DA IPAPASA NI BBM SA PANGULO NG PFP?

MAGKAKAROON na ng permanenteng kalihim ang Department of Agriculture (DA) sa katauhan ng pangulo ng political party Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo. Ito ang umugong na impormasyon sa nasabing lalawigan na nakarating na rin sa ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang PFP ay partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa mga impormante na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito, kinausap umano ni Marcos si Tamayo para pamunuan ang DA na ngayon ay sangkaterba ang problema tulad…

Read More

Sa kabila ng tuloy-tuloy na oil price hike AYUDA SA TRANSPORT SECTOR INAAMAG LANG

(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, hindi ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr) ang bilyong fuel subsidy sa transport sector. Ito ang natuklasan sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng DOTr kahapon na ikinadismaya ng mga mambabatas. Sa pagtatanong ni House deputy minority leader Bernadette Herrera, sinabi nito na umaabot sa P5.5 billion ang fuel subsidy sa transport sector na hindi pa ipinamimigay ng DOTr. Kabilang dito ang P3 billion na inilaan noong 2022 at P2.5…

Read More

PANANAHIMIK NI ROMUALDEZ SA OKADA ISSUE PINUNA NG NETIZENS

HINDI man mainit na balita sa kasalukuyan ang pagkakadawit ni Speaker Martin Romualdez sa Okada case, nagpakita ng interes ang mga netizen kaya mababasa sa social media ang kanilang mga saloobin hinggil dito. Ipinagtataka rin maging ng Filipino economist, columnist na si Solita Monsod kung bakit tila hindi interesado ang mainstream media sa nasabing usapin. “Why is there a news blackout on Sp. Martin Romualdez’ involvement in the Okada case? It was filed in the US, for heaven’s sake- Bloomberg and Japan Times picked it up,feat. Romualdez and not in…

Read More

Gustong pahupain sa EO 39 – solons GALIT NG TAUMBAYAN RAMDAM NA NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang grupo ng mga mambabatas sa Kamara na desperadong hakbang ang Executive Order (EO) 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para pawiin ang galit ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pahayag matapos ilabas ni Marcos ang kautusan para itakda sa P41 ang presyo ng regular milled rice habang P45 naman sa well-milled rice. “Eto ay desperate move to quell the people’s mounting frustration over his failure to deliver his campaign promise, sabi…

Read More

32M botante hindi ‘bulag’ forever – solons PAGGASTOS NG PONDO, 433 SECURITY DAPAT IPALIWANAG NI SARA

HINDI naniniwala ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagbubulag-bulagan ang 32 milyong Pilipino na nagluklok kay Vice President Sara Duterte noong nakaraang eleksyon kaugnay ng P125 milyon na confidential fund na ginastos sa loob lamang ng 19 araw noong 2022. Sa press conference ng Makabayan bloc, sinabi ni House deputy minority leader France Castro na posibleng naghihintay ng paliwanag ang mga bumoto kay Duterte dahil pera nila ang nakataya rito. “Alangan naman na ‘yang 32 million (na bumoto kay Duterte) ay magbulag-bulagan na lang kung nakikita nila…

Read More

TAGUMPAY NG GILAS, INIUGNAY SA LABAN SA WEST PH SEA

HINDI naiwasan ng ilang senador na iugnay sa laban ng bansa sa teritoryo sa West Philippine Sea ang naging tagumpay ng Gilas Pilipinas kontra China sa FIBA World Cup nitong Sabado ng gabi. Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, maituturing na ‘best win ever’ ang panalo ng Gilas laban sa China. “Our Gilas 🇵🇭 fought well, like each and everyone of them knows the story of Ayungin, Recto Bank, Pag asa island, etc. So proud of them! Everyone contributed! We saw a different Gilas Team, there’s fire in their…

Read More

PINAS KASAMA NA SA TOP TUNA PRODUCERS SA MUNDO – BFAR

KABILANG na ang Pilipinas sa nangungunang “producers” ng tuna sa buong mundo, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR). “With unwavering determination, we have elevated the Philippines to the ranks of the world’s leading tuna producers. Last year’s impressive production of over 475,000 metric tons speaks to our diligence and the richness of our marine biodiversity — a remarkable achievement for a country of our size,” ang bahagi ng mensahe ni DA Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate sa pagtatapos ng 23nd National Tuna Congress and…

Read More

Bakit walang nahuhuli sa warehouse raid? – Farmers group SMUGGLERS ‘DI TUMBOK SA KAMPANYA NI BBM

HINDI kumbinsido ang grupo ng mga magsasaka sa kampanya kontra smuggling at hoarding ng administrasyong Marcos Jr. Ito ay dahil sa sunod-sunod na pagsalakay na isinagawa laban sa mga warehouse na pinaghihinalaang nag-iimbak ng bigas ay walang naaaresto ang mga awtoridad. “Noong isang taon, may halos isang bilyong halaga ng smuggled rice ang dumating sa Port of Iloilo. May nakulong ba? This proves that the rice cartel and their wide chain of operation and networks remain protected under this administration,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos.…

Read More

Nagkadayaan ba? ELEKSYON 2022 SISILIPIN SA KONGRESO

PORMAL nang inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang resolusyon para imbestigahan ang umano’y dayaan noong 2022 election kung saan agad nakakuha ng 20 milyong boto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Base sa House Resolution (HR) 1239 na inakda ng Makabayang bloc na kinabibilangan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT Teacher party-list Rep. France Castro, inaatasan ng mga ito ang mga kaukulang komite sa Kamara na imbestigahan ang paggamit sa isang ‘single private network” na nakaapekto sa automated electoral system noong nakaraang…

Read More