3 REGIONAL WAGE BOARDS, WALA PANG ORDER SA TAAS-SAHOD NG KASAMBAHAY

TATLONG regional wage boards na lamang sa bansa ang hindi pa naglalabas ng mga utos sa pagtaas ng sahod para sa mga domestic worker (kasambahay), ayon sa isang labor official noong Martes. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, ito ay ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa Central Luzon, Central Visayas, at Davao Region. Ayon sa DOLE, nagkabisa noong Hunyo 2022 ang huling wage order na inilabas sa mga rehiyong ito. Kasabay nito, iniulat din ni Benavidez na 13 wage boards ang…

Read More

3 ARESTADO SA ATTEMPTED HOMICIDE SA TONDO

ARESTADO ang tatlong suspek sa kasong attempted homicide sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sa Perla St., Brgy. 68, Tondo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ronett “, “Jonalyn”, at “Karen”. Base sa ulat ni Police Captain Jayson Viola, hepe ng Intelligence and Warrant Section, magkakasunod na nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Karla Funtila Abugan, ng Regional Trial Court Branch…

Read More

MATAAS NA RATING MAGTUTULAK SA KAMARA PARA LALONG MAGSIPAG – SPEAKER ROMUALDEZ

NAGPASALAMAT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino sa mataas na trust at performance rating na nakuha nito sa fourth quarter survey ng OCTA Research. Ayon kay Speaker Romualdez, ang rating nito ay magtutulak sa Kamara de Representantes upang mas lalo pang magsipag sa pagtalakay at pag-apruba ng mga panukalang batas na makapagpapabuti sa estado ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, nakakuha si Speaker Romualdez ng 64 porsyentong trust rating, tumaas ng 4 porsyento kumpara sa nakuha nitong 60 porsyento…

Read More

AFP MAKIKIPAGTULUNGAN SA PDEA SA 3 SUNDALONG NAHULI SA BUY-BUST

TINIYAK ng liderato ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kukunsintihin ang tatlong sundalong nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency kamakailan sa Bamban, Tarlac. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, makikipagtulungan ang hukbong sandatahan sa PDEA para matiyak na magkakaroon ng “thorough and transparent investigation” sa pagkakadakip sa tatlong tauhan ng Philippine Army “Any involvement in illegal activities by members of the AFP is contrary to the principles of service and appropriate measures will be…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA BASECO

ARESTADO ang isang 44-anyos na suspek sa panggagahasa nang matunton ito sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Victorino”, may asawa, ng naturang lugar. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng hapon nang damputin ang suspek dahil sa kasong panggagahasa noong Agosto 14, 2014 Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega ng Intelligence and Warrant Section, sa bisa ng warrant…

Read More

1,400 POLICE PERSONNEL IDEDEPLOY SA CHINESE NEW YEAR – PNP

MAGDEDEPLOY ang Philippine National Police (PNP) ng aabot sa 1,457 na mga pulis kasabay ng pagdiriwang ng Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon. Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., layon nitong matiyak ang seguridad ng Filipino-Chinese Community kaugnay sa selebrasyon ng Chinese New Year. Pahayag pa ng heneral, partikular na tututukan ang Chinatown na nasa Binondo, Lungsod ng Maynila. Nabatid na bukod sa Lunar New Year ay ipinagdiriwang din ng Filipino-Chinese Community ang ika-430 anibersaryo ng pagkakatatag ng pinakamatanda at pinakamalaking Chinatown…

Read More

BATASAN BOBOMBAHIN?

HINIGPITAN ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex matapos umanong makatanggap ng bomb threats ang ilang mambabatas at staff ng mga ito. Sa ambush interview kay House Secretary General Reginald Velasco, asahan aniya na muling magpapatupad ng ‘heightened security measures” dahil sa banta na natatanggap ng mga kongresista na hindi na niya pinangalanan. “There have been threats being received by members. Members of Congress, by employees, by staff, from groups,” matapos maglabas ito ng memo ukol sa pagpapatupad ng mas mahigit na security measures sa loob at…

Read More

2 PUGANTENG DAYUHAN TIMBOG SA NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang puganteng dayuhan bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa. Kinilala ang mga suspek na sina Zhao Yaxin, 33, Chinese national, at Badr Ettachi, 32, Moroccan national, kapwa na-intercept ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa magkahiwalay na insidente sa NAIA. Ayon sa report, si Zhao ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong Enero 27 bago siya makapag-board sa kanyang out-bound flight papuntang Guangzhou, China, habang si Ettachi ay nahuli kinabukasan…

Read More

PHIL. NAVY PINAKILOS NA PARA MAGHATID NG TULONG SA DAVAO REGION

BUNSOD ng patuloy na nararanasang mga pag-ulan na nagdudulot ng malawakang pagbaha, pinakilos na rin ng Philippine Navy ang kanilang mga tauhan para maghatid ng ayuda sa malalayong lugar na hirap marating ‘by land’. Sa ulat na ipinarating kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., naghatid na ng tulong ang Naval Forces Eastern Mindanao sa pamamagitan ng kanilang BRP Tagbanua para sa mga kababayang naapektuhan ng pagbaha sa Davao Oriental. Kabuuang 19,170 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI, ang…

Read More