(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD umani ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ang usap-usapang nakapili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng papalit sa kanya para mamuno sa Department of Agriculture (DA). Ayon sa umugong na balita kahapon, ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr., ang napipisil ni Marcos na kalihim ng DA. Nangangamba naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) dahil kilala ang kumpanya ni Laurel bilang large-scale fishing company at sangkot din umano ang kumpanya nito sa land reclamation activities sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
MINIMUM FARE SA JEEPNEY P13 NA SIMULA OCT. 8
APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng dagdag na piso sa pamasahe sa traditional at modern jeepney. Simula sa Oktubre 8 ay magiging P13 na ang minimum fare sa lahat ng jeepney sa bansa. Inaprubahan ng LTFRB sa ginanap na hearing kahapon ang P1.00 provisional increase sa mga public utility jeepney (PUJ) upang mabawasan ang epektong dinaranas sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Inanunsyo rin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na provisional fare increase muna ang naibigay dahil isasalang pa sa…
Read MoreMAS MABIGAT NA PARUSA LABAN SA GAME FIXING, ISINUSULONG SA SENADO
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa mas mabigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakakulong at malalaking multa, ang mga indibidwal na mapapatunayang sangkot sa game-fixing sa mga propesyunal o amateur sporting event sa bansa. Sa kanyang Senate Bill No. 1641 o ang panukalang Anti Game-Fixing Act, layun ni Estrada na palawakin ang sakop ng game-fixing at maisama ang point-shaving, game manipulations o anumang kasunduan, aregluhan, kilos o hakbang na ang layon ay maapektuhan ang resulta ng isang laro para sa pagsusugal, pusta o pandaraya sa publiko.…
Read More2 CHED COMMISSIONERS TAGILID SA KATIWALIAN
POSIBLENG alisin ang dalawang commissioner ng Commission on Higher Education sa pamamalakad sa state universities colleges sa sandaling mapatunayang sangkot sa katiwalian. Sa budget hearing ng CHED, kinumpirma ni Chairman Prospero De Vera na nakarating sa kanila ang impormasyon na may dalawa silang komisyoner ang nagsasagawa ng board meeting na sobra sa itinatakda ng regulasyon at masyadong magastos na ipinasasagot naman sa hawak nilang SUCs. Ayon kay De Vera, maglalabas siya ng memorandum kung saan nakasaad ang tamang kilos ng mga chairman designate sa iba’t ibang SUCs at LUCs. Kahit…
Read MoreSeaport manager sinuspinde KOTONGAN SA SBMA UMALINGASAW
SINUSPINDE ni Subic Bay Metropolitan Authority chairperson and administrator Jonathan Tan sina Seaport department manager Jerome Martinez at consultant Rico Reyes kasunod ng nabunyag na umano’y pangingikil ng mga ito sa Subic Bay Freeport. Nauna rito, nagreklamo ang mga broker sa talamak anilang pangongotong sa mga shipment sa Subic Bay Freeport. Matapos mangalampag ang mga broker, nagpatawag ng pulong sa Boardroom ng SBM Administration Building si Tan na dinaluhan din ni Zambales District 1 Representative Jay Khonghun. Sa reklamo ng ilang locators, hindi umano pinalulusot ang kanilang mga shipment palabas…
Read MoreInilaang P340-M pondo sinilip sa Kamara BIDDERS SA PCSO ADVERTISEMENTS PINALALANTAD
NANGHIHINAYANG ang mga mambabatas sa Kamara sa pondong inilaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kanilang advertisement kaya nais nilang malaman kung sino ang mga kumpanyang nakakuha nito. “Instead of using its budget on advertisements, we are urging PCSO to focus on charity and help people with medical needs such as psoriasis,” direktiba ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes. Nanghihinayang ang mambabatas sa P340 million na inilaan ng PCSO sa advertisement gayung kahit hindi aniya ito kailangan dahil tinatangkilik naman ng mga tao ang lotto. Magugunita na inamin…
Read MoreBATO: ATAKE KAY VP SARA KONEKTADO SA 2028 ELECTIONS
MAGING si Senador Bato dela Rosa ay naniniwalang pulitika ang nasa likod ng mga atake kay Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng Teleradyo noong Linggo, sinabi ni dela Rosa na kahit ang Commission on Audit (COA) ay walang sinasabing may katiwalian sa paggastos ng bise presidente sa P125-million confidential funds nito noong 2022. Ngunit ito ang ginagamit na sandata ng kanyang mga kritiko upang sirain siya sa publiko. “Bakit, sinabi ba ng COA na mali ‘yun? Hindi naman sinabi ng COA na ‘yan ay corruption. Observation lang ng COA…
Read MoreGagamitin sa pag-epal ni Speaker – vlogger SMUGGLED RICE GAGAWING ‘MALAYA RICE’ NI ROMUALDEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALARGA na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng tinaguriang Malaya Rice na pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Gayunman, ayon sa vlogger na si Maharlika, smuggled ang mga bigas na ipamamahagi ni Romualdez at ang mga ito umano ay sa tulong ng kaibigan niyang si Michael Ma. Kahapon, inanunsyo ang gagawing pag-iikot ng lider ng Kamara at DSWD sa mga darating na araw sa iba’t ibang bahagi ng bansa para umano ipamahagi ang cash at rice…
Read More500 EKTARYA NG CORAL REEFS NAPINSALA NG CHINA
SA loob lamang ng apat na taon ay may mahigit 500 ektarya ng coral reefs ang napinsala sa mga aktibidad ng Tsina sa West Philippine Sea. Sinabi ni Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, nakita sa satellite imagery na mahigit 500 ektarya ng Scarborough Shoal ang napinsala mula 2012 hanggang 2016. Aniya, ang malawakang coral destruction sa West Philippine Sea “has been on-going for quite some time.” “But the thing is, “due to the arbitration having come out under…
Read More