“ANG corruption po ay hindi titigil sa ating bansa. Not during our lifetime.” Ito ang inamin ni Ombudsman Samuel Martires sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, hinggil sa budget ng kanyang tanggapan sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.050 billion. Ayon sa dating Associate Justice ng Korte Suprema, hangga’t hindi binabago ng mga Pilipino ang kanilang sarili at ugali ay hindi malalabanan ang katiwalian sa gobyerno lalo na’t ang anti-corruption laws sa bansa ay post factum o after the fact lamang. “Kailangan po natin ng…
Read MoreCategory: METRO
Anak ayaw ibigay ng dating misis LALAKI TUMALON MULA SA 13TH FLOOR NG CONDO
PATAY ang isang lalaki makaraang tumalon mula sa ika-13 palapag ng isang condominium sa Earnshaw Street, Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon. Nagkabali-bali ang mga braso at nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang tinatayang 25 hanggang 30-anyos. Napag-alaman, nakatanggap ng ulat si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, mula sa mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct, hinggil sa tawag ng isang security guard na may tumalon mula sa ika-13 palapag ng Leashaw Lucky Dormitory…
Read MoreOFW WELFARE KASAMANG NATALAKAY SA ASEAN
BUKOD sa usaping pagtutulungan sa agrikultura, pagmamanupaktura, at mga serbisyo ng mga kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), natalakay rin ang hinggil sa overseas Filipino workers (OFW) sa sideline meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sumentro ang pagtalakay sa kapakanan at seguridad ng mga OFW sa iba’t ibang bansa sa ASEAN at sa labas nito. Si Romualdez ay bahagi ng contingent ni Marcos Jr. na dumalo sa ASEAN Summit sa Indonesia noong nakaraang Linggo. “The welfare of our OFWs is…
Read MorePRESYO NG VIETNAM RICE EXPORT PINABAGSAK NG EO 39
MATAPOS ipag-utos ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa bansa noong nakaraang linggo ay bumagsak na rin ang presyo ng Vietnam Rice exports. Batay sa report ng pahayagang Vietnam Express, nabatid na ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng bigas sa Vietnam ay ang pagkansela ng mga Philippine Rice Importers at traders ng tone-toneladang rice imports. Ayon umano sa isang exporter mula An Giang Province, umaabot sa 40% ng kanilang kostumer mula sa Pilipinas ang nagkansela na ng kanilang mga order. Dahil dito,…
Read MoreWAG GAMITIN SA PULITIKA TULONG NG GOBYERNO – TINGOG
NAIS maparusahan ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang kapitan ng barangay sa Catubig, Northern Samar na viral ngayon sa social media matapos mahuli sa video na pinupunit ang certificate of indigency sa harapan ng nanay ng dalawang estudyante. Nabatid na magpapapirma sana ng certificate of indigency para makakuha ng tulong pinansyal sa Tingog party-list ang nanay ng dalawang estudyante sa kapitan ng barangay na si Carlo Robes, ng Barangay 5, Poblacion, Catubig, Northern Samar, pero sa halip na pirmahan ay pinunit niya ito dahil iba umano ang sinuportahan…
Read More8 ERICSSON TELECOMS PH EXECS INIREKLAMO NG SUBCOM
INIREKLAMO ang walong opisyales ng Ericsson Telecommunications Ph ng isang Pinoy na kontratistang pinasahan ng kontrata kaugnay ng mga proyektong nasungkit mula sa Smart Telecommunications ngunit hindi umano nila binayaran. Sa 34-pahinang dokumentong nakalap mula sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ), sinampahan ng kasong estafa ang walong opisyales – kabilang ang limang Pilipinong nagtatrabaho sa sangay ng nasabing kumpanya sa Bonifacio Global City sa Taguig City. Nag-ugat ang paghahain ng kasong kriminal matapos tumanggi ang Ericsson Telecommunications Ph na bayaran ang isang maliit na lokal na kumpanyang kinuhang subcon…
Read MoreKADIWA POP UP STORE INILUNSAD SA NBP
BILANG tulong sa hakbang ng gobyerno na magbigay sa publiko ng mga pangunahing produkto na abot-kaya sa bulsa, inilunsad ngayong Biyernes,Setyembre 8 ng Bureau of Corrections (BuCor) sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA) ang kanyang KADIWA POP UP STORE sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservations sa Muntinlupa City. Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na araw-araw nang mabibili sa KADIWA store ang mga sariwang gulay, prutas, itlog, asukal, isda, bigas at iba pang produkto. Aniya, simula pa lamang ito ng KADIWA store at…
Read MoreILEGAL NA ONLINE SABONG SA 3 LALAWIGAN TULOY SA PAMAMAYAGPAG
HINDI nagpapatinag ang ilegal na pasugalan sa tatlong lalawigan sa bansa kaya patuloy ito sa pamamayagpag. Ayon sa nakalap na impormasyon, ang DSC Online Sabong, na pagmamay-ari ng isang nagngangalang Bryan, Toks, isang mataas na opisyal ng pulisya at isang mambabatas na kilala sa pangalang Cong. M. ang siyang nagpapatakbo ng ilegal na Online Sabong sa iba’t ibang lalawigan partikular sa Bulacan, Batangas at Laguna. Hindi umano natitinag ang mga nabanggit na pangalan sa pagpapatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa operasyon ng online sabong sa buong bansa. Hanggang sa…
Read MoreCHR PROBE SA 2K CASES LABAN SA MGA PULIS, WELCOME SA PNP
WELCOME sa pamunuan ng Philippine National Police ang planong pagsisiyasat ng Commission on Human Rights hinggil sa umano’y mahigit dalawang libong kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga alagad ng batas. Ayon kay PNP Spokesperson at PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakahandang makipagtulungan ang PNP sa CHR sa gagawin nilang imbestigasyon sa umano’y mga human right violation. Inirerespeto umano ng pambansang pulis ang hakbang na ito ng CHR kaya handa silang makipagkoordinasyon at ibigay ang mga kakailanganin ng nasabing ahensiya kaugnay sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. Magugunitang…
Read More