SWAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District- Raxabago Police Station sa panulukan ng Herbosa at Lacson Streets, Tondo, Manila. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas kay MPD Director, Police Colonel Arnold Thomas Ibay, bandang alas-1:30 ng madaling araw, nagkasa ang mga tauhan ng SDEU ng buy-bust operation sa Barangay 109 sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga.…
Read MoreCategory: METRO
PULIS NA INALIS SA PWESTO DAHIL SA KAMAG-ANAK NA KANDIDATO, LUMOBO PA
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pulis na inilipat ng pwesto dahil sa pagkakaroon ng mga kamag-anak na kandidato, sampung araw bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30. Sa datos ng Philippine National Police, mula sa 2,800 umakyat pa ito ngayon sa 2,956. Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, binase nila ang kanilang talaan sa isinagawang survey sa kanilang mga tauhan at dito lumabas ang pangalan ng 2,956 na mga pulis na may mga kaanak na tumatakbo sa…
Read MoreVote buying binabantayan BSKE CAMPAIGN UMARANGKADA
NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga botante na ibasura at huwag tangkilikin ang vote buying para protektahan ang pagkasagrado ng electoral process. “That’s why I call on everyone: let’s work together to protect our electoral process against those who commit vote buying and vote selling. Wakasan natin ang kanser ng lipunan na ito!” ayon kay Abalos sa isang kalatas. Opisyal na kasing nagsimula ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 19 ang campaign period para sa Oct. 30 Barangay and Sangguniang Kabataan…
Read MoreDQ AT VOTE BUYING REKLAMO SA KANDIDATONG KAPITAN AT MGA KAGAWAD NG BRGY. SAN BARTOLOME, QUEZON CITY.
SINAMPAHAN ng disqualification case at vote buying sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila ang tumatakbong Punong Barangay ng Barangay San Bartolome na si Rizza Ramos Pascual at mga tumatakbong Kagawad na sina Dong Pascual, Gabby delos Santos, Roberto Cayanan, Jeffrey Cypress, Glenn Dela Cruz, at Angel Jun Perez. Sa sinumpaang salaysay ni Marilen Capiral, naghain ang mga nasabing kandidato ng kanilang certificate of candidacy noong September 2, 2023 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election. Subalit noong September 9, 2023 ay nakunan pa raw nila ng litrato ang mga…
Read MorePBBM NAGPALIT NG PSG COMMANDER
NAGPALIT ng Presidential Security Group commander si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng isang simpleng ‘change of command ceremony’ sa PSG compound sa Malacañang ground. Bukod sa Presidential Security Group, pinalitan din ni PBBM ang pinuno ng AFP-Western Mindanao Command kahapon. Habang ilang senior officers ng Armed Forces of the Philippines ang inaasahang manunungkulan sa kani-kanilang mga bagong posisyon kasunod ng inaprubahang ‘order of appointments’ ni Pangulong Marcos. Ang responsibilidad na protektahan ang Pangulo at ang First Family, maging ang visiting heads of states and diplomats, ay inatang kay…
Read MoreKAMARA PINAKIKILOS SA ICC CASE VS DU30
ISANG resolusyon ang inihain kahapon para atasan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa ‘crime against humanity’ laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ng Makabayan bloc congressmen ang nasabing hakbang matapos aminin ni Duterte na ginamit nito ang kanyang intelligence funds para sa pagpatay sa Davao City noong mayor pa ito ng nasabing lungsod. “With former Pres. Rodrigo Duterte’s televised admission of ordering extrajudicial killings and financing them with his confidential…
Read MoreDIGONG SINUMBATAN NG KAMARA
“CONGRESSMEN saved the day for then President Rodrigo Roa Duterte when the COVID-19 crisis erupted in 2020”. Ito ang tila panunumbat ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe kay Duterte matapos siraan at batikusin ng dating Pangulo ang Kamara kasunod ng pagtanggal sa confidential funds ng kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. “Marami sa amin ngayon sa 19th Congress, nanilbihan din noong 18th Congress, noong pangulo pa si President Duterte. At alam niya ang ginawa namin, sinuportahan namin…
Read MoreAyuda ni Cong. Nograles tuloy-tuloy WALANG UUWING LUHAAN SA MONTALBAN
NAIS masiguro ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles na maabot ang bawat mamamayan ng Montalban ng nararapat na serbisyo publiko kaya patuloy ang kanyang inisyatiba katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” na programa ng mambabatas kabahagi ang DSWD ay naipagkaloob na sa mahigit 1,000 kapus-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan. Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagkakaloob niya ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance sa mga residente…
Read More4 PNP SENIOR OFFICERS BINALASA
APAT na senior police officers ang naapektuhan sa ipinatupad na reshuffle ng Philippine National Police. Sa panibagong rigodon na pirmado ni Police Major General Robert Rodriguez, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management, epektibo kahapon, Oktubre 17, 2023, ipinatupad ang mga bagong unit assignment. Inalis bilang hepe ng Manila Police District (MPD) si P/BGen. Andre Dizon at itinalaga siya bilang acting Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service. Habang si P/Col. Arnold Ibay na mula sa Office of the Chief PNP, ay itinalagang hepe ng MPD. Acting Deputy…
Read More