“THIS is a clear act of cowardice”. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mistulang sabwatan na pagpigil ng liderato ng Kamara sa kanilang grupo sa Makabayan bloc na pagpaliwanagin si Vice President Sara Duterte hinggil sa P125 million confidential funds na ginastos nito sa natitirang 19 araw ng taong 2022 gayung walang ganitong pondo na inaprubahan ng Kongreso. Noong Miyerkoles ay agad tinapos ang pagdinig sa budget ng Office of the Vice President (OVP) kasunod ng mosyon ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Zandro Marcos dahil…
Read MoreCategory: NASYUNAL
HIGIT 305,000 KATAO APEKTADO NG BAGYONG GORING – NDRRMC
UMABOT na sa 305,481 indibidwal o 85,395 pamilya ang apektado ng Tropical Cyclone Goring. Sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na ang mga apektadong tao na iniulat ay mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa apektadong populasyon, 8,021 katao o 10,468 pamilya ang nananatiling nanunuluyan sa 469 evacuation centers habang 30,702 katao naman o 7,880 pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar. Isang katao naman ang nawawala sa gitna ng pananalasa ni Goring. May…
Read MoreKORONA NG WORST AIRPORT, HINDI NA MABITIWAN NG PILIPINAS
NANGANGAMBA si Senador Jinggoy Estrada na hawak pa rin ng Pilipinas ang korona ng pagiging worst airport. Sa gitna anya ito ng mga hindi magagandang karanasan ng mga Pinoy na bumiyahe palabas ng bansa sa mga immigration officers sa paliparan. Daragdag pa anya rito ang panibagong travel guidelines na inilabas ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na sisimulang ipatupad sa Setyembre 3. Kaya naman, isa rin si Estrada sa mga senador na nagsusulong ng Senate investigation para himayin ang bagong travel guidelines na posibleng paglabag anya sa mga probisyon ng…
Read MoreZandro umeksena sa Kamara SARA ‘DI NAGISA SA P125-B CONFI FUNDS
MISTULANG iniwas ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na magisa si Vice President Sara Duterte sa P125 million confidential funds na ginastos ng Office of the Vice President (OVP) sa loob lamang ng 19 araw noong 2022. Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa P2.3 billion budget ng OVP sa susunod na taon, nabigo si House deputy minority leader France Castro na matanong si Duterte matapos umeksena agad si Marcos para iterminate ang pagdinig sa budget ng tanggapan ni Duterte. “Mrs. Chair, in line with long…
Read MorePagtanggap sa dismissed cop sa viral road rage ipaliwanag DOJ TAHIMIK SA KONTROBERSYAL NA SI GONZALES
NARARAPAT lamang ipaliwanag ng Department of Justice (DOJ) kung bakit kinuha ng mga ito bilang empleyado si Wilfredo “Willie” Gonzales, ang dismissed police officer na nasangkot sa road rage sa Quezon City noong Agosto 8. Ito ang iginiit ni dating Congressman Neri Colmenares dahil napaulat na nagtatrabaho sa DOJ si Gonzales. Responsibilidad aniya ng ahensya na pinamumunuan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na ipaliwanag sa publiko kung bakit kinuhang empleyado si Gonzales. “Kung totoong kinuha siya (Gonzales) ng DOJ, dapat iexplain ng DOJ bakit siya tinanggap at madami…
Read MoreRAID SA MGA BODEGA VS HOARDERS TULOY-TULOY
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang sorpresang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang direktiba ni Pangulong Marcos sa BOC ay para i-validate ang lahat ng warehouse na nag-iimbak ng imported rice at kagyat na magpalabas ng letters of authority para inspeksyunin ang mga nasabing warehouse. “We will be conducting more inspections of these warehouses. The inspection and visitation…
Read MorePAKIKIRAMAY BUMUHOS SA PAGYAO NI MIKE ENRIQUEZ
BUMUHOS ang pakikiramay sa mga naulila ng beteranong broadcaster at host na si Mike Enriquez. Kahapon, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya at mahal sa buhay ni Enriquez. Nagbigay-pugay rin ang Pangulo sa dedikasyon ni Enriquez sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang “unbiased” na paghahatid ng balita at impormasyon. “We are saddened by [the] news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry. He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people,” ayon…
Read MorePABAHAY NI BBM ‘DI ABOT-KAYA NG MASA
TANGING mga may kaya sa buhay at hindi mahihirap ang makikinabang sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang kapwa tinuran nina ACT party-list Rep. France Castro at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa pagdinig ng House appropriations committee sa budget ng Human Settlement and Urban Development (DHSUD) kahapon sa Kamara. “Kung titingnan ko ang presyo ng pabahay Mr. chair, hindi ito pabahay sa mga mahihirap eh,” pahayag ni Castro dahil ang halaga ng isang unit ay aabot ng P1.4 million…
Read MoreDinismiss ng Ombudsman tinanggap sa DOJ BOYING MAKAKALADKAD SA EX-COP SA VIRAL VIDEO
POSIBLENG makaladkad si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa dating pulis Quezon City na nag-viral matapos mahulicam ang pambabatok at pagkasa ng baril sa nakaalitang siklista. Sa kondisyon huwag nang pangalan, sinabi ng isang taga-Kongreso na hindi maiwasang makaladkad si Remulla matapos lumabas na nagtatrabaho sa ahensya nito si Wilfredo “Willie” Gonzales. “Makukuwestiyon si Boying diyan bakit nakapagtrabaho sa DOJ ang pulis na iyan na dinismiss ng Ombudsman,” ayon sa isang mambabatas. Base sa mga report, dinismiss ng Office of the Ombudsman si Gonzales noong 2018 bagama’t…
Read More