BINATA INUTAS SA COMPUTER SHOP

PATAY ang isang 27-anyos na binata makaraang undayan ng saksak ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Dayao St., Tondo, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dan Mark Caliweng, residente ng Barangay 128 sa Tondo. Hindi naman nakilala ang suspek na nakita sa CCTV habang tumatakas. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Boy Niño Baladjay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente. Iniulat ang insidente sa pulisya ni…

Read More

ALEGASYON NG KAMARA ITINANGGI NI VILLANUEVA

PINABULAANAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa isang privilege speech, ang mga alegasyon laban sa kanya ng ilang miyembro ng House of Representatives. Sinabi ni Villanueva na ang kaso laban sa kanya na iniharap ni House Committee on Appropriations Chair Rep. Zaldy Co, na tinukoy niya bilang “Dracula Contractor”, ay na-dismiss na. “Meron pong naninira, pilit na binabagsak, iniinsulto at inaalipusta ang mga miyembro ng Senado,” ayon pa sa Majority Leader. Kasabay nito ay nagpakita ng ebidensya si Villanueva sa umano’y mga kontrobersiya na kinasasangkutan naman ng Sunwest Corporation…

Read More

VOTER REGISTRATION PARA SA 2025 ELECTION UMARANGKADA NA

UMARANGKADA na ang pitong buwang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2025 pambansa at lokal na halalan. Sa unang araw ng voter registration nitong Pebrero 12, alas-4 pa lamang ng madaling araw ay pumila na ang ilang mga residente sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros . Nakatakda ring simulan ang Comelec’s Register Anywhere Program (RAP) sa Lunes, na nagpapahintulot sa karapat-dapat na mga Pilipino na magparehistro para bumoto sa itinalagang sites tulad ng mga mall at paaralan. Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na…

Read More

CIDG AT PHLPOST SANIB PWERSA KONTRA KRIMEN

KINILALA ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa pangunguna ni Postmaster General Luis Carlos ang mga miyembro ng Criminal Inspection and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud Unit sa kanilang tulong upang masakote ang mga ilegal na nagbebenta ng “Post Office Boxes” online. Ang nasabing unit ay pinamumunuan ni Police Colonel Bernard L. Lao, kasama sina Police Captain Victoria A. Mendoza, Police Executive Master Sergeant Joseph Arnie Y. Delos Santos, Police Senior Master Sergeant Rommel S. Habig, Police Staff Sergeant Joel T. Diones, Patrolman Debbie Jane G. Carino, Nina L. Mendoza, Ivy Jean…

Read More

TOSS COIN SA MGA TABLA SA ELEKSYON, MAHIHINTO NA

PINAAAMYENDAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang isang batas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na idaan sa toss coin kung sino ang mauupo sa dalawang kandidato na nakakuha ng parehong bilang ng boto sa eleksyon. Sa House Bill (HB) 9796 na inakda ni Cotabato Rep. Alana Samantha Taliño-Santos, nais nitong maamyendahan ang Batas Pambansa Blg. 881 kung saan pinapayagan na mag-toss coin ang mga kandidato tuwing may tie o tabla sa eleksyon. “It must be reiterated that elections are meant to be a fair and democratic process where the…

Read More

ACT-CIS SINAGOT BANAT NI SEN. VILLANUEVA SA MGA PARTY-LIST

SINAGOT na ng nangungunang party-list sa Kongreso ang pagmamaliit ni Senador Joel Villanueva kamakailan sa mga party-list. Sa panayam kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng isang radio station kamakailan, sinabi nito na nagulat siya sa tirada ng senador sa mga party-list. Ayon kay Cong. Tulfo, “nagulat lang ako at binanatan nya ang mga party-list dahil yung tatay niya na si Bro. Eddie Villanueva ay kasama namin sa party-list coalition”. “Parang minaliit nya ang lahat ng party-list kasama na yung party-list nila na Cibac at si Bro. Eddie na tatay nya…

Read More

PAGKALAS NG MINDANAO TANTANAN NA – SOLON

ISA pang lider mula sa Mindanao ang dumagdag sa mga nananawagan na itigil na ang unconstitutional na panukala na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at iginiit na nagkaroon at mayroong sapat na kinatawan ang rehiyon sa gobyerno gaya nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dating Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Vice President Sara Duterte at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri. Ipinaalala rin ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, miyembro ng House committees on Mindanao Affairs at on Muslim Affairs, na nagmula rin sa Mindanao sina dating…

Read More

BENEPISYO NG MIYEMBRO SA PHILHEALTH PALALAWAKIN

PUPULUNGIN ngayong Lunes ni House Speaker Martin Romualdez ang mga opisyal ng PhilHealth at Department of Health (DOH) para pag-usapan ang mga paraan kung papaano palawakin pa ang members benefits kabilang ang pagbayad sa mga doktor kapag private ang admission at hindi libre. Ayon kay Speaker Romualdez, “marami ang nagtatanong sa atin kung pwedeng dagdagan ang sasagutin ng PhilHealth sa billing at doctor’s fees kapag private ang kinuha na kwarto o sa pay ward”. Sa ngayon kasi, reklamo ng mga pasyente, halos 15 to 20 percent lang ang sinasagot ng…

Read More

RBH 6 DAPAT APRUBAHAN AGAD NG SENADO – SOLONS

MATAPOS putulin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pananahimik nito at suportahan ang panukala na amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon, nanawagan ang mga kongresista sa Senado na agad aprubahan ang Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6). Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez, malinaw ang sinabi ng Pangulo na ang sinusuportahan lamang nito ay ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon upang mas maging maluwag ito sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. “It is high time for the…

Read More