NAITALA ng Quezon City Police District ang pinakamababang bilang ng insidente ng krimen sa limang police districts ng National Capital Region Police Office sa unang dalawang buwan ng 2026.
Ayon sa ulat, mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, 2026, nakapagtala ang QCPD ng 247 insidente ng 8 focus crimes, mas mababa kumpara sa 318 kaso sa kaparehong panahon noong 2025.
Katumbas ito ng 71 kaso o 22.33% na pagbaba.
Ayon kay QCPD Director Randy Glenn Silvio, bunga ito ng pinaigting na police visibility, intelligence-driven operations at malakas na koordinasyon sa lokal na pamahalaan at komunidad.
“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga diskarte sa pag-iwas sa krimen upang matiyak na mananatiling ligtas ang Quezon City para sa lahat ng residente,” ani Silvio.
Tiniyak din ng QCPD na palalakasin pa nito ang crime prevention efforts alinsunod sa programa ng Philippine National Police na “Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
(PAOLO SANTOS)
53 