INIHAYAG ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na pinaigting na ng Department of Agriculture (DA) ang paghahanda para sa mga lokal na magsasaka at mamimili kaugnay ng posibleng matinding epekto ng El Niño na maaaring makaapekto sa ani at suplay ng pagkain. Ayon kay Sec. Tiu Laurel, bagama’t hindi ganap na maiiwasan ang pagkalugi, maaari naman itong mabawasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga pananim na hindi gaanong nangangailangan ng tubig, paggamit ng solar-powered irrigation, low-cost greenhouses at mas maagang iskedyul ng pagtatanim. “Ang mga natutunan natin sa…
Read MoreCategory: METRO
Hagupit ni Caloy humihina 1 PANG LPA SA LOOB NG PAR BINABANTAYAN
BAGAMA’T bahagyang humina ang hagupit ni Caloy habang binabagtas ang area of responsibility ng Pilipinas sa bahagi ng Mindanao, nanatiling nakataas pa rin ang babala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mga lugar na posibleng makaranas ng pagbaha at landslide bunsod ng mga pag-ulan dulot ng tropical depression. Nitong Linggo, bandang alas-2:00 ng hapon, Mayo 10, 2026, nanatiling nasa loob ng Philippine area of responsibility si Tropical Depression “CALOY” {Int’l name “HAGUPIT”}. Subalit may isa pang low pressure Area ang binabantayan ng DOST-PAGASA sa loob ng Philippine Area of…
Read MoreRed notice rumors itinanggi ni Sec. Remulla EJKs MULING IIMBESTIGAHAN, BATO TARGET NG SUBPOENA
NGAYONG Lunes ay maglalabas ng subpoena ang Philippine National Police para maimbitahan ang nagtatagong si Senator Ronald Bato Dela Rosa kaugnay sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings. Inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maglalabas ng subpoena ang PNP upang muling siyasatin ang mga kasong extrajudicial killings (EJKs) noong hepe pa ng Davao City Police at pangkalahatang pinuno ng PNP si Sen. “Bato” Dela Rosa. Agad na nilinaw ni Remulla na “in aid of investigation” ito at hindi pag-aresto ang pagpapatawag…
Read MoreTulfo kinuwestyon pag-atake ng Iran SAFE PASSAGE NG PINOY SEAFARERS SA STRAIT OF HORMUZ PINATITIYAK
NAIS malaman ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senator Erwin Tulfo kung bakit inatake ng bansang Iran ang isang Maltese-flagged container na may lulan na 24 Pinoy seafarers noong May 5. Ito ang pahayag ni Sen. Tulfo sa isang radio interview noong Sabado. Pito ang sugatan kung saan tatlo ang malubha sa pag-atake ng isang drone, na pinaghihinalaan na galing sa Iran, sa nasabing container ship. “Gusto sana natin marinig ang dahilan kung bakit inatake ng Iran ang naturang barko gayong may unawaan naman tayo at ang bansang Iran…
Read MorePRIVATE SHS DAPAT MAY GOV’T RECOGNITION NA SA SY 2027-2028
NAGLABAS si Education Secretary Sonny Angara ng bagong guidelines na nag-oobliga sa lahat ng pribadong paaralan na nag-aalok ng Senior High School (SHS) na mag-transition mula sa provisional permits tungo sa formal Government Recognition pagsapit ng School Year 2027–2028. Layunin ng polisiya na palakasin ang quality assurance at accountability sa education sector. Sa ilalim ng DepEd Order No. 12, s. 2026, ang mga SHS na kasalukuyang nag-o-operate sa ilalim ng provisional permits ay kinakailangang kumuha ng Government Recognition, na nagsisilbing permanenteng legal authority para mag-operate at patunay ng pagsunod sa…
Read MorePROTEKSYON SA SAHOD NG PAKYAWAN WORKERS SUPORTADO NI CAYETANO
SUPORTADO ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang panukalang magbibigay ng mas malinaw na proteksyon sa sahod ng mga manggagawang binabayaran batay sa output o “pakyawan workers” na kadalasang tumatanggap ng sahod na mas mababa sa itinakdang minimum wage. Kabilang si Cayetano sa mga senador na pumirma sa Senate Bill No. 82 o “Anti-Abuse of Pakyawan Workers Act” na inakda ni Senator Raffy Tulfo. Layunin ng panukala na palakasin ang pasahod at dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mas mahigpit na panuntunan sa pagkalkula at pagpapatupad ng output-based…
Read MorePULITIKA, DISKRIMINASYON SA AYUDA PINASISIYASAT
ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing pamumulitika at diskriminasyon sa pagpapatupad ng cash assistance at subsidy programs ng gobyerno. Sa kanyang Senate Resolution 381, nais din ni Legarda na hilingin ng Senado sa Office of the President na magsagawa ng patas at independent investigation. Iginiit ni Legarda na dapat mapag-aralan ng Senado ang kailangang batas upang matiyak na napapanahon ang pagbibigay ng ayuda, ligtas ang mga benepisyaryo mula sa panganib at hirap ng pagpila para sa ayuda, at upang matiyak na hindi ito mapapasukan ng…
Read MoreLIFETIME BAN SA ANIMAL ABUSERS ISINULONG NG DAVAO OR SOLON
ISINUSULONG ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario ang mas mabigat na parusa laban sa mga mapang-abuso sa hayop sa pamamagitan ng paghahain ng House Bill No. 9126. Sa ilalim ng panukala, papatawan ng lifetime ban o habambuhay na pagbabawal sa pagmamay-ari ng hayop ang sinumang mapatutunayang nagkasala ng animal cruelty. Layon din ng panukala na magtatag ng National Animal Offender Registry upang masubaybayan ang mga lumalabag sa batas at mapigilan silang muling makapagmay-ari o makapag-ampon ng hayop. Target ng HB 9126 na amyendahan ang Republic Act No.…
Read MorePAGLILINIS SA HANAY NG NAPOLCOM, PNP APELA NG COLISEO DE MANILA
UMAPELA ang pamunuan ng Coliseo de Manila sa National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Police (PNP) para sa agarang aksyon laban sa umano’y mga pag-abuso ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang operasyon sa kanilang cockpit arena sa Vitas, Tondo, Manila. Ayon sa Coliseo de Manila, isang seryosong paglihis umano sa mandato ng NAPOLCOM ang mabilis na pagbasura sa kanilang administratibong reklamo laban sa CIDG at ang isinagawang press conference upang depensahan ang mga sangkot na pulis. Mariin ding itinanggi ng Coliseo…
Read More