‘CRYPTOCURRENCY KING’, ISA PA INARESTO CIDG

ISANG lalaki na tinaguriang “cryptocurrency king” na nakapanlinlang ng multi million peso sa kanyang mga biktima, ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kahapon ng umaga sa Parañaque City. Ayon kay Police Col. Thomas Valmonte, chief ng Legal Division ng PNP-CIDG, isang dragnet operation ang inilunsad ng kanilang mga operatiba laban sa inireklamong 23-anyos na lalaki na nasa likod umano ng fraud and large scale estafa. Kinilala ni P/Col. Thomas Valmonte, ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, negosyante at residente ng Talaba…

Read More

P136-M SHABU HULI SA PARAÑAQUE CITY

TINATAYANG 20 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation noong Martes ng hapon sa Tambo, Parañaque City. Dalawang drug suspect ang nadakip habang nakatakas naman ang isa pa na kabilang sa high value target personality. Kinilala ng mga operatiba ang nadakip na mga suspek na sina Mark Joseph Cortez y Villareal, 36, at Jacqueline Espinosa y Pizarro, 37, dalaga, habang nakatakas naman ang isang Marion King John Cortez y Aranzanzo. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA…

Read More

DESISYON NG SC SA 7 EKTARYANG LUPA SA QC IRESPETO

IGINIIT ng Titan Dragon Properties Corporation na sila ang tunay na nagmamay-ari ng pitong ektaryang lupain na matatagpuan sa New Manila, Quezon City at hindi ang umaangkin nito. Nais ng Titan Dragon Properties Corporation na ipatupad ang Writ of Execution bunsod na rin ng kautusan ng Korte Suprema matapos nitong pagtibayin na ang nagmamay-ari ng naturang lupain ay ang nasabing korporasyon. Ngunit ang implementasyon ng Writ of Execution ay patuloy umanong hinaharang ng abogado at manugang ni Marlina Veloso Galenzoga na si Atty. Levito Baligod. Nabatid na noong Setyembre 1,…

Read More

COA MATAPANG LANG SA GOV’T CLERKS

LUMALABAS na matapang lang umano ang Commission on Audit (COA) sa mga government clerk pero takot ang mga ito sa matataas na opisyales ng gobyerno na hindi sumusunod sa kanilang sariling circular hinggil sa pag-liquidate ng Confidential Funds (CF). Ito ang pahayag ni dating Congressman Neri Colmenares matapos aminin ni Ombudsman Samuel Martires na mula nang maupo siya sa nasabing pwesto noong 2018 ay hindi siya nagsusumite ng resibo sa COA kung papaano nito ginamit ang kanyang CF. “Pagpaumanhin po ninyo pero mula po nang ako’y maging Ombudsman, wala pong…

Read More

935 PULIS SINIBAK SA SERBISYO

NASA 935 erring policemen ang inutos na sibakin sa serbisyo matapos sumalang sa PNP-Committee on Disposition of Administrative Cases review ang kanilang mga kaso. Sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang kanilang naresolba sa loob lamang ng walong buwan o mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ngayong taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110…

Read More

SPEAKER IIMBITAHAN OIL COMPANIES DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE

IIMBITAHIN ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang lahat ng oil players sa bansa para hanapan ng solusyon ang halos lingguhang oil price hike. Ayon kay Speaker Romualdez, “The government is not insensitive sa sentimiyento ng mga mamamayan hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang petrolyo”. “Pagtaas kasi ng presyo ng petrolyo, lahat tumataas din pero syempre dikta din yan ng world market,” ani Romualdez. “Isa pang problema ay mayroon tayong Oil Deregulation Law kaya tali ang kamay ng pamahalaan,” dagdag pa ng House Speaker. Ayon…

Read More

MAKATI DINAGSA NG REKLAMO SA SCHOOL SUPPLIES

DINAGSA ng reklamo ang Makati dahil sa mga palpak umanong school supplies na ipinamahagi nito sa mga estudyante. Ayon sa mga magulang na naglahad ng kanilang saloobin sa social media, hindi na kasya sa kanilang mga anak ang mga polo, shorts at sapatos na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan para sa pasukan. Matatandaang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na “annual tradition” ang pamamahagi ng mga nasabing school supply sa mga estudyante sa Makati. Sinabi pa nito na pati ang mga estudyante sa mga eskwelahan na sakop ng 10 EMBO…

Read More

QC BRGY. CAPTAIN, 2 PA KINASUHAN NG GRAFT

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document ang kapitan ng Barangay Kaligayahan, Quezon City at dalawa pang opisyal kaugnay ng reklamong ghost payroll. Sina Brgy. Captain Alfredo “Freddy” Roxas, Kgwd. Arnel Gabito at Brgy. Treasurer Hesiree Santiago ng nasabing barangay ay inireklamo ni Arjean Abe. Si Roxas ay Ex-Officio Chairperson, Committee on Barangay Affairs ng Quezon City Hall. Sa reklamo ni Abe, nagtrabaho umano siya sa Brgy. Kaligayahan bilang isang teacher aide sa Day Care Center noong…

Read More

2 BARKONG PANDIGMA IBINIGAY NG US PARA SA WPS

SA gitna ng umiinit na tensyon sa karagatang sakop ng West Philippine Sea bunsod ng patuloy na panggigipit ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo, nagdagdag ng dalawang barkong pandigma ang Philippine Navy sa kanilang armada. Ito ay matapos ang pagbabasbas at commissioning ng dalawang cyclone class warship na ibinigay ng United States government sa Pilipinas na ginastusan ng P780 million. Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro at US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson ang nanguna sa pagbibinyag sa BRP 178 Ladislao Diwa at BRP 177 Vicente Diaz. Ayon…

Read More