CCG NAGSAGAWA NG EMERGENCY DRILL SA PANATAG SHOAL

NAGSAGAWA ng emergency drill ang China Coast Guard, isang araw bago nakatakdang dumating ang Filipino civilian convoy sa Panatag Shoal para maghatid ng mga supply sa lokal na mga mangingisda. Ayon sa ulat, ipinakita ng video mula sa Chinese TV station na CCTV mula sa Reuters, ang crewmen ng CCG na nagdaraos ng emergency drills sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal. Bahagi ng drill na subukan ang kahandaan ng CCG sa isang simulated rescue sa isang tao mula sa tubig. Inilabas ang footage bago ang itinakdang iskedyul na civilian mission…

Read More

165 CHINESE MULA SA BAMBAN POGO, TINAPON PABALIK SA CHINA

UMABOT sa 165 na Chinese nationals ang ipina-deport mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang 165 Chinese nationals na ipina-deport ay kabilang sa mga inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Marso sa Bamban, Tarlac. Ayon sa ulat ng PAOCC, ang mga naaresto ay pawang mga sangkot sa scamming activities. Bukod dito, lumabag din sila sa Philippine immigration laws nang hindi sila nakapagpakita ng anomang travel documents, pagiging overstaying, at undesirable aliens. Nabatid na kabuuang 167 dayuhan ang nakatakda sanang…

Read More

MAYOR AT BRGY. CHAIRMAN SA MACO, DAVAO DE ORO PINASUSUSPINDE DAHIL SA KILLER LANDSLIDE

PINASUSUSPINDE ng isang buwan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa utos na rin ni House Speaker Martin Romualdez ang alkalde at isang barangay kapitan ng Maco, Davao de Oro dahil sa kanilang kapabayaan sa naganap na landslide sa naturang bayan nitong Pebrero na ikinamatay ng mahigit 100 katao. Sa pagpapatuloy ng pagdinig nitong Martes ng House committee on disaster resilience na pinamumunuan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, inirekomenda ni Tulfo na ipasuspinde ng isang buwan sa kanilang pwesto sina Maco, Davao de Oro Mayor Voltaire…

Read More

PHILIPPINE ARMY SUMASABAK SA JUNGLE, URBAN WARFARE DRILL

MATAPOS ang Balikatan 2024, sumasabak ang mga tauhan ng Philippine Army sa joint tactical at combat training kasama ang Australian Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela. Pormal nang sinimulan kahapon ang Philippines-Australia Army to Army Exercise para higit pang mapalawak ang kakayahan ng dalawang hukbong katihan sa larangan ng conventional at non-conventional warfare. Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office chief, Col. Louie Dema-ala, nakapaloob sa sabayang pagsasanay ang paglinang sa kasanayan sa larangan ng Reconnaissance, Mortar, Drone Operations, Logistics, Signal Operations, Jungle at…

Read More

‘MARITES’, FAKE EXPERT PARUSAHAN

PANAHON na para magkaroon ng pananagutan ang mga tinaguriang “fake expert at fake witnesses”. Ito ang iginiit ni Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay ng imbestigasyon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa PDEA leaks kung saan kinukuwestiyon ang kredibilidad ng kanyang witness na si dating PDEA agent Jonathan Morales. Ayon sa mambabatas, walang problema na magsagawa ng imbestigasyon kung may makitang matibay na ebidensya at may direksyon ang imbestigasyon dahil pera ng bayan ang ginagamit dito. “But if it’s just an investigation so that people will talk about things, medyo…

Read More

LABOR MALPRACTICE NG SHOPEE SISILIPIN NG KAMARA

ISANG resolusyon ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang umano’y labor malpractices ng online selling app na Shopee. Sa House Resolution (HR) 1718 na inakda ni AAMBIS-Owa Party-list Rep. Lex Anthony Colada, inaasahan nito ang kaukulang mga komite sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon upang maproteksyunan ang mga empleyado ng nasabing kumpanya. Sinabi ng mambabatas, nakababahala ang pagbabalewala ng SPX Philippine Inc., na mas kilala sa Shopee Express, sa mga batas paggawa sa Pilipinas kaya dapat itong imbestigahan. Inihalimbawa ng kongresista ang kaso ng mahigit isang taong…

Read More

CONVOY NG ATIN ITO COALITION SA WPS BABARIKADAHAN NG CHINA

POSIBLENG latagan ng China ng malaking barikada ang mga sibilyan na maglalayag sa West Philippine Sea sa ikalawang pagkakataon para mamahagi ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino na namamalakaya sa ilang bahagi ng karagatan na inaangkin ng China. Inihayag kahapon ng Atin Ito Coalition na hindi sila matitinag kahit pa buntutan sila ng mga sasakyang pandagat ng China. Ayon sa organizers ng grupo, determinado silang ituloy sa ikalawang pagkakataon, ang kanilang convoy papunta sa pinag-aagawang teritoryo na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Ito’y sa gitna ng mga ulat…

Read More

GRADUATES PINAALALAHANAN NI VILLAR NA PANGALAGAAN ANG KAPALIGIRAN

TINAGUBILINAN ni Villar ang environmentalist-graduates na gawin ang kanilang papel at responsibilidad na pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang sustainable future sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon. “Malaki ang mga hamon, ngunit ang iyong potensyal na gumawa ng positibong epekto ay mas malaki,” ayon sa senador. Si Villar ang Special Guest sa ginanap na Volunteers’ Graduation of the Philippine Wildlife Rangers and Environmental Enforcers (PWREE) sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) kahapon (May 12). Nakatanggap din ang senadora sa nasabing okasyon ng pagkilala bilang Master Conservator dahil sa…

Read More

PEDESTRIAN SINURO NG MOTORSIKLO, PATAY

NALAGUTAN ng hininga ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa eastbound lane ng Capulong Road sa Barangay 151, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Benjamin Nido, nasa hustong gulang, ng Tondo, Manila. Habang sugatan naman ang motorcycle rider na si Marky Justine Fulinara gayundin ang angkas nitong si Jeffrey Pilapil, makaraang sumemplang ang motorsiklo. Kapwa isinugod ang mga ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center para malapatan ng kaukulang lunas. Base sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Ferdinand…

Read More