P4-M SHABU HULI SA TULAK

TINATAYANG mahigit P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa nadakip na umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, sa Soler Street, malapit sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Farida Macmod, 30, may asawa, tubong North Cotabato, at naninirahan sa Barangay 390, Sta. Cruz, Manila. Base sa isinumiteng ulat ni Police Major Bernardino Venturina, hepe ng SDEU, kay Police…

Read More

2 pulis sa Moralde killing pinalaya PISKAL KAKASUHAN NG PNP

pulis

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) ang paglipat sa City Prosecutor o sa Metro Manila, sa preliminary investigation sa limang suspek, kabilang ang dalawang pulis, na sangkot sa pagpatay kay Police Captain Rolando Moralde sa Parang, Maguindanao del Norte. Nitong nakalipas na linggo, ipag-utos ng Provincial Prosecutor ng Maguindanao ang pagpapalaya kina Police Master Sergeants Aladdin Ramalan at Shariff Balading, dahil umano’y “warrantless arrest” sa dalawang pulis at kakulangan ng isinumiteng mga ebidensya, bagama’t sa CCTV footage ay nakita silang pinapuputukan si Capt. Moralde. Dahil dito, tinututukan din ng PNP…

Read More

KABABAIHAN SA MARITIME SECURITY PINANINDIGAN NI VILLAR

BILANG masugid na tagapagtaguyod ng women empowerment, suportado ni Senator Cynthia Villar ang kababaihan sa maritime security. Sa kanyang speech sa “Women in Maritime Security Advancing Women Leadership in Maritime Law Enforcement Forum” sa AMOSOP, Intramuros noong May 17, taong kasalukuyan, sinabi ng senador na makapag-aambag ang mga babae ng fresh perspective at expertise, pati na rin ang unique compassion, sa pag-unlad at pagiging epektibo ng maritime initiatives. (Danny Bacolod) 263

Read More

ALVAREZ GUSTONG IPASIBAK SA KONGRESO

NAIS ng complainant na si Tagum City, Davao del Norte Mayor Rey Uy na matanggal bilang miyembro ng Kamara ang kanilang kongresista na si dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Sa ambush interview kahapon sa Kamara, sinabi ni Uy na bagama’t ipinauubaya nito ang desisyon sa House ethics committee and privileges kung anong parusa ang ipapataw kay Alvarez ay nais niyang matanggal ito sa Kamara. Si Uy kasama ang ibang complainant ay personal na dumalo sa pangalawang pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Coop-Natcco party-list Rep. Felimon Esperas sa ethics…

Read More

PAGDEDEKLARA NI PBBM SA BUWAN NG HULYO BILANG AGRICULTURIST MONTH, PINURI NG ACT-AGRI KAAGAPAY

PINURI ng grupong ACT-Agri Kaagapay Organization ang hakbang ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ideklara ang buwan ng Hulyo ng bawat taon, bilang “Philippine Agriculturists’ Month”, sa layuning palakasin ang awareness hinggil sa agriculture center ng bansa. Inilabas ni Pang. Marcos ang kautusan sa pamamagitan ng Proclamation No. 544 na nilagdaan noong Mayo 10, upang i-transform ang Philippine agriculture at gawing isang dynamic, high-growth sector dahil ito ang backbone ng ekonomiya at nakapagbibigay ng trabaho. Ayon kay ACT-Agri-Kaagapay Organization founder Ms. Virginia Ledesma Rodriguez, na siyang author ng librong…

Read More

MGA PULIS NA MAY KASO NGANGA SA MID-YEAR BONUS

WALANG matatanggap na mid-year bonus ang mga tauhan ng Philippine National Police na mayroong nakabinbing kaso. Ito ang inihayag ng pamunuan ng PNP matapos nilang ianunsyo na ini-release na ang halagang P7.6 bilyon para sa kanilang mid-year bonus na katumbas ng kanilang isang buwang basic pay. “This mid-year bonus, equivalent to one month’s basic pay as of May 15, 2024, is granted to personnel who have served at least four months of service from July 1, 2023, to May 15, 2024.” Ang bonus na katumbas ng kanilang one-month basic salary…

Read More

PILIPINAS PINALAWAK ALYANSA SA SWEDEN

TULOY-TULOY ang isinasagawang pagpapalawak ng alyansa ng Armed Forces of the Philippines sa iba’t ibang mga bansa katulad ng isinusulong na kooperasyon ng Pilipinas at Sweden, pagdating sa larangan ng defense and security. Ayon kay AFP Inspector General, Lt. General Steve Crespillo, ito ang layunin sa pagbisita ni Swedish Military Adviser ng Department for Armament and Industry ng Ministry of Defense ng Sweden, Brigadier General Olle Hultgren sa Camp Aguinaldo. Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagsisikap ng AFP na tumuklas ng karagdagang mga oportunidad para isulong ang shared commitment ng dalawang…

Read More

MARAMING ‘CHINESE STUDENTS’ NAG-ENROL PERO ‘DI NAG-ARAL

MARAMING Chinese nationals na binigyan ng student visa ang nag-eenroll lang subalit hindi pumapasok sa eskwelahan. Ito ang nakarating na impormasyon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya pursigido itong amyendahan o ibasura ang Executive Order (EO) 285 ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. “Narakating sa amin ang information na iyan na nag-eenroll tapos hindi pumapasok (sa school),” ayon sa mambabatas. Bukod dito, nakatanggap din umano ng impormasyon si Barbers na pami-pamilya ang pumapasok sa bansa bilang mga turista at kapag malapit nang mapaso ang kanilang visa ay…

Read More

ZERO BACKLOG SA LICENSE CARDS, PLATES SA HULYO – LTO

TINIYAK ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II na walang magiging backlogs sa pagpapalabas ng driver’s license cards at plates simula ngayong Hulyo. Sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Mendoza na sapat ang suplay ng license cards at plates ngayong taon. “Ipinakita natin sa ating Pangulo na as far as the supply is concerned ng driver’s license cards ay dire-diretso po tayo hanggang end of the year. We have sufficient driver’s license card to support the demand for until end of the year,” anito. Sinabi…

Read More