4 TIMBOG SA P1.6-M DROGA

ARESTADO ang apat katao habang halos P1.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang kumpiskado sa ikinasang buy-bust operations sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Mula alas-10:00 ng gabi noong Hulyo 28 hanggang alas-1:30 ng madaling araw noong Hulyo 29 ay nadakip sa Brgy. Dampalit, Malabon City at Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City sina Larissa Lacson y Siochi alyas “Ate”; Ricardo Salvador y Luciano alyas “Richie”; Maricris Marquez y Macatangay alyas “Cris”, at Ricardo Rondina y Zabate alyas “Ricky”. Umabot sa 222 gramo ng ilegal na droga…

Read More

NAVOTEÑOS PINAGHANDA SA SAKUNA

PINAALALAHANAN ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nasasakupan na laging maging handa sa ano mang sakuna. “Being a coastal city, Navotas is vulnerable to natural disasters. We need to prepare and empower our people through continuous awareness and education campaigns,” sinabi ng alkalde sa virtual forum na “Handa sa Sakuna.” “While calamities are fearsome, being caught off guard is more terrifying. We may not know when a disaster will strike, but being prepared helps ensure that lives and properties will be saved,” dagdag ni Tiangco. Ang nasabing forum na…

Read More

AID PROGRAMS PARA SA QUAKE VICTIMS INILUNSAD NG DOLE

NAGLUNSAD ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng iba’t ibang aid programs para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon sa pahayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang naturang hakbang ay tugon sa panawagan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa  concerned state agencies na tumulong sa mga tinamaan ng lindol sa Region 1 at Cordillera Administrative Region. Aniya, naglaan ang ahensya ng inisyal na P50 milyon para sa emergency employment ng mga residente ng dalawang rehiyon. Ayon sa DOLE, ang Ilocos Sur ang epicenter ng 7-magnitude na lindol na tumama sa…

Read More

NAMBUDOL NG MGA ALAHAS, 2 BEBOT TIKLO SA NBI

kulong

KAPWA binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation sa Batangas City makaraang mabudol ng mga ito ang isang domestic jewelry corporation. Kinilala ang mga suspek na sina Jean Suayan y Javier alyas “Cynthia Sy Uy”, at May De Torres, kapwa ng Lipa City, Batangas, Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at paggamit ng peke at pagtatago ng totoong pangalan sa ilalim ng Article 178 ng Revised Penal Code. Batay…

Read More

LOLONG RAPE SUSPECT NABITAG

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 71-anyos na lalaking rape suspect malapit sa bahay nito sa Anak Bayan St., Malate, Manila noong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas na “Arsenio”,  jobless, may asawa, ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol , commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek malapit sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang, ng Regional Trial Court Branch…

Read More

DOJ dumistansya DESISYON SA KASO NI DE LIMA IPINASA SA MUNTINLUPA RTC

INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, ang Muntinlupa Regional Trial Court ang  may solong awtoridad  para magbaba ng desisyon sa kaso sa ilegal na droga na kinahaharap ni dating Senador Leila de Lima. Ito ay bilang tugon sa inihaing resolusyon nina Senador Koko Pimentel at Risa Hontiveros na humihikayat sa DOJ na iatras ang isinampang kaso laban kay De Lima makaraan ang pag-atras ng testimonya ng mga pangunahing testigo sa drug cases at palayain na ito mula sa pagkakakulong. Sinabi ni Remulla, ang Muntinlupa RTC na ang may…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, 188; NAVOTAS, 21

covid

UMAKYAT sa 188 ang active COVID cases sa Valenzuela City, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi noong Hulyo 27 ay 155 sa active cases ang naka-home quarantine, 29 ang nasa isolation facility at apat ang nasa ospital. Pumalo na sa 44,680 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang nagpositibo sa virus, habang 43,553 naman ang recovered matapos na may 18 gumaling, at mapalad na nanatili sa 939 ang COVID casualties. Noon ding Hulyo 27 ay…

Read More

NATIONAL “BOOSTER DRIVE” INILUNSAD NG DOH

NAGLUNSAD ang  Department of Health (DOH) ng pambansang “booster drive” campaign na layong maturukan ng booster vaccine kontra COVID-19 ang 50% ng eligible population ng bansa sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Romualdez “Bongbong ” Marcos Jr. Target ng DOH na maturukan ang nasa 23.8 milyong indibidwal sa kampanya na tinawag na “PINASLAKAS” drive.  Inilunsad ito kahapon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange. Layon din ng kampanya na gawing immune kontra sa virus ang 90% ng target na senior citizen population ng bansa. Sinabi ni Undersecretary…

Read More

SEARCH & DESTROYS OPS VS DENGUE PINATUPAD SA QC

IPINATUPAD na ng lokal na pamahalaang Lungsod Quezon ang iba’t ibang istratehiya kasama na ang citywide “search and destroy” operations para pigilan at makontrol ang dengue sa siyudad. Ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Health Department (QCHD) na pangunahan nito ang nasabing operasyon kasama ng barangay officials at mga residente ng iba’t ibang barangay sa Lungsod Quezon. Partikular na prayoridad sa nasabing programa ang mga barangay na may maraming bilang ng mga kaso ng dengue. “Our goal is to ensure that our citywide anti-mosquito protective measures are implemented and…

Read More