NAGLAAN ng karagdagang bus at magbibigay rin ng libreng sakay ngayong araw sa pag-arangkada ng transport strike ng grupong Manibela. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, maglalagay sila ng karagdagang mga bus sa EDSA busway at librang sakay naman para sa Light Rail Transit (LRT-1 at LRT-2) at Metro Rail Transit (MRT-3). Itinakda ng Manibela ang kanilang tigil-pasada mula ngayong Lunes hanggang Miyerkoles, (Marso 26). Apela ni Dizon, huwag na nilang ituloy ang transport strike at sumama na lamang sa diyalogo sa DOTr. “Panawagan natin na sana…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Babanat sa tri-comm makukulong R.I.P. FREEDOM OF EXPRESSION – MOCHA
TILA patutsada sa tri-committee ng Kamara ang post ng vlogger na si Mocha sa gitna ng mga pagdinig kaugnay ng fake news na ikinakalat sa social media. Sa kanyang Facebook Page na Mocha Uson Blog, nag-post ang dating assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng nakaraang administrasyong Duterte ng: “R.I.P. Freedom of Expression”. Agad naman itong sinopla ng mga netizen. Paalala ng isa: “I feel sorry for what you had become. Freedom of expression doesn’t mean you can sponsor lies”. Nabatid na mino-monitor na ng tri-committee ang…
Read MoreTRABAHO NOMINEES NAG-HOUSE-TO-HOUSE SA PASIG
PERSONAL na binisita ng TRABAHO Party-list nominees ang mga residente ng Brgy. Manggahan at Brgy. Santolan, Pasig City noong March 15, 2025. Kita sa mga larawan sa Facebook post ng TRABAHO, 106 sa balota, na mismong ang nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang nagmamano at nakikipagkumustahan sa mga Pasigueño sa tapat ng kanilang mga bahay at tindahan. Ibinida ng TRABAHO ang kanilang plataporma sa mga taga-Pasigueño at inalam rin nila ang iba’t ibang pangangailangan ng kanilang mga nakausap. “Ang TRABAHO po ang magiging boses ng mga…
Read MorePAGKWESTYON NI MAYOR VICO SA RESULTA NG INDEPENDENT SURVEY SA PASIG, PINUNA NG MGA RESIDENTE
PINUNA ng mga residente si Pasig Mayor Vico Sotto sa panghihimasok umano nito at pagkwestyon sa mga inilalabas na resulta ng survey. Kasunod ito ng napaulat na pagkadismaya ng alkalde sa pinakahuling resulta ng poll survey kung saan bumaba ang kanyang rating. Ayon sa mga residente ng lungsod, pinanghihimasukan ni Sotto maging ang naisapublikong artikulo sa print at online news makaraang magpadala ito ng liham sa isang pahayagan at kinuwestyon kung saan nagmula ang artikulo hinggil sa resulta ng “Pulso ng Lipunan” survey. Sa nasabing survey ay tumaas ang rating…
Read MoreSUPORTA SA TRABAHO AT TRANSPO HIRIT NG TRABAHO PARTYLIST SA NAKAAMBANG JEEPNEY STRIKE
BILANG tugon sa inaasahang tatlong araw na transport strike na ipinanukala ng transport group na Manibela, nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa pagpapatupad ng mga alternatibong set-up sa trabaho at mas suporta sa transportasyon upang mabawasan ang posibleng pagkaantala sa mga manggagawa. Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mahalaga na ang parehong sektor ng gobyerno at pribado ay magpatupad ng mga flexible na polisiya sa trabaho, tulad ng remote work setups at compressed work weeks, upang matiyak ang pagpapatuloy ng negosyo at maprotektahan ang kapakanan ng…
Read MoreRETINA SCAM IIMBESTIGAHAN NG DICT
PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang umano’y kumakalat na scam sa “retina scan” gamit ang World App na konektado sa world coin at nanghihikayat sa mahihirap kapalit ng halagang P2,000 piso. Sa isang Balitaan sa Tinapayan forum sa Sampaloc, Manila kahapon, mariing sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na walang permiso mula sa kanilang tanggapan ang programang ito kaya mahigpit na pinagbabawalan at pinag-iingat ang publiko dahil sa isyu ng data privacy at fraud. Kasunod ito ng pagkakasangkot ng isang alkalde mula sa North Luzon…
Read MoreKALMADO, CREDIBLE 2025 POLLS PANAWAGAN SA MGA KANDIDATO
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga lokal na kandidato sa nalalapit na May 12 elections na maging kalmado at panatilihin na maayos ang pangangampanya. Ang panawagan ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay bago pa magsimula ang campaign period para sa mga lokal na kandidato sa Marso 28. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Castro na umaasa ang pamahalaan ng isang kapani-paniwalang 2025 elections, isinaalang-alang na rito ang pagbaba ng mga lugar na nahaharap sa poll-related threats. “Tayo po ay iyan din ang ninanais ng…
Read MoreSa pagbalewala sa CIF isyu VP SARA TUMATAKAS SA PANANAGUTAN
DISMAYADO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa asal ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) nito na indikasyon umano na umiiwas ito sa kanyang pananagutan. “Ipinakita niya na wala siyang pakialam sa isyung ito. Instead of addressing the mounting evidence against her, she continues to shrug it off as if it were a joke,” pahayag ni Deputy majority leader Paolo Ortega V. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tila balewala umano kay Duterte ang mga ebidensyang hawak ng House prosecution panel hinggil sa mga…
Read MoreHARAPIN MO KASO MO DITO SA ‘PINAS — MGA SOLON KAY ROQUE
WALA nang dahilan si dating Presidential spokesman Atty. Herminio ‘Harry’ Roque Jr. na manatili sa Netherlands at gamitin ang kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte para takasan ang kanyang pananagutan dito sa Pilipinas. Ito ang iisang tinig ng mga mambabatas sa mayorya at minorya sa Kamara de Representante matapos makumpirma na hindi na kasama si Roque sa mga abogadong magtatanggol kay Duterte sa International Criminal Court (ICC). “Tutal hindi ka naman pala magiging abogado ng dating pangulo, Harry, umuwi ka na at harapin mo ang mga kaso mo dito sa…
Read More