KASUNOD ng panawagan mula sa malalaking grupo ng mga mangangalakal at negosyante na katarungan para sa dinukot at pinatay na steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo, tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila tutulugan ANG naturang kaso upang madakip ang mga salarin sa krimen. Ayon sa pamunuan ng pambansang pulisya, mismong si PNP chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil ang siyang nakatutok sa imbestigasyon hinggil sa pagdukot at pagpatay kay Que at ang kanyang driver. Ipinarating ng PNP sa buong…
Read MoreCategory: METRO
OBSERBASYON NG NETIZENS: SUPPORTERS NI CAMILLE VILLAR PURO TROLL
PURO trolls ang mga supporter at galing lang sa artificial intelligence (AI) ang mga papuri kay Las Piñas Rep. at administration senatorial bet Camille Villar sa social media. Sa ulat ng Politiko.com, napansin ng netizens ang napakaraming trolls na pare-pareho ang mensahe sa isang post sa Tiktok na bumabatikos sa “Great Wall of Camille Villar” kung saan napuno ng poster ang pader ng isang pampublikong lugar. Napuna nila ang magkakatulad na komento gaya ng “With Camille Villar’s leadership, we can all look forward to a brighter future!” at “Her commitment…
Read MoreSEMANA SANTA DAPAT MAGSILBING PAALALA SA PUBLIC SERVANTS NA MAGSILBI NANG MAY INTEGRIDAD – ROMUALDEZ
PAALALA ang Semana Santa sa mga public servant para magsilbi sa publiko nang may katapatan, integridad, at compassion. Binanggit ito ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa paggunita ng Palm Sunday kahapon. Kasabay nito ay hinikayat ni Romualdez ang publiko na samantalahin ang Holy Week break para alalahanin ang buhay ni Hesukristo kabilang ang paghihirap nito at muling pagkabuhay. Ayon kay Romualdez, ang pinagdaanan ni Hesus ay paalala na ang katatagan ay natatamasa sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, ang paghilom ay kasunod ng pagpapatawad at kung mayroong pananalig ay mayroong…
Read MoreERWIN TULFO, NANGUNA PA RIN SA BAGONG SURVEY NA KINOMISYON NG ABS-CBN
HINDI natinag sa pagiging numero uno sa Senado sa pinaka-latest na survey si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, ayon sa WR Numero Research, ang opisyal na research partner ng ABS-CBN para sa Halalan 2025. Mistulang solido at matatag ang suporta ng taumbayan kay Tulfo bilang kandidato sa pagka-Senador. Sa kabila ng samu’t saring isyung pulitikal na lumutang sa panahon ng survey na isinagawa mula Marso 31 hanggang Abril 7, nanatili pa ring nangunguna at namamayagpag ang mambabatas bilang top preference ng mga Pilipino para sa darating na Senatorial Elections ngayong…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST, TOP 3 SA PINAKAHULING SURVEY
PATULOY na umaangat ang FPJ Panday Bayanihan Party-list nang pumangatlo ito batay pinakahuling survey na isinagawa WR Numero Research nitong March 31 – April 7. Lumilitaw sa survey ang pagkopo ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ng 4.7% sumunod ang Tingog party-list na 4.5%. Parehong may tiyak na dalawang puwesto sila sa Kongreso sakaling ginanap ang halalan sa saklaw na petsa ng survey. Ang kasunod nilang walong party-list, ay maaaring makakuha ng tig-isang pwesto sa Kamara na may 2% mula sa mga nilalayong boto, ipinakikita sa survey. Sinabi ni Brian Poe…
Read MoreCONGRESSWOMAN MITCH CAJAYON-UY PA RIN SA IKALAWANG DISTRITO NG CALOOCAN – OCTA Research
NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City si Incumbent Representative Mitch Cajayon Uy. Sa tanong na kung ang eleksyon ng Mayo 2025 ay isasagawa ngayon at ang mga sumusunod na indibidwal ay kandidato sa pagka-CONGRESSMAN/WOMAN NG DISTRICT 2 NG CALOOCAN CITY, sino po sa kanila ang inyong iboboto? 57.87% o 135,006 na bilang ng botante ang nagsabing si Rep. Cajayon-Uy ng partidong Lakas ang kanilang iboboto. 34.41% o 80278 na bilang ng mga botante naman ang nagsabing si…
Read MoreFIL-CHI BUSINESSMEN PINULONG NI PNP CHIEF MARBIL
UPANG mapawi ang takot, nakipagpulong si PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa grupo ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII), Biyernes ng umaga sa Camp Crame. Tiniyak ni Marbil na nananatiling kontrolado ng pambansang pulisya ang sitwasyon ng siguridad sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng kidnapping. Dumalo rin sa pagpupulong ang matataas na opisyal ng PNP. Kabilang sa kanilang tinalakay ay ang tugunan ang lumalalang agam-agam ng Filipino-Chinese community para sa kanilang kaligtasan at seguridad. Matatandaan na isang14-anyos na Tsinoy ang pinutulan pa ng…
Read MoreMAG-ASAWANG KOREANO NA SANGKOT SA TELCO FRAUD HULI SA MAKATI
HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa malakihang telco fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Choi Jeongyun at Kim Minwoo, parehong 41-anyos, na dinakip sa kanilang bahay sa Barangay Carmona, Makati noong Abril 4. Ang dalawa ay may red notice mula sa Interpol dahil sa arrest warrant na inilabas ng Chucheon District Court sa Korea. Sinasabing sangkot ang mag-asawa sa voice phishing kung saan nakapanloko sila ng higit US$840,000 mula sa mga…
Read More84 CHINESE NA HINULI SA POGO NA-DEPORT NA
NAIPA-DEPORT na ang 84 na Chinese nationals na naaresto sa magkakahiwalay na POGO hub sa bansa. Lulan ng Philippine Airlines, lumipad kaninang 6:35 ng umaga ang eroplano na naghatid sa mga dayuhan papuntang Beijing, China na direct flight o walang stop over. Mula sa 84 ay 75 sa kanila ang lalaki, habang siyam ang babae. Karamihan sa kanila ay naaresto sa POGO hub sa Parañaque at Pasay City, habang ang Ilan ay nahuli naman sa Bamban, Tarlac at sa Lapu-Lapu Cebu. Siniguro ng Department of Justice, Bureau of Immigration at…
Read More