SINIGURO ng pamahalaan ang hustisya sa tatlong mangingisda na namatay matapos banggain ng commercial vessel ang kanilang fishing boat sa karagatang sakop ng bayan ng Infanta, Pangasinan. Pawang mula sa Zambales ang mga nasawi na sina Boat Captain Dexter Laudensia, 47; Romeo Mejico, 38, at Benedict Uladanorio, 62. Nakaligtas naman sina Johnny Manlolo, Estelito Sumayang, Mario An, Mandy An, Michael An, Gino Arpon, John Michael Nogas, Noriel Tolores, William Asontista, Darwin Mejia at Reymark Bautista, pawang crew ng fishing boat. Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente na…
Read MoreCategory: METRO
MAG-AMANG CHINOY HULI SA P3.4-M SHABU
TINATAYANG kalahating kilo ng umano’y shabu na may street value na P3.4 milyon, ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mag-amang Chinoy sa isinagawang anti-narcotics operation sa Malolos City sa Bulacan. Ayon sa ulat na natanggap ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo mula sa PDEA Regional Office 3, isang Chinese national kasama ang kanyang anak na Pilipino, ang nakumpiskahan ng tinatayang kalahating kilo ng shabu. Kasunod ito ng inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba sa Pleasant Village, Barangay San Pablo noong Martes…
Read More3 TULAK NG SOLVENT NASUKOL
MAKARAAN ang maigsing habulan, nasukol ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang tatlo katao na umano’y nagbebenta ng solvent sa mga kabataan sa area ng Divisoria, Ermita, Quiapo at Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat, makaraan ang natanggap na tawag sa 911, nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, at nadakip ang mga suspek na sina Adrian Lopez, 32; Alvin Dela Cruz, 35, at Joanne Ramos, 36-anyos. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng umaga,…
Read MoreKARAHASAN SA MGA MANGINGISDA SA WPS TUTULDUKAN NG LIDERATO NG KAMARA
AGAD nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pamilya ng tatlong mangingisda na namatay sa Bajo de Masinloc sa Zambales noong Lunes ng gabi matapos sagasaan ng isang oil tanker ang kanilang bangkang pangisda. Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Romualdez na, “Sobra na. This has to end, ang pinaggagawa sa mga fisherman natin diyan sa lugar.” “Hindi natin hahayaan na lang na masayang ang buhay ng mga mangingisda natin na hindi natin alam sa ngayon kung sino ang nakapatay sa kanila,” galit na pahayag ng lider…
Read MoreKita sa shabu sa Subic gamit sa BSK election? NARCO POLITICIAN NAG-LIE LOW NOON NAGBALIK NGAYON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATAPOS ‘magpalamig’ noong administrasyong Duterte, nagbalik sa sirkulasyon ang isa umanong narco politician na ngayon ay isinasangkot sa pagpupuslit ng P3.6 billion shabu na nasamsam sa Mexico, Pampanga kamakailan. Ang naturang politiko ay nakabilang umano sa narco-list ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, lumutang na maging halalang pambarangay at sangguniang kabataan ay pinopondohan na rin ng sindikato sa droga na nag-o-operate sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Nabunyag din na ilang kandidato sa pagkabarangay at SK ang nagmamaktol umano ngayon dahil wala pa ang hinihintay…
Read MorePAMUMUHAY NG MGA PINOY MAPAPABUTI SA TPB LAW – NOGRALES
NAGPASALAMAT ang chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Miyerkoles matapos na lagdaan nito ang Trabaho Para sa Bayan Act para tuluyan na itong maging batas. “We thank Pres. Ferdinand Marcos, Jr. for signing the Trabaho Para sa Bayan Act. This is a necessary measure that will provide more jobs to Filipinos,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, na sponsor ng panukalang batas sa Lower House. “Through this law we hope to improve the employability of Filipino workers through various…
Read More3 LAGLAG SA DRUG DEN RAID SA MANDALUYONG
TATLONG drug personalities ang nadakip sa isinagawang paglalansag sa isang drug den sa Mandaluyong City ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA-NCR Eastern District ang isang drug den sa Brgy. Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong matapos na magpositibo ang kanilang intelligence gathering sa lugar. Bukod sa dismantling operation ay nadakip din sina Lucita Dizon, alyas “Lucy”, umano’y drug den maintainer; Jerry Canonigo at Maricris Gonzales alyas “Marci”.…
Read MoreCONGRESSMAN HAGEDORN PUMANAW NA
PUMANAW na kahapon ng umaga si Palawan 3rd District Rep. Edward Solon Hagedorn sa edad na 76. “With heavy hearts, we inform you of the passing of a beloved friend, brother, husband, father, and public servant, Edward Solon Hagedorn. Our dear Congressman died peacefully on October 3rd, 2023, after 76 years of shining his light into the world,” ayon sa post sa official Facebook account ng mambabatas. Ayon sa staff ng mambabatas na si Janica Lim, nasa Puerto Princesa, Palawan si Hagedorn nang pumanaw subalit hindi idinetalye ang dahilan ng…
Read MorePOLITIKO SA NARCO-LIST NI DU30 SABIT SA P3.6-B SHABU SA SUBIC?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITINUTURO ngayon ang isa sa mga politikong nakasama sa tinaguriang narco-list ng nakaraang administrasyon sa nasakoteng 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang warehouse sa Pampanga noong nagdaang Miyerkoles. Ito ang umugong na balita sa loob at labas ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Diumano, buhay na naman ang operasyon ng naturang politiko sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot na naapektuhan noong pangalanan siya ni dating Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte na kabilang sa narco-list. Ayon sa report, ang pagkakarekober sa 530 kilos…
Read More