KOORDINASYON, KAHANDAAN NG PNP NASUBUKAN SA TRILLION PESO MARCH

IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at mataas na antas ng kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang organisadong puwersang may malinaw na direktiba at mabilis na tugon. Sa Command Center, tutok ang mga opisyal sa real-time updates mula sa CCTV feeds at ground units na nakapwesto sa pangunahing lugar ng pagkilos. Tahimik ngunit masinsinan ang operasyon, na sinabayan ng mabilis na pag-aayos ng deployment at pagpapalitan ng impormasyon. Pinangunahan ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio…

Read More

Habang hindi available coast guard hospital HEALTH CARD PARA SA PCG PERSONNEL ISINULONG NI ERWIN TULFO

NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo na pondohan ang pagbibigay ng health insurance at health card para sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo para sa bansa, lalo na ang mga nakatalaga upang pangalagaan ang West Philippine Sea (WPS). Iminungkahi ito ni Tulfo sa plenary deliberations ng Senado para sa 2026 budget ng PCG, matapos niyang binigyang-diin ang pangangailangan para sa mas pinalakas na medical benefits para sa mga tauhan ng PCG habang hinihintay ang pagkumpleto ng Philippine Coast Guard General Hospital, na…

Read More

BAHAGI NG SENADO NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang bahagi ng gusali ng Senado kahapon ng umaga. Ayon kay Senate President Tito Sotto, agad namang naapula ang apoy sa Legislative Technical Affairs Bureau na nagsimula alas-6:30 ng umaga. Dakong 7:43 ng umaga ay idineklarang under control ang sunog bago idineklarang fire out alas-8:50 ng umaga. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at sinusukat ang lawak ng pinsala. Nagkaroon naman ng tagas patungo sa Session Hall mula sa naapektuhang palapag. Tiniyak naman ni Sotto na ligtas at hindi naapektuhan ang lahat…

Read More

2ND ROUND NG SUBASTA SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS ITINAKDA

INIHAYAG ng Bureau of Custom na magkakaroon ng ikalawang round ng public auction para sa mga luxury vehicle na nasamsam mula sa mag-asawang contractor na sina Pacifico at Cezarah Discaya, na inaakusahang sangkot sa multi billion flood control scandal. Sa inilabas na anunsyo ng BOC, itinakda ang 2nd round ng public auction sa Disyembre 5, sa pamamagitan ng sealed bidding para sa high-end vehicles simula alas-10 ng umaga sa BOC main office sa Port Area, Manila. Isasailalim sa auction ang tig-iisang unit ng 2022 Toyota Tundra, 2023 Toyota Sequoia, 2023…

Read More

BUONG PWERSA NG MANILA LGU, MPD KASADO NA SA NOV. 30 RALLY

HANDA na ang puwersa ng pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay sa mga kinakailangang aksyon para sa idaraos na Anti-Corruption Protest Rally sa Nobyembre 30. Upang mapanatiling maayos at payapa ang malawakang rally, inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang lahat ng station commanders ng Manila Police District (MPD) at hepe ng bawat departamento na paghandaan ang nasabing aktibidad. Pinatitiyak din ng alkalde sa Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, MTPB MPD, Department of Public Services, at Manila Department of Social Welfare, na siguruhing magiging payapa, organisado,…

Read More

DOT KATUWANG NG VISA PARA SA MABILIS NA DIGITAL PAYMENT

NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism (DOT) at ang Visa, global leader sa digital payment, upang mapabilis ang digital na pagbabago sa sektor ng turismo. Sa ginanap na Memorandum of Understanding (MOU) sa DoT Central Office sa Makati City, nilagdaan ang partnership nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Visa regional head para sa Southeast Asia, Visa Government Solutions Bella Lai. Ayon sa Visa, ang inisyatiba ay nagtutulak ng digital payment acceptance sa pangunahing mga destinasyon ng turista, sumusuporta sa micro, small, at medium enterprises, at nagpapatakbo ng data-driven tourism planning.…

Read More

15K PULIS IDE-DEPLOY SA ‘TRILLION PESO MARCH’

pulis

HINDI bababa sa 15 libong kagawad ng Philippine National Police ang ide-deploy kaugnay sa gaganaping “Trillion Peso March” sa Linggo, Bonifacio Day. Inihayag ng PNP na magde-deploy sila ng 15,000 police personnel para matiyak na magiging payapa at maayos at ligtas ang lahat ng sasali sa gaganaping anti-corruption protests. Ayon kay PNP Acting chief, Lt. General Jose Melencio Nartatez, “Ang deployment po ay para masiguro ang kaligtasan ng lahat, protesters man o hindi.” “We fully respect the people’s right to peaceful assembly, and our commitment is to provide a safe,…

Read More

PAG-IIMBESTIGA SA DOJ USEC NA IDINAWIT SA FLOOD ANOMALY, TRABAHO NG OMBUDSMAN

NATAPOS na ang official leave ni DOJ Undersecretary Jojo Cadiz, na sinasabing tumayong “bagman” umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng ghost projects at flood control kickbacks, ayon sa rebelasyon ni dating Congressman Zaldy Co. Sa inilabas na video sa social media, ibinunyag ni Co na personal pa niyang iniabot ang P200 milyon kay Cadiz noong December 2, 2024 sa number 30 Tamarind Street, South Forbes Park, para raw dalhin sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos sa number 41 South Forbes Park. Kasama si Cadiz sa mga idinawit…

Read More

SIGAW NG MANGGAGAWA: GOBYERNONG KORAP BUWAGIN, REPORMA ISINULONG

IGINIIT ng mga grupo tulad ng Manlaban Coalition at Manggagawa Laban sa Bulok na Sistema, Pribatisasyon at Korapsyon ang agarang pagbuwag sa gobyernong umano’y bulok at korap. Sa kanilang pananaw, ang talamak na katiwalian at bulok na pampulitikang sistema ang nagpapahina sa demokratikong institusyon at nag-aalis sa Filipino ng tapat na serbisyo publiko. Sa press conference noong Huwebes, sinabi ni Atty. Luke Espiritu, presidente ng Bukluran ng Manggagawa, na ang korupsyon sa bansa ay hindi lamang gawa ng mga indibidwal kundi bunga ng kulturang pampulitika na nagbibigay proteksyon sa mga…

Read More