PATAY ang isang 38-anyos na babae nang saksakin ng kanyang kapitbahay nitong Lunes ng madaling araw sa Barangay 64, Baseco Compound, Port Area, Manila. Namatay noon din ang biktimang si Junifer Sen Buenaventura, ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si James Banesio, 22, kapitbahay ng biktima. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Mabilis na nakatakas ang suspek makaraang pananaksak sa biktima. (RENE CRISOSTOMO) 452
Read MoreCategory: METRO
113 SUCs MAY BUDGET NGAYONG 2024
NAGPASALAMAT ang organisasyon ng 113 state universities and colleges (SUC) kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa inilaang P128.1 bilyong budget sa kanila ngayong 2024, mas mataas ng P27.3 bilyon kumpara sa kanilang panukalang budget. “I would like to express our deepest gratitude once again for your crucial role in securing additional funding support for SUCs in the 2024 General Appropriation Act,” ani Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC). Sa dalawang pahinang sulat na may petsang Enero 10 na ipinadala sa tanggapan ni…
Read MoreTumalima sa panawagang “ceasefire” SENADO PINAALALAHANAN SA ITINAKDANG PALUGIT NA PAGTIBAYIN ANG RBH6 SA MARSO
PINAALALAHANAN ni House Majority Leader at Zamboanga CIty Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang Senado hinggil sa self-imposed deadline para pagtibayin ang panukalang amyenda sa “restrictive” economic provisions ng Konstitusyon. Kasunod ito ng nakatakdang pagdinig ng special Senate subcommittee patungkol sa Resolution of Both Houses No. 6, o, “A Resolution of Both Houses of Congress proposing amendments to certain provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, particularly on Articles Xll, XlV and XVl.” Ang RBH6 ay inakda nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at…
Read MoreLOYALTY CHECK SA DAVAO REGION ITINANGGI NG AFP
ITINANGGI ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng loyalty check ang pinuno ng sandatahang lakas sa Davao region, ang lugar na pinaniniwalaang balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na nagtungo lamang sa Davao si AFP chief of Staff General Romeo Brawner para personal na silipin ang kondisyon ng nagpapatuloy na HADR operations at peace and security campaigns sa rehiyon. Kahapon ay binisita ni Brawner ang mga tropa ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao. Ayon kay…
Read MorePAMAMAHAGI NG LUPANG SAKAHAN SINABOTAHE – FFF
MANANATILING mailap ang pinapangarap na lupain kung patuloy na ipagkakait ng mga nakaupo sa gobyerno ang pamamahagi sa mga lupa batay sa Republic Act 6657 (Comprehensive Agrarian Reform Law). Sa kalatas, hinimok ni Federation of Free Farmers (FFF) chairman Leonardo Montemayor na ipatupad ang alituntunin sa reporma sa agraryo sa pampublikong lupain at ipamahagi ang patas na distribusyon ng lupang sinasaka. Ayon kay Montemayor, may ilang ahensya ng gobyerno ang hayagang tumataliwas sa Executive Order No. 75 na nilagdaan ng nagdaang Pangulo ng bansa sa hangaring palakasin ang produksyon ng…
Read MoreDUTERTE, ALVAREZ PWEDENG KASUHAN NG SEDITION—CAMIGUIN GOV, CONG
MARIING tinutulan ni Camiguin Governor Xavier Jesus “XJ” Romualdo at amang si Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo ang panukalang paghihiwalay ng Mindanao mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas. Kasabay nito, binantaan nila sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na maaari silang papanagutin sa kasong sedition dahil sa kanilang mga panawagan na ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas. Ayon sa mga Romualdo, ang panukala at mga pahayag nina Duterte at Alvarez ay malinaw na sedisyon, at labag sa 1987 Konstitusyon. Binigyang-diin ng mag-ama na ang Saligang-Batas…
Read More“TOP GOV’T OFFICIALS UMISKOR SA RPMD’S ANNUAL REVIEW”
INILABAS ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng “Boses ng Bayan” Annual Performance Report 2023 na nagbigay ng malalim na pagsusuri sa mga pangunahing lider ng bansa na sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez. Ang independent at non-commissioned survey ay tumutok sa pangkalahatang persepsyon ng publiko sa indibidwal at kolektibong pagganap ng mga opisyal, kabilang ang kanilang kahusayan sa pamamahala ng bansa, pagpapatupad ng mga patakaran, at pagtupad sa kanilang mga tungkulin. Sa gabay ni…
Read MoreDAVAO SOLONS NAGPASALAMAT SA BAGONG PILIPINAS SA MABILIS NA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAHA
NAGPASALAMAT ang mga kongresista mula sa Davao Region sa tulong na ipinaabot nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga biktima ng pagbaha sa naturang rehiyon. Ang pinakahuling tulong na ipinarating ng mga ito sa mga biktima ay ang 51,000 food packs at pag-endorse sa P150 milyong cash assistance. Ayon sa mga kongresista, ang pagtulong sa mga biktima ay nagbibigay ng konteksto sa kung ano ang Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos, na nakatuon sa isang all-inclusive plan para sa economic at social transformation…
Read MoreLAKAS-CMD LUMAGDA SA MANIFESTO PARA SUPORTAHAN SI SPEAKER ROMUALDEZ SA MGA AKUSASYON SA PEOPLE’S INITIATIVE
MULING ipinakita ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang pagkakaisa at paninindigan na protektahan ang katotohanan nang lumagda sa isang manifesto ang mga miyembro ng partido para ihayag ang suporta kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay sa isyu ng people’s initiative. Ang naturang manifesto ay binuo at nilagdaan ng mga miyembro upang itaguyod ang prinsipyo ng demokrasya. “We, the members of the Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) in the House of Representatives, stand united in our resolve to defend the integrity of our esteemed Speaker, the Honorable Martin Romualdez, against the…
Read More