UMABOT sa 85 katao mula sa isang distressed vessel ang sinagip at pinakain ng mga tauhan ng Philippine Navy kasunod ng rescue operation sa gitna ng dagat sa Tawi-Tawi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Toribio Adaci Jr., nagsagawa ng rescue operation ang kanyang mga tauhan mula sa patrol craft BRP JOSE LOOR SR (PC390) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Naval Forces Western Mindanao, para hanapin at iligtas ang mga sakay ng isang motor boat. Ayon kay Commander Benjo…
Read MoreCategory: METRO
Express PadaLOVE ng PHLPost naghahatid ng kilig sa Araw ng mga Puso
MULA February 14-16, sorpresahin ang iyong minamahal at magpadala via “Express PadaLOVE” ngayong Valentine’s Day sa Metro Manila ng bulaklak, cards, stuffed toys, chocolates, cakes at iba pa sa pamamagitan ng “same day delivery” via Domestic Express Mail Service (DEMS) ng Philippine Postal Corporation (PHLPost). Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang kanilang Valentine’s day o Express PadaLOVE Booth sa Quezon City Central Post Office at Makati Central Post Office. Sa mga magde-date o magreregalo na magkasintahan o mag-asawa, maaaring dayuhin ang opisina ng PHLPost upang bumili ng mga bulaklak o…
Read MoreFDA, DOH BUKAS SA MEDICAL MARIJUANA
KAPWA pinapaboran ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) ang paggamit ng marijuana para sa panggagamot subalit kailangan na hindi makasasama sa taong gagamitan nito. ”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang,” pahayag ni FDA director general Dr. Samuel Zacate sa press briefing sa Malakanyang. ”My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice…
Read MoreROSAS, VIOLATION TICKETS SA ILLEGAL PARKING SA MAYNILA
KATUWANG ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), muling nagkasa ng operasyon ang MMDA sa lungsod ng Maynila nitong Valentine’s Day. Pinangunahan nina MMDA Asst. General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at MMDA Officer-in-Charge Gabriel Go ang nasabing operasyon. Target ng operasyon ang ilang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa gilid ng pangunahing mga kalsada at Mabuhay Lanes. Gayundin ang mga bahay at tindahan na sinakop na ang path walk at gilid ng kalsada. Partikular na ikinasa ang operasyon sa Brgy. 662, Zone 71, na una nang…
Read MorePosibleng nahahaluan ng droga BENTAHAN NG VAPE PINATITIGIL
PATULOY na tinututulan ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagbebenta ng vape dahil sa impormasyon na may halo umano itong ilegal na droga tulad ng marijuana at liquid shabu. Dahil dito, hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa vape regulators na sugpuin ang bentahan ng vape sa online shopping app dahil hindi nasusuri ang mga ito kung may halong ilegal na droga. “Some illegal substances like cannabis oil and liquid shabu were being used as additives to vaping juices; hence, the Vape Law required…
Read MoreKALAHATI NG MEDICAL BILL SASAGUTIN NA NG PHILHEALTH
SASAGUTIN na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kalahati ng hospitalization payment o billing ng mga miyembro nito at libre na ang diagnostic exam matapos itong imungkahi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanila kamakailan. Sa hearing ng Committee on Health, nabatid na pumayag ang mga opisyales ng PhilHealth sa naturang hiling ni Romualdez. Pag-aaralan na umano ng board ng PhilHealth ang mechanics ng bagong programa at kung kailan ito uumpisahan. “Umaasa ako na gagawin nila ito sa lalong madaling panahon dahil matagal na itong hiling ng mga…
Read MoreGUMMY CANDIES CON MARIJUANA NASABAT
UMABOT sa 10 pouches ng “gummy candies” na may sangkap na “cannabis”, ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark kasama ang nasa 40 gramo ng Kush marijuana, sa isang parcel mula sa New York, USA noong Chinese New Year. Idineklara umanong “sneakers” o mga sapatos ang laman ng parcel ngunit nang isailalim sa “x-ray scanning” at “K-9 sniffing”, nagkaroon ng indikasyon na may presensya ito ng ilegal na droga. Nang isailalim sa “physical examination” ang parcel, nadiskubre ang Kush marijuana at gummy candies.…
Read MoreREP. TULFO PINALAYA NG 5 ARAW ANG MGA PULIS NA NAKAKULONG SA KONGRESO
HINILING ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na pansamantalang palayain sa loob ng limang araw ang mga pulis na nauna nang na-contempt sa Kongreso dahil sa kanilang patuloy na pagsisinungaling sa pagdinig sa Kamara kaugnay ng pagdakip, pagkulong, pagnanakaw at pangingikil sa apat na Chinese nationals. Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety nitong Martes na pinamunuan ng chair na si Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, sinabi ni Rep. Tulfo ng ACT-CIS party-list na payagan makalaya sa loob ng limang araw ang walong pulis na…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ IPINASASAGOT X RAY, ULTRASOUND, MAMMOGRAM, IBA PANG EXAM SA PHILHEALTH
GUSTONG ipasagot ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga critical diagnostic exams gaya ng X-ray para sa lung cancer, mammography para sa breast cancer, ultrasound at pagbabakuna ng human papillomavirus (HPV) vaccine upang maiwasan ang cervical cancer, at iba pa. Kasabay nito, pinarerepaso ni Romualdez sa House committee on health ang charter ng PhilHealth upang mapaganda ang benepisyong kaloob nito sa mga miyembro. Sinabi ni Speaker Romualdez na ang PhilHealth ay dapat magtrabaho gaya ng isang Health Maintenance Organization (HMO) na…
Read More