagdinig kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, matapos ang ulat na nagwala umano si Sen. Mark Villar sa isang closed-door hearing. Hamon nina Rep. Mark Anthony Santos at Rep. Leila de Lima, sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa mga anomalya sa flood control projects. Ayon kay Santos, “Dapat transparent ang ICI. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, kaya may karapatan ang publiko na malaman ang katotohanan.”…
Read MoreCategory: METRO
LUGI SA 1-MONTH TAX HOLIDAY BAWIIN SA KORUP CONTRACTORS, POLITIKO
IGINIIT ni Senador Erwin Tulfo na kunin sa mga tiwaling kontraktor, opisyal ng gobyerno at mga politiko ang mawawalang koleksyon ng gobyerno kung ipatutupad ang ipinapanukala niyang one month tax holiday. Ito ay makaraaan ang pagtaya na nasa P30 hanggang P50 bilyon ang mawawala sa gobyerno kung magpapatupad ng isang buwang libre sa buwis ang mga taxpayer. “Kunin sa 15 contractors, mga tiwaling politiko at mga opisyal, sosobra pa yan. Aabot pa ng trillion yan. Kapag ibinalik ang mga ninakaw ay kahit anim na buwang tax holiday ay pwede pero…
Read MoreGOITIA KAY NARTATEZ: HENERAL NA NAGPAPAKUMBABA SA HARAP NG DIYOS
SA panahong madalas sinusukat ang liderato sa ranggo at kapangyarihan, namumukod-tangi si PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa kanyang kababaang-loob at pananampalataya. Sa unang araw ng Novena Mass ng Nuestra Señora del Pilar de Manila sa Sta. Cruz Parish, Maynila, nasaksihan si Nartatez na lumuhod sa harap ng altar — hindi bilang heneral, kundi bilang lingkod ng Diyos. Pinangunahan ang misa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang simpleng kilos na iyon ay may malalim na kahulugan. “Kapag ang…
Read MorePRINTING NG OFFICIAL BALLOTS PARA SA BSKE SISIMULAN NA
SISIMULAN na ng Commission on Elections ang pag-imprenta ng Official Ballots and Accountable Forms na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE). Sa inilabas na abiso ng Comelec, inabisuhan ng ahensya ang lahat ng kaugnay na stakeholders, kabilang ang political parties, citizen’s arms at media organizations hinggil sa nasabing aktibidad. Mangyayari ito ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025 dakong ala-1:00 ng hapon sa National Printing Office (NPO) sa EDSA cor. NIA North Road, Diliman, Quezon City. Samantala, muling magsasagawa ng voter registration para sa BSKE sa Oktubre 21, 2025 hanggang…
Read MoreMagalong: Stella Quimbo nakatanggap ng P300M mula sa DOH fund
IBINUNYAG ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakatanggap si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ng P300 milyon mula sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Magalong sa isang television interview na nakita niya ang mga dokumento ng DOH noong siya’y adviser pa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nagpapakitang nakatanggap si Quimbo ng P300 milyon mula sa pondo ng MAIP. “Alam mo nga nagulat nga ako na I saw a document na sa DOH, iyong MAIP funds,…
Read MoreDOH PINAGHAHANDA ANG PUBLIKO SA POSIBLENG AFTERSHOCK AT TSUNAMI SA DAVAO ORIENTAL
PINAGHAHANDA ng Department of Health (DOH) ang publiko sa posibleng mga aftershock at banta ng tsunami kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental. Kabilang sa mga ipinapayo ng DOH ang paghahanda ng first aid kit at Go Bag na naglalaman ng tubig, pagkain, gamit sa pagtulog, at mga hygiene essentials. Ayon sa DOH, mahalagang magkaroon ng Go Bag upang magamit kung sakaling kailangang lumikas dahil sa mga aftershock o tsunami. Makikita ang kumpletong listahan ng laman ng Go Bag at iba pang paalala sa opisyal na…
Read MorePNP NAG-ACTIVATE NG EMERGENCY RESPONSE MATAPOS ANG 7.5 MAGNITUDE NA LINDOL SA DAVAO ORIENTAL
KAAGAD na ini-activate ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang emergency response operations kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental noong Biyernes ng umaga. Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang hakbang ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang kahandaan sa kalamidad at protektahan ang mga apektadong komunidad. Sinabi ni Nartatez na kumikilos na ang iba’t ibang police units sa Davao Oriental at mga karatig-probinsya upang tumulong sa mga apektadong lugar at tiyakin ang kaligtasan…
Read MoreP6.5-BILYONG PONDO NG BARMM PINABUBUSISI NG KAMARA SA COA
PINABUBUSISI ng House Committee on Public Accounts sa Commission on Audit (COA) ang paggamit ng P6.5 bilyong pondo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong 2024. Partikular na tinututukan ng komite ang paggamit ng pondo mula sa Local Government Support Fund (LGSF) sa loob ng apat na buwang disbursement sa panahon ng dating Chief Minister Ahod B. Ebrahim. Ayon sa komite, ang kaso ay nangangailangan ng “specialized forensic investigation beyond standard audit procedures” dahil sa mga posibleng kasong pandarambong, graft, at malversation of public funds na maaaring kaharapin…
Read MoreHANDBOOK PARA MAPALAKAS PEACEKEEPING ROLE NG MGA TANOD SA BANSA, INILABAS NG DILG
NAGLABAS kahapon ng manual ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa libo-libong barangay tanod sa buong bansa bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas at mapayapang mga komunidad. Ang bagong Barangay Tanod Handbook ay inilunsad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang peacekeeping efforts sa lokal na antas. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, layon ng handbook na gawing mas epektibo at makabuluhan ang tungkulin ng mga tanod bilang unang tagapagpatupad ng kapayapaan at seguridad sa barangay. “With this…
Read More