KAMARA SINUGOD NG ANTI-CHA-CHA GROUP

SUMUGOD sa Batasan Pambansa Complex ang mga raliyesta na kontra sa Charter change (Cha-cha) at iginiit na hindi ito ang kailangan ng sambayanang Pilipino kundi kabuhayan, lupa, karapatan at kasarinlan. Kahapon ay balik na ang sesyon ng Kongreso matapos ang mahigit isang buwang Christmas vacation at isa sa inaasahang pagkaabalahan ng mga ito ay ang pag-amyenda sa 1987 Constitution. Kabilang sa mga dumalo sa kilos protesta ang grupong Amihan na nagsabing hindi sagot ang Cha-cha sa matagal na panawagan resolbahin ang patong-patong na problema laluna ang usapin ng kawalang lupa,…

Read More

CHED COMMISSIONER 90-DAY SUSPENDIDO

INANUNSYO ng Commission on Higher Education (CHED) ang 90-day suspension ni Commissioner Aldrin Darilag dahil sa di umano’y “grave misconduct, neglect in the performance of duty, at abuse of authority.” Winika ng CHED, ipinalabas ng Office of the President (OP) ang suspension order kay Darilag bilang presidential appointee. Inatasan ng OP ang CHED na magsagawa ng fact-finding investigation para tiyakin kung ang formal charges ay dapat na isampa laban kay Darilag. “This preventive suspension is imposed so that Commissioner Darilag cannot use his office and position to influence the investigation…

Read More

PINAS TOP RICE IMPORTER PA RIN SA MUNDO – USDA

MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo. Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA). Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon. Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq. Sinasabi pa rin sa ulat na nakikitang tataas naman ang rice imports ngayong taon ng mga bansang gaya ng Afghanistan, Angola, Bangladesh, China, Democratic Republic of the Congo, Cuba, Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya,…

Read More

COOK TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

ISINELDA ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, ang isang 31-anyos na head cook dahil sa kasong alarm and scandal, at nakumpiskahan pa ng isang sachet ng marijuana sa Barangay 755, Malate, Manila noong Linggo ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Oms”, ng Angeles City, Pampanga. Base sa ulat ni Police Captain Josephuz Melpaz, hepe ng Arellano Police Community Precinct, bandang alas-10:10 ng umaga nang makatanggap ng report ang PCP hinggil sa umano’y pagwawala ng suspek. Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at…

Read More

CONGRESSTV UMERE NA

PORMAL nang inilunsad kahapon ng Kamara de Representantes, sa pangunguna mismo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang CongressTV, na isang pioneering initiative at patunay sa pagnanais ng mga mambabatas na magkaroon ng transparency at makapagsilbi ng mahusay sa mamamayan. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Romualdez na makasaysayan ang naturang launching ng CongressTV para sa demokrasya at governance ng bansa. Ayon kay Romualdez, “In an age where information is both a tool and a weapon, the onus is on us, the elected representatives of the people, to ensure that the…

Read More

KARAMPOT NA GROCERY DISCOUNT SA SENIORS INSULTO – TULFO

INSULTO para kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang katiting na diskwento sa grocery items at pagbitbit ng purchase booklet ng mga senior citizen. Sa isang local radio interview sinabi ng mambabatas, ” P65 lang ang maaaring makuhang discount ng mga senior kahit magkano pa ang total grocery bill nila”. “Para namang binigyan mo lang ng limos sina lolo or lola nyan…malaking insulto!,” ayon pa sa House Deputy Majority Floor leader. Hindi rin natutuwa ang mambabatas na kailangan pang palaging dalhin ng mga senior ang kanilang issued purchase o discount booklet…

Read More

STEWARDSHIP NG MARIKINA WATERSHED, HIRIT SA DENR

BAKIT sa isang construction company ipagkakatiwala ang pangangalaga ng kabundukan, samantalang pwede naman sa mga katutubong umaasa sa kagubatan para sa kanilang kabuhayan? Sa isang panayam kay Enrico Vertudez na tumatayong chairman ng Kaksaan Ne Dumaguet De Antipolo, mas angkop na kilalanin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang karapatan ng pitong tribong Dumagat Remontado sa Upper Marikina River Protected Landscape (UMRPL) na bumabaybay sa mga bayan ng Baras, Tanay at Antipolo. “Kung meron may malasakit dito sa kabundukan, kaming mga katutubo iyon kasi dito na kami namulat…

Read More

ROMUALDEZ: MARCOS ADMIN TAGUMPAY SA WEF

DAGDAG na pamumuhunan at mapapasukang trabaho ang layunin ng pagpunta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng kanyang delegasyon sa 2024 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Matagumpay na ipinakita ni Speaker Romualdez sa foreign investors na dumalo sa WEF kung bakit sa Pilipinas sila dapat mamuhunan. Sinabi ni Speaker Romualdez sa foreign investors na ngayon ang tamang panahon upang maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas at ibinida rin nito ang bagong tayong Maharlika Investment Fund (MIF) na siyang…

Read More

IMBESTIGASYON NG ICC HINDI HAHARANGIN

HINDI haharangin ng Department of Justice (DoJ) ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte kung pagkuha ng ebidensya at testimonya ang kanilang pakay. Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, mahalaga na nasusunod ang legal na proseso at walang ilegal na ginagawa ang mga ICC prober. “We’re not here to stop them because if they’re not doing anything illegal, there’s nothing wrong with that,” ani Remulla sa panayam ng international news agency. “If they’re getting statements, they’re getting evidence.…

Read More