SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang malaking gun store sa Marikina City nitong nakalipas na linggo na sinasabing nagbebenta ng undocumented firearms sa online. Sa bisa ng dalawang search warrant ay sinalakay ng mga awtoridad ang tindahan na umano’y talamak ang bentahan ng hindi dokumentadong mga baril, na ang ilang hinihinalang mga parokyano ay mga pulitiko, artista at mga tauhan ng pamahalaan. Matapos ang regular Monday flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, iprinisenta ni PNP chief,…
Read MoreCategory: METRO
TULONG PINANSYA SA TODA, MGA ESTUDYANTE HATID NI SEN. IMEE AT DSWD
SA unang araw ng trabaho ngayong Oktubre, bumisita si Senadora Imee R. Marcos sa San Juan City para magbigay ng financial assistance sa isang libo at limang daang (1,500) miyembro ng TODA. Kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ang senador ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na tig-P3,000 tulong pinansyal sa mga kasapi ng TODA. Kasunod nito, nagtungo si Marcos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City para magbigay rin ng financial assistance sa dalawang libong estudyante. Sampung milyong halaga ng ayuda…
Read More‘RAI’, AI MODERATOR NG RAPPLER
MANILA, Philippines – Paano ba dapat gamitin ang artificial intelligence o AI? Kung may idea ka, maaari mong ibahagi ito kay “Rai,” ang AI moderator na nilikha ng Philippine news site na Rappler. Si Rai ang nagtatrapik ng usapan sa loob ng aiDialogue, ang chat room na ipinakilala ng Rappler nitong Setyembre 16 sa mga lider mula sa sektor ng teknolohiya, gobyerno, negosyo, at civil society na dumalo sa 2023 Manila Social Good Summit sa Taguig City. Ang misyon ng aiDialogue: mangalap ng mga idea at suhestiyon kung paano haharapin…
Read MoreTULAK, KASABWAT LAGLAG SA BUY-BUST
UMABOT sa halagang P408,000 ang nakumpiskang umano’y shabu ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, sa inilatag na buy-bust operation sa target na umano’y tulak ng droga, at kasabwat nito sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Loyola Street, Barangay 390, Quiapo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang umano’y tulak na si Brando Martinez, alyas “Pandoy”, jobless, ng Barangay 118, Tondo, Manila. Binitbit din ng mga awtoridad ang umano’y kasabwat nito na si alyas “William”, 56-anyos. Base sa…
Read MoreKahirapan nagtulak sa mga miyembro na umanib ‘KULTO’ NI SENIOR AGILA BUBUSISIIN NG KAMARA
KAHIRAPAN, kawalang ng oportunidad at suporta ng gobyerno ang dahilan kung bakit marami ang naeengganyo na sumali sa mga kulto, tulad ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Socorro, Surigao del Norte. Bunsod nito, naghain si House Committee on Human Rights chairman, Rep. Bienvenido Abante Jr., ng resolusyon para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa SBSI dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng organisasyon sa kanilang mga miyembro. “Out of desperation and lack of meaningful support amid crisis, many families are driven into false promises and are unable to…
Read More‘RICE AND CASH’ AYUDA IPAMAMAHAGI NG DSWD AT KAMARA
PARA agad matugunan ang problema ng mahihirap sa buong bansa dahil sa mahal na presyo ng bigas at iba pang mga bilihin, mamimigay ng cash ayuda ang Kongreso at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga darating na araw. Magsisimula sa Metro Manila ang tinaguriang “Malaya Rice Project” sa susunod na linggo na aabot sa higit 3 milyong indibidwal sa buong bansa ang inaasahang makakatanggap ng ayuda mula sa sektor ng mahihirap, senior citizen, person with disability, single parent, at indigenous person. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin…
Read MoreBALLOT PRINTING PARA SA BSKE TINAPOS NA
WALA nang dapat na alalahanin ang mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan election dahil natapos na ang pag-imprenta ng official ballots, ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco. Aniya ang naka-livestream na lang ay ang patuloy na cutting and sheeting at inspeksyon sa mga balota. Ang nasabing batch accounts ay para sa official ballots na kailangan sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City District 6 na may 60,766 na botante; kasama ang Barangay Paliparan III, at Barangay Zone II sa Dasmariñas City, Cavite, na may 51,435 at 1,475 na…
Read MoreFEU NABULABOG SA BOMB THREAT
NAGKAROON ng tensyon sa mga estudyante ng Far Eastern University ( FEU) makaraang makatanggap ng “bomb threat” noong Miyerkoles ng hapon sa Art Building ng unibersidad sa Claro M. Recto Avenue, Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat ng District Explosive Canine Unit (DECU) ng Manila Police District, bandang alas-3:05 ng hapon nang makipag-ugnayan sa kanilang opisina ang mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct hinggil sa tawag na may “bomba” sa loob ng Art Building ng unibersidad. Dahil dito, pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Edward Raguindin ng…
Read MoreOFWs EXEMPTED NA SA PAGHAHAIN NG ITR
NABAWASAN na ang alalahanin at pasanin ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil hindi na oobligahin ang mga ito na maghain ng kanilang Income Tax Return (ITR). Ito ang isa sa mga nilalaman ng Ease of Paying Taxes Bill na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at niratipikahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso noong Miyerkoles ng gabi. “This will bring significant relief to our Filipino migrant workers. This bill, once enacted into law, will exempt Filipino migrant workers from the obligation of filing income tax returns, marking a significant step towards easing…
Read More