HINDI pa rin “magugutom” ang mga kongresista at senador sa susunod na taon matapos ibunyag na may nakatabing pondo para sa kanilang pet projects sa panukalang 2026 national budget — na pinagmumulan umano ng kickbacks. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, isa sa 12 kongresistang bumoto kontra sa House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon, mayroong tinatayang ₱154 bilyong “allocables” na inilaan para sa mga mambabatas. “Pinapanatili ang sistema ng ‘allocables’ o tiyak na alokasyon para sa bawat legislator sa badyet…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Dumarami ayaw magbayad PROTESTA VS KORUPSYON RAMDAM NA SA TAX COLLECTION
KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan. Sa pagtalakay sa panukalang budget ng DOF, sinabi ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue ang slowdown sa pagbabayad ng buwis bagama’t sa ngayon ay manageable pa. Sinabi ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian na marami sa mga tao ang mag-iisip muna nang matagal bago magbayad ng buwis. “May effect ba on taxpayers payments dahil maraming nadidismaya maraming rally do you see any…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
PASAY CITY — Arestado ang isang lalaki na kasama ng 20-anyos na biktima ng human trafficking matapos silang harangin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Sabado. Kasama sa iniimbestigahan ang isang immigration officer na umano’y tumulong sa pagproseso ng kanilang pag-alis. Batay sa ulat ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) kay Director Judge Jaime Santiago (Ret.), papunta sana sa Saudi Arabia ang suspek na si “Asnawi” at ang biktima nang pigilin sila sa NAIA matapos lumabas sa offloading record ang kanilang mga pangalan at ipinasailalim sa masusing…
Read MoreSa gitna ng pambabarako ng China SUBSISTENCE ALLOWANCE NG PCG PERSONNEL PINATATAASAN
NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na taasan ang subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula ₱150 tungo sa ₱350 kada araw upang maipantay sa natatanggap ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel ng pamahalaan. Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, layon nitong mapanatiling mataas ang morale ng mga Coast Guard personnel at maipakita ang pagkilala sa kanilang kagitingan at sakripisyo, lalo na sa gitna ng patuloy na pangha-harass ng China Coast Guard at iba pang banta sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ng senador…
Read More15% LANG PASADO SA CIVIL SERVICE ELIGIBILITY TEST – CSC
MAHIGIT labinlimang porsyento (15%) lamang ng mga kumuha ng Civil Service Examination (CSE) ang pumasa, ayon sa Civil Service Commission (CSC). Sa inilabas na anunsyo ng komisyon kahapon, 50,096 sa kabuuang 302,028 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 10, 2025 sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa datos ng CSC, 45,730 o 15.14% ang pumasa sa Professional Level, habang 4,366 lamang sa 29,647 examinees ang pumasa sa Subprofessional Level. “We congratulate all passers of the August 2025 examinations.…
Read MoreP695-B ‘PORK’ PASOK PA RIN SA 2026 BUDGET
DAAN-DAANG bilyong piso umano ng pork barrel ang nakasiksik pa rin sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ayon sa Makabayan bloc. Dahil dito, bumoto ng “no” sa House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill ang tatlong kongresista mula sa grupo — sina Act Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Co, at Gabriela Rep. Sarah Elago. “This is not reform. This is the consolidation of a corrupt system that enriches the political elite while millions of Filipinos lack classrooms, hospitals, decent housing,…
Read MoreLIBRE NA LIBING SA MAHIHIRAP
LIBRE na ang libing ng mahihirap na Pilipino matapos awtomatikong maging batas ang “Free Funeral Services Act” o Republic Act No. 12309, kahit walang pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nag-“lapse into law” ang nasabing panukala noong Setyembre 28, 2025, ibig sabihin ay naging ganap na batas kahit hindi nilagdaan ng Pangulo. Sa ilalim ng RA 12309, obligado na ang gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong libing sa mga pamilyang itinuturing na “in crisis situation” — kabilang ang mga mahihirap,…
Read MorePUBLIKO INABISUHAN SA PAGKALAT NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS
NAGBABALA ang Muntinlupa City Health Office (CHO) sa publiko hinggil sa influenza-like illness (ILI), isa sa mga pangunahing dahilan ng pagsuspinde ng klase ngayong Oktubre 13 at 14 sa National Capital Region (NCR). Ayon sa World Health Organization (WHO), ang ILI ay isang acute respiratory illness na may lagnat na higit o katumbas ng 38°C at ubo, na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw. Sa inilabas na advisory, ipinaliwanag ng Muntinlupa CHO na madaling kumalat ang ILI mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng hangin (ubo o…
Read MorePAGPATAY SA EX-NIA EMPLOYEE INIUUGNAY SA NILANTAD NA KORUPSYON
NANINIWALA si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na may kinalaman sa katiwalian sa National Irrigation Administration (NIA) ang pagpaslang sa dating empleyado nitong si Niruh Kyle Antatico, 40-anyos, na binaril ng motorcycle-riding gunmen sa Cagayan de Oro City noong Biyernes, Oktubre 10. “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Kyle Antatico, isang matapang na boses laban sa korapsyon,” pahayag ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Food and Agriculture. “Bawat araw na walang nananagot, lalong nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa pamahalaan.” Ayon sa senador, hindi dapat manahimik ang mga otoridad sa harap…
Read More