Traditional media na bumabatikos isusunod? BANATEROS TINAKOT NI REMULLA

BANTA sa press freedom ang ‘pananakot’ ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa tinaguriang Banateros vloggers matapos nilang kapanayamin ang nagtatagong si dating BuCor Director General Gerald Bantag. Dahil dito, pinangangambahang isusunod ng DOJ ang panggigipit din sa mga nasa traditional media na bumabatikos hindi lang sa nasabing ahensya kundi sa iba pang mga nasa pamahalaan. Tahasang kinondena ng Banateros vloggers ang anila’y pag-persecute at pag-harass sa kanila ni Remulla. Anila, muli na namang nagbabanta ang martial law sa bansa dahil sa tangkang pagbusal sa mga…

Read More

DELAYING TACTICS SA KASO NI TEVES?

ITINUTURING ng kampo ni Cong. Arnolfo “Arnie” Teves na delaying tactic ang pagpapaliban sa arraignment o pagbasa ng sakdal dito at sa labing lima pang (15) akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Dumalo kahapon si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 gayundin ang mga abogado ng 15 pang co-accused ng dating mambabatas sa kasong murder kay Degamo. Kinatawan naman ang biyuda ni Degamo ng abogado nitong si Andrei Bon Tagum. Muling itinakda ni Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek ang…

Read More

Tanggap na sadsad ang ratings BBM AMINADONG SABLAY SA BIGAS

HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng kanyang approval rating sa third quarter ng 2023, batay sa survey ng Pulse Asia. Ang katwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang sentimyento ng publiko. Naniniwala ang Chief Executive na ang pagtaas ng presyo ng bigas ang labis na nakaapekto sa pagbaba ng kanyang approval rating. “It’s not surprising. People are having a hard time. Bigas ito, eh. Ibang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it, and that’s why we’re working…

Read More

TRANSPORT SECTOR PINAKALMA SA FARE HIKE

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pampakalma lang sa transport sector ang pisong fare increase na nakatakdang ipatupad sa Oktubre 8, ngayong taon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Gayunpaman, sinabi ni House deputy minority leader France Castro na dagdag pahirap naman ito sa commuters na patuloy na pinagkakaitan ng makatarungan at disenteng umento sa kanilang sahod. “A mere palliative,” ani Castro dahil ramdam na anya ng Malacanang ang galit ng transport sector sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo…

Read More

Tahimik sa mga banat kay VP Sara – Roque ROMUALDEZ, CO MAGKASABWAT?

PINUNA ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang tila pagkunsinte nina House Speaker Martin Romualdez at House Committee on Appropriations chairperson Zaldy Co na atakehin si Vice President Sara Duterte ng kanilang mga kasama sa Kamara. Ayon sa dating tagapagsalita ni ex-president Rodrigo Duterte, hindi dapat hinayaan ng liderato ng Kamara na dikdikin ng Makabayan bloc ang bise presidente kaugnay ng intelligence aty confidential funds nito. Tila nagtataka rin si Roque kung bakit pinakinggan ni Romualdez ang Makabayan bloc kaugnay sa nasabing usapin. Sa isyu naman ng inilipat na intelligence…

Read More

Fair trial hirit ng mga barangay chief P611-M INFRA PROJECTS NAKOPO NG KUMPANYA NG PAMPANGA SOLON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAAPELA ng patas na imbestigasyon sa Ombudsman ang 40 mula sa 43 barangay chairmen ng bayan ng Mexico, Pampanga kaugnay ng graft case na inihain laban kay Third District Representative Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. Sa pangunguna ng pangulo ng asosasyon ng mga punong barangay na si Terrence Napao ng Barangay Sto. Cristo, inilahad ng grupo ang kanilang apela sa isinagawang Balitaan at Talakayan forum sa Central Luzon Media Association – Pampanga chapter sa lungsod na ito. Si Napao rin ang complainant sa kasong graft na inihain…

Read More

Dahil sa bagsak na ratings, Marcos hugas-kamay na IPAPALIT SA DA, MAY ‘CONFLICT OF INTEREST’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD umani ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ang usap-usapang nakapili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng papalit sa kanya para mamuno sa Department of Agriculture (DA). Ayon sa umugong na balita kahapon, ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr., ang napipisil ni Marcos na kalihim ng DA. Nangangamba naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) dahil kilala ang kumpanya ni Laurel bilang large-scale fishing company at sangkot din umano ang kumpanya nito sa land reclamation activities sa…

Read More

MINIMUM FARE SA JEEPNEY P13 NA SIMULA OCT. 8

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng dagdag na piso sa pamasahe sa traditional at modern jeepney. Simula sa Oktubre 8 ay magiging P13 na ang minimum fare sa lahat ng jeepney sa bansa. Inaprubahan ng LTFRB sa ginanap na hearing kahapon ang P1.00 provisional increase sa mga public utility jeepney (PUJ) upang mabawasan ang epektong dinaranas sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Inanunsyo rin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na provisional fare increase muna ang naibigay dahil isasalang pa sa…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA LABAN SA GAME FIXING, ISINUSULONG SA SENADO

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa mas mabigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakakulong at malalaking multa, ang mga indibidwal na mapapatunayang sangkot sa game-fixing sa mga propesyunal o amateur sporting event sa bansa. Sa kanyang Senate Bill No. 1641 o ang panukalang Anti Game-Fixing Act, layun ni Estrada na palawakin ang sakop ng game-fixing at maisama ang point-shaving, game manipulations o anumang kasunduan, aregluhan, kilos o hakbang na ang layon ay maapektuhan ang resulta ng isang laro para sa pagsusugal, pusta o pandaraya sa publiko.…

Read More