NAGPAHAYAG ng suporta ang mga European defense officials sa panawagan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. para sa pagpapanatili ng rules-based international order. Sa Paris Defense and Strategy Forum 2026, binigyang-diin ni Teodoro ang kahalagahan ng pandaigdigang kaayusan bilang pundasyon ng kapayapaan at seguridad. Nakipagpulong din ang kalihim kay Admiral Giuseppe Cavo Dragone, Chair ng NATO Military Committee, kung saan pinuri ng NATO ang paninindigan ng Pilipinas para sa mas malawak na defense cooperation. Ayon kay Teodoro, ang lumalalang banta sa pandaigdigang seguridad—kabilang ang territorial…
Read MoreCategory: METRO
PASIG PNP: WALANG FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NG DALAGITA
TINAPOS na ng Pasig Police ang imbestigasyon sa pagkawala at pagkamatay ng 15-anyos na si Isabelle Sophia Tablate, na huling nakita sa Brgy. Santolan, Pasig City noong Marso 23, 2026. Ayon kay PMaj. Loreto Tigno, Assistant Chief of Operations, walang nakitang foul play sa insidente at lumalabas na nagpakamatay ang dalagita. Sa imbestigasyon, nakita sa CCTV ang biktima na naglalakad mag-isa at pumasok sa madilim na bahagi ng Evangelista Avenue, na walang kasunod na ibang tao. Makalipas ang limang araw, natagpuan ang bangkay ng dalagita na nakabitin sa isang punongkahoy…
Read MorePAGBUO NG CRISIS FUND ISINUSULONG SA KAMARA
ISINUSULONG ni Deputy Speaker at Bacolod City Rep. Albee Benitez ang paglikha ng isang “crisis fund” na magsisilbing panangga sa biglaang pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay Benitez, maaaring mangolekta ang pamahalaan ng P1 hanggang P2 sa bawat litro ng produktong petrolyo kapag normal ang presyo nito, at ilaan ang nalikom bilang reserve fund na gagamitin sa panahon ng krisis. Ipinaliwanag ng mambabatas na maaaring gamitin ang pondong ito kapag umabot sa kritikal na antas—tulad ng $90 hanggang $100 kada bariles—ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado upang mapagaan…
Read MorePBBM HINDI PABOR SA PAGGAMIT NG FOREIGN RESERVES PARA DEPENSAHAN ANG PISO
HINDI pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang foreign reserves ng bansa upang suportahan ang piso laban sa dolyar sa gitna ng pandaigdigang volatility. Sa panayam ng Bloomberg, sinabi ng Pangulo na may limitasyon ang kakayahan ng gobyerno na impluwensyahan ang palitan ng piso, lalo na’t hindi nito kontrolado ang galaw ng dolyar sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan. Nauna rito, bahagyang nakabawi ang piso at nagsara sa P59.95 kada dolyar noong Martes, matapos maabot ang pinakamababang antas sa kasaysayan sa nakaraang araw. Inihayag din ng Pangulo…
Read MoreCAYETANO KINATIGAN PAGTATATAG NG CRISIS COMMITTEE NG MALACAÑANG
NAGPAHAYAG ng suporta si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng crisis committee, kasunod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan. Ayon kay Cayetano, umaayon ang hakbang ng Malacañang sa nauna nang panawagan ng Senado na palakasin ang kahandaan ng bansa sa malalaking krisis. Tinukoy niya ang Senate Resolution No. 343 na kanyang inihain, na naglalayong hikayatin ang Executive Branch na maglatag ng malinaw na National Contingency Framework at konkretong plano sakaling magkaroon ng malawakang krisis. Kasunod nito, pinagtibay rin ang…
Read MoreHPG DIRECTOR NAGBITIW; SEXUAL HARASSMENT ITINANGGI
NAGBITIW sa puwesto si PNP-Highway Patrol Group Director PBGen. Jessie Tamayao kasunod ng reklamong sexual harassment na isinampa laban sa kanya sa National Police Commission (Napolcom). Itinanggi ni Tamayao ang mga alegasyon at iginiit na hindi pag-amin sa kasalanan ang kanyang boluntaryong pagbibitiw, kundi hakbang upang mabigyan ng patas at transparent na imbestigasyon ang kaso. Batay sa reklamo, isang policewoman ang nagtungo sa Napolcom at nagsumite ng limang pahinang salaysay kung saan inakusahan niya ang heneral ng umano’y panghihikayat sa sexual activity, hindi angkop na paghipo, at pagbabanta ng reassignment…
Read MoreDILG HINIKAYAT MGA PAMILYANG PINOY SA ‘BALIK-BAKURAN’ SA GITNA NG MAHAL NA BILIHIN
HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pamilyang Pilipino na magbalik-bakuran o magtanim sa sariling bakuran upang makatulong sa pagtugon sa tumataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Iniulat ng DILG na umaabot na sa 16,609 ang HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay) sites sa mga barangay sa buong bansa, na nagsisilbing alternatibong mapagkukunan ng pagkain para sa mga komunidad. Ayon sa kagawaran, ang mga community garden ay tumutulong upang mapabuti ang food security at mabawasan ang gastusin ng mga kabahayan sa…
Read MoreMMDA, METRO MAYORS INAPRUBAHAN EXEMPTION SA NUMBER CODING AT TRUCK BAN PARA SA FUEL AT ESSENTIAL GOODS TRUCKS
PINANGUNAHAN nina MMDA Chairman Don Artes, DPWH Sec. Vince Dizon, at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pulong ng Metro Manila Council nitong Martes sa Pasig City, kung saan tinalakay ang truck ban, exemption ng fuel trucks sa Unified Vehicular Volume Reduction Program, at ang Oplan Kontra Baha sa Greater Metro Manila. (DANNY QUERUBIN) INAPRUBAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde ng Metro Manila ang isang resolusyon na muling nagpapatibay ng exemption sa Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVPR) o number coding at truck ban para…
Read MorePNP TINIYAK KAPAKANAN NG MGA PULIS SA GITNA NG MATINDING INIT
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kapakanan ng kanilang mga tauhan na naka-duty, lalo na ang mga nagsasagawa ng patrol at checkpoints sa gitna ng matinding init ng panahon. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init, inatasan ni PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr. ang mga hepe ng pulisya at unit commander na repasuhin ang deployment strategy ng kanilang mga tauhan. Layunin nitong matiyak na hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga pulis, partikular ang mga naka-field duty. Ayon sa PNP chief, kinakailangang maprotektahan ang mga tauhan laban sa mga karaniwang sakit…
Read More