Desisyon ng SC dapat igalang ni Mayor Binay PBBM, FL LIZA INILUTANG SA TAGUIG-MAKATI TERRITORIAL DISPUTE

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang lokal na pamahalaan ng Taguig kaugnay sa ipinalalabas na pagbubukas muli ng Taguig-Makati territorial dispute bagamat pinal na itong nadesisyunan ng Korte Suprema. Sa isang statement na ipinalabas ng Taguig City, sinabi nito na tinuring lamang nila na “fake news” ang mga unang kumalat na social media na nagsasabing nakausap ni Makati City Mayor Abby Binay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza at Chief Justice Alexander Gesmundo para muling buksan ang kaso ng territorial dispute. Gayunpaman nang sundan umano ito ng panayam kay Binay…

Read More

LIBONG PULIS IKAKALAT SA ARAW NG KALAYAAN

BILANG paggunita sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, mahigit 1,300 mga miyembro ng Manila Police District ang magmamasid sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo nito sa bansa. Iniulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), kabi-kabila ang isasagawang mga aktibidad sa lungsod ng Maynila sa Lunes, Hunyo 12, ayon sa anunsyo ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang tinaguriang “The Game Changer”. Kasama rito ang nakalatag na Independence Day program sa Rizal Park at Quirino Grandstand, na posibleng puntahan ng matataas na mga opisyal…

Read More

20,000 KATAO INILIKAS MULA SA PAANAN NG MT. MAYON, MAJOR ERUPTION POSIBLE

NASA 20,000 katao na naninirahan sa paanan ng Mt. Mayon, saklaw ng 6-kilometer permanent danger zone ang inilikas kahapon, araw ng Biyernes sa gitna ng patuloy ipinakikitang pag-aalburuto ng bulkan. Ayon kay Eugene Escobar, head ng research division ng Albay Public Safety and Management Office (APSEMO), pinasimulan na nila ang preemptive evacuation ng mga pamilya sa mga siyudad at munisipyo sa paligid ng bulkan. Nabatid na inaantabayan na lamang ng local office ng Civil Defense at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Albay ang posibilidad na itaaas pa ng…

Read More

ROCKET DEBRIS NG CHINA BUMAGSAK SA PILIPINAS

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Coast Guard (PCG) sa embahada ng China sa Pilipinas hinggil sa hinihinalang rocket debris na may Chinese markings, na bumagsak sa dagat malapit sa Bataan, ayon kanilang tagapagsalita kahapon. Sinasabing natagpuan ang mga labi nitong Lunes sa baybayin ng Sitio Samuyao sa bayan ng Morong. Ito ay halos kamukha ng tuktok na seksyon ng Tianzhou, isang Chinese automated cargo spacecraft, pahayag ng PCG. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng coast guard, isang mangingisda sa Morong, Bataan ang nakarekober sa metal debris na may markang Chinese sa paligid ng…

Read More

UP PROFS: MAHARLIKA BANTA SA EKONOMIYA

IPINAKOKONSIDERA ng 21 faculty members ng University of the Philippines School of Economics (UPSE) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Maharlika Investment Fund bill kasabay ng paglalabas ng kanilang agam-agam sa posibleng panganib na idulot nito sa ekonomiya. Nitong Martes, inilabas ng economic professors ang discussion paper na may 25 pahina at may titulong ‘Maharlika Investment Fund: Still Beyond Repair’ para himukin si Marcos Jr. na pag-isipang mabuti ang gagawing pag-apruba sa panukala. Naniniwala ang mga ito na depektibo ang MIF at posibleng makasama sa ekonomiya ng bansa…

Read More

BULKANG MAYON ITINAAS SA ALERT LEVEL 3

ITINAAS na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Mayon volcano bunsod ng dumaraming naobserbahang abnormalidad ng bulkan sa nakalipas na mga araw. Ilang araw pa lamang mula nang ilagay sa alert level 2 ang bulkan. “DOST-Phivolcs is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 3,” saad ng kalatas mula sa ahensya. Ayon sa Phivolcs, ang pagtataas nila ng alerto ay upang bigyan ng babala ang publiko sa posibleng phreatic eruptions o hazardous magmatic eruption. Una rito,…

Read More

MAYOR BINAY KINONTRA NG SC

ITINANGGI ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na may ipinalabas na kautusan ang Korte Suprema na nagtatakda ng oral argument para sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati City na nagkaroon na ng final and executory decision kung saan itinakda na ang pinag-aagawang Bonifacio Global City(BGC) at 9 pang barangay ay nasa legal na hurisdiksyon ng Taguig City. Ayon kay Hosaka, wala siyang alam na ganitong ipinalabas na kautusan. “I have no information about an oral argument being set regarding this case,”nakasaad sa text message na…

Read More

MAHARLIKA INVESTMENT FUND BILL PINABABALIK SA PLENARY DISCUSSION

KASUNOD ng isyu sa magkaibang probisyon sa Maharlika Investment Fund Bill, pinayuhan na ng tatlong dating Senate President ang kasalukuyang Kongreso na ibalik na lamang sa plenaryo ang panukala upang maisaayos ang mga problema. Sinabi ni dating Senate President at ngayo’y Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat bawiin na ang approval sa kontrobersyal na panukala para mas maiwasto ang mga kinukuwestyong bahagi nito. Iginiit ni Pimentel na tanging ang mga mambabatas ang dapat na magsaayos sa dalawang seksyon dahil kung ipauubaya ito sa secretariat ay posible itong mauwi sa…

Read More

PUMP PRICES SA PINAS ‘DI APEKTADO SA BAWAS PRODUKSYON NG SAUDI – DTI

MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production. Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay na ito dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga…

Read More