HINIMOK ni Senate Majority Leader Migz Zubiri si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mas agresibong labanan ang mga manipulator at smuggler ng karne ng baboy, gayundin ang umano’y sobrang pag-angkat nito sa bansa. Sa gitna ng budget hearing, hinamon ni Zubiri ang kalihim na ipakita ang matatag na pamumuno laban sa predatory pricing at huwag matakot na kumilos laban sa mga sangkot sa smuggling. Sinabi naman ni Tiu Laurel na maaari niyang pansamantalang suspindihin sa loob ng 60 araw ang pag-angkat ng kasim, pigue at belly, o ihinto…
Read MoreCategory: METRO
EX-NSA CHIEF INALMAHAN NI PCG SPOX TARRIELA SA ‘TROUBLEMAKER’ REMARK
UMALMA at gumanti sa mga patutsada si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela laban kay dating National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos matapos siyang murahin at sabihang tumahimik na lamang kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea (WPS). Hindi na nakapagpigil si Tarriela sa mga banat ni Carlos matapos nitong sabihan ang opisyal na takpan ng duct tape ang kanyang bibig habang ipinagtatanggol ang naunang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan tungkol sa lakas ng militar ng China. Nagsimula ang girian nang ihayag ni…
Read MoreSEN. MARK VILLAR, ISINUSULONG KABALIKAT SA HANAPBUHAY ACT PARA MABAWASAN GASTOS NG JOB SEEKERS
ISINUSULONG ni Senator Mark A. Villar ang pagbibigay ng diskwento at pag-aalis ng ilang bayarin sa mga dokumentong kailangan sa pag-aaplay ng trabaho upang mabawasan ang gastusin ng mga kapos sa buhay na naghahanap ng hanapbuhay. Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1272 o ang panukalang Kabalikat sa Hanapbuhay Act, na naglalayong gawing mas abot-kaya ang pagkuha ng mga kinakailangang dokumento ng mga kwalipikadong aplikante. “Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan ng badyet ng ating mga kababayang naghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan ng panukalang ito, nais nating mabawasan ang kanilang…
Read MoreLUMALAWAK NA TRANSNATIONAL CRIMES TINALAKAY NG ASEAN MEMBERS
NAGTIPON ang mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang palakasin ang kooperasyon at bumuo ng mga hakbang laban sa lumalawak at nagbabagong anyo ng transnational crimes sa rehiyon. Pormal na binuksan sa Makati City ang ika-20 ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC), kung saan nagsisilbing host at chair ang Pilipinas ngayong 2026. Sa opening ceremony, iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang kahalagahan ng mas matibay na pagtutulungan ng mga kasaping bansa laban sa mga sindikatong…
Read MoreATONG ANG WALANG RECORD SA IMMIGRATION NA NAKALABAS NA NG PH – DOJ
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na walang rekord ang Bureau of Immigration (BI) na nagpapatunay na nakalabas na ng bansa ang puganteng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Ito ang paglilinaw ni Justice Secretary Fredderick Vida kasunod ng pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakalabas na ng bansa ang negosyante sa pamamagitan ng backdoor. Gayunman, sinabi ni Vida na hindi nila kinukuwestiyon ang pahayag ng DILG at nakabatay lamang ang kanilang posisyon sa mga opisyal na rekord ng immigration. Ipinaliwanag ni Vida na posibleng makalabas…
Read More3 ARAW NA PIG HOLIDAY KASABAY NG MALAWAKANG PROTESTA NG 800 HOG RAISERS
ISANG mapayapang protesta ang isasagawa ng tinatayang 800 hog raisers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) ngayong Biyernes, Oktubre 23, 2026, upang igiit ang agarang aksyon ng pamahalaan sa patuloy na pagkalugi ng lokal na industriya ng pagbababuyan. Pangungunahan ni Agap Party-list Representative Nicanor Briones ang protesta, na inaasahang susuportahan din ng 15 departamento ng pamahalaan upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa nito. Ayon kay Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang pagkalugi ng mga lokal na hog raiser. Mula…
Read More4 NA LUGAR NASA SIGNAL NO. 1 SA PAGPASOK NG ST ROSAL
PINAIGTING ng Office of Civil Defense (OCD) at iba pang ahensya na kabilang sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal (international name: Champi), matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Nakataas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Northern at Southern Luzon, batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon sa weather forecast ng PAGASA na ibinahagi sa NDRRMC, nasa loob na ng PAR si…
Read MoreNASA 26,000 PULIS IDEDEPLOY SA NCR PARA SA UNDAS 2026
TINATAYANG 26,000 pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas 2026. Ayon kay Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, officer-in-charge ng NCRPO, bahagi ng paghahanda ang paglalagay ng mga pulis sa mga sementeryo, memorial park at columbarium sa buong rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita. Kasabay nito, pinaghahandaan na rin ng NCRPO ang ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na nakatakdang idaos sa Nobyembre 16 hanggang 18. Ayon kay Abrahano,…
Read MoreLIBRENG HMO COVERAGE SA MGA KAWANI NG GOBYERNO ISUSULONG NI VILLAR
ISINUSULONG ni Senator Mark Villar ang mandatoryong libreng Health Maintenance Organization (HMO) coverage para sa mga kawani ng pamahalaan upang mapalawak ang kanilang access sa serbisyong medikal at mabawasan ang gastusing pangkalusugan ng kanilang mga pamilya. Ayon kay Villar, nararapat lamang na matiyak ang kalusugan at kapakanan ng mga lingkod-bayan na katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyo sa publiko. “Ang ating mga kawani ng pamahalaan ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kaunlaran at paghahatid ng serbisyo publiko. Nararapat lamang na matiyak ang kanilang kalusugan at kapakanan, lalo na…
Read More